Real Talk. Mas nakakainis ang martyr kesa sa manloloko!
Lahat naman tayo may kaibigang laging bigo sa pag-ibig. Kung wala kang ganoong kaibigan, baka ikaw iyon.
Nakakainis diba kapag lagi silang umiiyak at nagrereklamo?
Paulit-ulit na humihingi ng advice, wala namang pinakikinggan!
Buti pa kung iyong kaibigan mo ang manloloko, at least alam mong masaya siya palagi. Hindi nakaka-stress no.
Kung ikaw ang tinutukoy ko na martyr, mag-isip ka nga! Mahalin mo rin kaya ang mga kaibigan mo, wag mong saktan ang tainga nila sa paulit-ulit mong mga kwento. Mahalin mo rin sarili mo.
Akala mo ba kapag ganyan kahaba ang pasensya mo at ganyan ka kadaling magpatawad ay mas mamahalin ka? Akala mo ba irerespeto ka niya o maaawa siya sa'yo kung ganyan ka kabait? Niloloko mo pba sarili mo hanggang ngayon?
Umayos ka! Sundin mo mga kaibigan mo, magpakatino ka para sa kanila. At lalong hindi ka pinalaki ng magulang mo para magpaapi.
![](https://img.wattpad.com/cover/48403996-288-k713165.jpg)
VOCÊ ESTÁ LENDO
Real Talk Notebook
HumorReal talk, mas maganda ang babaeng hindi alam na maganda siya. No offense sa mga feeling. hahaha! Basahin mo, baka andito ka. Either ikaw yung nakakainis o ikaw ang naiinis. Dalawa lang naman yun.