Kabanata 9

1M 27.3K 5.6K
                                    

Kabanata 9

V Line

Gulat na gulat si mommy nang nakita ang bago kong anyo. LOL. Parang naging diosa bigla? Masaya din siya dahil sa wakas ay bumili na ako ng damit na pasok sa panlasa niya. Puro dress at floral tops ang binili ko (tulad ng sabi ni Kelly).

Lunes at excited akong pumasok sa Le Marcelle. Paano ba naman kasi, ngayon ko masusubukan ang mga payo ni Troy sakin. Aniya'y maging snob daw dapat. Hindi naman maging suplada pero wa'g daw over friendly lalo na kay Sir Jayden.

Usap-usapan sa buong morning shift ang bagong buhok ko. Nilugay ko lang siya para maipakita ang loose curls. Pinagkaguluhan din ang bago kong pumps na halos sambahin ng ibang interns.

"Whoa! Kung wala kang scarf, iisipin kong board ka dito." Sabay iling ni Jane.

"Salamat." Ngumiti ako. "New look lang para maiba. Nakakasawa na rin kasi yung dati."

Wala si Troy sa suite niya kaya malaya akong nakakatrabaho sa loob. Nang nag break na, kinabahan na ako ng husto. Ilang beses akong napalunok habang tinitignan ang repleksyon ko sa salamin.

Magkikita na ulit kami ni Sir Jayden, kasama ang new look ko! Sa sobrang kaba ko tingin ko papalpak ako. Okay!!! Relax, Trish! Ang sabi ni Troy, wa'g magpapahalata na gusto mo siya. Dapat hard-to-get. The best way to get people to like you is not to like them too much. Be confident!

Naglakad ako papuntang restaurant. Nabigla ako nang nakita ko agad ang mga mata ni Sir Jayden na naka titig sakin. Nakaupo siya sa isang table at may dalawang kape na sa hapag niya.

Tinaas ko ang kilay ko at tumingin sa paligid. Animo'y di siya nakikita. Biglang tumaas ang kamay niya...

"Trisha!" Kumaway siya.

Linagyan ko ng nakakabiglang ekspresyon ang mukha ko, "Sir Jayden!" At nanginginig na naglalakad papunta sa kanya.

"Uhmmm, may hinahanap ka?" Tanong niya nang umupo ako.

Nagdalawang isip pa ako sa pagsagot, "Wala, inisip ko lang kung saan magandang umupo."

"Hmmm. Bakit? Ayaw mo ba dito?"

Napaawang ang bibig ko habang tinitignan siya.

Teka lang ah? Break muna, Troy, susuka lang talaga ako ng rainbow? Inisip ko ang inis na mukha ni Mr. AAMD habang nagmumura sa pagiging engot ko, pero di tumatalab sa ngayon. Nilipag na yata talaga ng hangin ang isipan ko dahil sa titig ni Sir Jayden. Ngumisi pa siya nang nakita ang mukha ko.

"O-Okay lang naman." Fail, Trish, nautal ka pa!

Mas lalo siyang ngumiti sa sinabi ko. Saglit lang talaga, ah? Mukhang lumipad ang butas-butas na panty eh! "Diba sabi ko sayo, Jayden na lang? Bakit may Sir parin hanggang ngayon?" Kumunot ang noo niya.

Bumungisngis ako at naalala na naman ang lintik na mukha ni Troy kaya inayos ko ang sarili ko, "Sorry, nakalimutan ko kasi."

Tumawa rin siya at tinitigan ako.

Training To Love (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon