Kabanata 21

1M 27K 17.7K
                                    

Kabanata 21

Mas Masakit

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Sa sobrang saya ko hindi ko alam kung sinong una ko pagsasabihan sa nangyari. Si Emma? Sina Earl, Beatrice, at Camille? Si mommy at daddy? Hindi... Hindi ko kayang sabihin kay mommy at daddy na kami na ni Jayden. Malabo. Bukod sa 'mukhang' imoral yun dahil professor ko siya noon, mas matanda pa siya sakin kaya mas lalong aayaw ang konserbatibo kong mga magulang.

"Uhmm...-" Hindi niya na ako pinatapos sa pagsasalita.

"It's okay. Hindi naman ako nagmamadaling ipakilala mo ako sa mga magulang mo eh." Ngumiti siya sabay sulyap sa bahay namin.

Tumango ako at ngumiti din. Nabasa niya ang kanina pa nagpapabagabag sa isipan ko.

"Sorry." Sabi ko.

"Okay lang. I'm gonna wait." Hinaplos niya ang pisngi ko.

Naghuramentado na naman ang sistema ko. Sukang suka na ako ng rainbow simula nung sinagot ko siya. Hindi talaga ako makapaniwala!

"Uhm... Friends na ba tayo sa Facebook?" Uminit ang pisngi ko sa tanong ko.

"Oo." Ngumiti siya.

"Uhm... O-Okay lang ba kung di muna natin... uhm sasabihin sa lahat. Uunti-untiin ko muna. Baka kasi ma heart attack yung mga kaibigan ko."

Tumawa siya. Natawa na rin ako. "Syempre! Ganun din kasi ang plano ko. Hindi na lang muna natin sasabihin, unless may mag tanong... Ayoko kasing pagtsismisan tayo. Ayokong pagtsismisan ka. Lalong lalo na dahil manager ako at professor mo pa noon."

Tumango ako, "Sige... Mas maganda nga iyon." Ngumiti ako.

"Hmm... So ano, sige na? Pumasok ka na. Gabi na eh. Thank you for this day. You made me the happiest man alive!"

Halos sumabog na ako sa rainbow dahil sa mga sinasabi niya.

"O-Okay. Sige... Uhm... salamat! Sobrang saya ko din!" Bumungisngis ako at agad namang inayos ang sarili.

Umamba siyang bubuksan ang pintuan kaya pinigilan ko.

"Wa'g na. Ako na..." Humalakhak ulit ako at binuksan ang pintuan.

"I love you, Trisha." Marahang sinabi niya pagkabukas ko ng pinto.

Natigilan ako at lumingon sa kanya, "I love you, too." AHHHH! Sasabog na talaga ako sa kilig.

Ngumiti siya at agad akong hinalikan sa lips. As usual, mabilis na halik kaya nabigla na naman ako. Lagi niya lang akong binibigla.

Tumawa siya nang nakita ang reaksyon ko.

"Masanay ka na... Uhm... First kiss mo ba ako?" Tanong niya.

Tumango ako. Hindi na makapagsalita sa dami ng iniisip at sa paghuhuramentado na rin ng kalooblooban ko.

"Good." Ngumisi siya.

Training To Love (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon