DISCOVERIES PART 2

400 19 1
                                        

Naomi's POV

Dahan dahan akong naglakad patungo sa pinto ng bahay at dahan dahan ko ding hinawakan ang door knob nito.

Grabe naman labas palang ng bahay nakakatakot na, pano pa kaya kung sa loob.

Pagpihit ko nang door knob natuwa ako dahil bukas ito.

'Yes may matitirhan na ako' Sabi ko sa isip ko sabay ngiting malapad pero habang naiisip ko na nakakatakot ito,di ko maiwasang di kabahan.

Takot kasi ako sa multo eh. Sino ba namang hindi takot, maski si otor takot din eh.

Parang wala naman kasing nakatira dito kaya dito muna ako pansamantala habang maghahanap ako ng trabaho at matitirhan ko.

Pagkabukas ko ng pinto ay dahan dahan ako pumasok at baka may makita akong kakaiba dito.

Wooahh.

Ang dilim naman at ang lamig pa.

Pumasok na ako ng bahay at ang dilim talaga.

Asan kaya yung switch ng ilaw??

Parang wala naman ata eh.

Maghahanap nalang ako ng kandila o kaya Kung ano man ang pwedeng pang Ilaw dito. Ang dilim kaya talaga. Pero may konting ilaw naman dahil sa buwan.

Nga pala gabi na agad kaya may buwan na kahit hindi nyo tinatanong hihi.

Sa di kalayuan, may naaninag akong isang bagay na mahaba.

'Sa tingin ko lamesa to,makapa nga Kung meron akong magagamit na pang ilaw dito..'
Sabi ko sa isip ko habang nakafocus sa mata ko yung bagay na naaninagan ko.

Sinimulan ko nang puntahan yung mahabang lamesang naaninagan ko. Habang naglalakadako aybiglang may gumapang sa paa ko na maliit lang.

"Waah! Ipis" di ko na mapigilang mapatili sa sobrang takot ko. Pinadyak padyak ko yung paa ko at nagtatatalon para umalis yung ipis sa paa ko at nagtagumpay naman ako. Nagsimula ako ulit maglakad.

  Nang makalapit ako sa lamesa ay kinapa ko ito kung meron akong magagamit pang ilaw dito. Saan na kaya yung mga gamit dito?

Pag kapa ko ulit sa lamesa may nahawakan akong isang maliit,malambot,at parang may buntot.

T-teka..

Bakit parang gumagalaw...

"Aaaaahhhhh!!"hala kadiri naman,nakahawak ako ng daga.!

ewww. Kadiri much

Nagpatuloy ako sa pagkapa sa lamesa. Pag kapa ko may nahawakan ako na mahaba,matigas. Baka flash light na ito. Sana na nga,

Kinuha ko ito at pinailaw medyo nagbi-blink pa sya kaya hinampas ko konti.

"Ayun" natutuwang sambit ko at inilawan ang paligid. Madumi na siya at halatang wala nang nakatira rito dahil puro agiw at alikabok ang nasa paligid.

buti nalang at gumagana pa ang flashlight na ito.

May pinasukan akong isang kwarto at may nakita akong isang malaking aparador na medyo luma na.

Pinuntahan ko ito at dahan dahang binuksan.

Pagkabukas ko may nakita ako...

Napakaraming damit.

At pangbabae pa talaga.

Wow!what a coincidence!!!

^_^

Tapos may nakita akong pantulog. Yung para syang bistida na makaluma yung hanggang siko yung haba ng manggas at hanggang tuhod yung haba nya.

Ang galing naman.

'Pwede na siguro tong pagtyagaan' sabi ko sa isip ko sabay pagpag ng damit. Napaubo ako dahil sa alikabok na galing sa damit.

Susuotin ko to mamaya.

lumabas na ako ng kwartong iyon dahil wala namang kama kaya naghanap ako ng bagong kwarto,nagbabakasakaling may mahanap akong higaan.

Paglabas ko sa pinto may nakita pa akong pinto sa di kalayuan kaya inilawan ko ito.

Mapuntahan nga..

Pinuntahan ko yung pintong nakita ko sa di kalayuan sa kwartong pinasukan ko, nagbabakasakaling bukas iyon at nagbabakasakaling may mahihigaan o may matutulugan na ako.

Pagpihit ko ng door knob napangiti ako dahil hindi ito nakalock.

Agad ko naman itong binuksan at dahan dahang pumasok.

.

.

Pagpasok ko sa kuwarto ay inilawan ko agad ito.

nagbabakasakaling may kama doon

at gotcha

yes may kama nga. yipie!!

May matutulugan na ako sa wakas.!!

Nilibot ko ang paningin ko at napansin ko ang isang maliit na lamesa sa tabi ng malaking kama. Pinuntahan ko ito at may nakita akong sulat sa maliit na lamesa.

Ano naman kaya ito?

Kinuha ko ito at binasa pero hindi ko maintindihan ang nakasulat doon kaya tinry ko nalang basahin ng malakas.. 

"A- anoixte t-tin porta t-t-tounel. Huh? Ano kayang ibig sabihin non?" Napaisip ako. Ano yun?

Huh??

anu daw??

Inulit kopa ng dalawang beses at this time malinaw na ang pagkakabasa ko roon.

Pagkatapos ko itong basahin, maya maya ay may biglang umilaw sa aking harapan at unti unti ako nitong hinihigop.

Hala ano to? Hindi ako makakita!

"Aahh!!!"bigla akong humawak sa aking maleta upang hindi ako higupin nito pero nahihigop narin ang maleta ko.

Hala! Anong gagawin ko?

"Ahhhhh!!!!"sigaw ko habang yakap ang maleta ko. Feeling ko mahuhulog na ako.

-------------------------------

Saan kaya dadalhin si Naomi ng liwanag na iyon?

Abangan..

Vote and comment para ganahan mag update..

•Hyacinth Academy• (on-hold)Where stories live. Discover now