Noona -7-

4.9K 260 93
                                    

Noona -7-

*pindot* *pindot*

"Whaa bakit ang cute cute mo?" sabi ko habang nagiiscroll sa newsfeed ko sa Instagram. Ang dami kasing updates tungkol sa EXO dahil concert nila ngayon sa Seoul. Pupunta nga sana ako kaso may pupuntahan si Hyemi at Jera Unnie samantalang pinayagang umuwi si Eunsoo Unnie sa kanila kaya ako lang mag-isa sa dorm namin. Wala din sila Jungkook kasi may photoshoot sila para sa upcoming Japanese single nila.

"Oppa! Dangshineun jeongmal saranghae!" sigaw ko habang naghyhysterikal. Ang cute kasi ng mga concert preview ni D.O oppa eh, kaya nagfafangirl na naman ako.

Bakit kahit malaki yung mga mata nya, ang gwapo at ang cute nya? Tapos makalaglag panty yung boses nya lalo na kapag english yung part whaa! Eargasm yon!!

Kumunot yung noo ko nung marinig kong may nagdoorbell. Istorbo sya kung sino man yung nagdoorbell, kita ng nasa kalagitnaan ako ng pagfafangirl eh. Hindi ko pinansin at ibinalik yung atensyon ko sa cellphone ko, baka nantitrip lang walang magawa sa buhay.

"Whaa! Next week pupunta talaga ako sa concert nyo!" sabi ko kasabay din ng pagdoorbell ulit. Hindi naman nagdodoorbell sila Unnie at ang Bangtan dahil alam nila yung passcode ng dorm namin, kung si Manager Unnie naman nagtetext yun bago pumunta dito kaya imposibleng sila yung nagdodoorbell.

Inis akong tumayo at sinilip yung screen kung saan makikita kung sino yung nasa labas. May nakita akong isang lalaki pero nakayuko sya kaya hindi ko kita yung mukha nya. Baka sasaeng to! Naku patay ako neto. Lumayo ako ng konti at naghanap ng pwede armas, nagdoorbell sya ulit.

"Sino ka!" tanong ko sa kanya habang naka-amba yung nakuha kong walis.

"Si JB to" sagot nya. JB? Sino yun? Wala akong kilalang JB!

"Sinong JB? Wala akong kakilalang JB!" sigaw ko, napatawa naman sya.

"Ako to si JB ng Got7, nakalimutan mo na ba?" natatawang sagot nya. JB? Got7? Ah si Jaebum! Ibinaba ko yung walis na hawak ko saka ko binuksan yung pinto.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko nung mabuksan ko na yung pinto. Itinaas naman nya yung dala nyang box ng pizza at iba pang nasa supot.

"Nabalitaan ko kasing malapit lang yung dorm nyo dito kaya nagpunta ako, may pizza parlor kasi si Umma dyan sa kabilang kanto"

"Ah ganun ba? Sige pasok ka"

"Dapat hindi ka na nag-abala, baka may schedule kayo ngayon" sabi ko habang naupo kami sa sofa, umiling naman sya.

"Yun nga ang wala kami ngayon kaya nakabisita ako." ako naman yung tumango at isa-isa naming inilabas yung mga dala nya at ang dami pala.

"Teka kukuha lang ako ng mga baso" tumayo ako at kumuha ng mga baso. Pagbalik ko ay inaayos nya pa rin yung nga dala nya.

"Gusto mong manood, may mga movies kami dyan" suggest ko, total wala naman kaming gagawin pareho magmovie marathon na lang kami.

"Sige, matagal na rin akong hindi nakakanood ng movies eh" pinapili ko sya ng gusto nya at pinili nya yung Iron Man, well pabor sa akin yun kasi crush ko si Iron Man!

Tahimik lang kami pareho habang nanonood pero minsan nahuhuli ko syang nakatingin sa akin kaya hinahampas ko sya ng unan. Nakakaconcious kaya >_<

Nung matapos yung Iron Man ay nanood pa kami ng ilang pang movies kaya gabi na rin sya naka-uwi.

"Sige dito na ako, salamat sa pagpapanood sa akin ng movies" nakangiting paalam nya.

"Wala yun, salamat din sa pagkain at sa pagsama sa akin ngayon. Galing mo, saktong ako lang mag-isa dito sa dorm kaya boring. Salamat" pasasalamat ko din. Mas lumaki yung ngiti nya kaya mas lalo sya gumagwapo.

Pinindot ko yung passcode ng dorm namin pero hindi ko pa binubuksan yung pinto. "Ah sige, alis na ako. Salamat ulit" paalam nya. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Salamat ulit" ulit nya.

"Paulit-ulit ka no? Oo na nga!" sabi ko. Sakto naman ay bumukas yung pinto at sabay kami napalingon kung sino yung nagbukas. Si Jungkook, na agad nawala yung ngiti nung makita si JB.

"Noona" tawag nya sa akin. Nakatinginan kami ni JB at aalis na raw sya. Matalim ang mga tingin ni Jungkook nung dumaan si JB sa harapan nya hanggang sa naglalakad na yung tao sa corridor.

"Kelan pa kayo dumating?" tanong ko sa kanya pero hindi nya ako sinagot at dali-dali akong hinila papasok sa loob ng dorm namin.

"Bakit ka nagpapapasok ng ibang tao sa loob ng dorm nyo Noona? Alam mo namang delikado di ba?" sunod-sunod na tanong nya sa akin. Tinignan ko sya ng nakakunot ang noo, anong problema netong batang to?

"Noona naman! Seryoso ako dito oh tapos titignan mo lang ako ng ganyan?" lintaya nya. "Anong pinaglalaban mo?" tanong ko sa kanya. Wala namang masama kung papasukin ko si JB sa loob ng dorm namin di ba? Mabuti naman syang tao eh, tsaka kaibigan ko sya.

"Anong pinaglalaban ko Noona? Babae ka tapos nagpapasok ka ng lalake sa loob ng dorm nyo! Pano kung may gawing masama yun sayo ha!" nagtaas na ng boses si Jungkook. Tumingin ako sa lanya at halata pang pagka-inis sa mukha nya.

"Eh ikaw di ba lalaki ka, bakit napasok sa loob ng dorm namin?" tanong ko sa kanya. Ayokong tanungin ang bagay na iyon pero hindi ko gusto ang pagtatas nya ng boses sa akin. Tumayo sya mula sa pagkaka-upo.

"Iba ako sa kanila Noona, ibang-iba" sagot nya saka lumabas ng dorm namin.

Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa BigHit para magtrain ng mga trainees. Nakasalubong ko si Jungkook pero hindi nya ako pinansin. Galit pa rin siguro sya dahil sa ginawa ko, well may point rin naman sya pero kaibigan ko din naman si JB kaya para sa akin ok lang na papasukin ko sya sa dorm namin.

"Anong ginawa mo kay Jungkook at kagabi pa badtrip?" tanong sa akin ni Seokjin Oppa. Tumingin ako sa kanya at umiling, ayokong sabihin sa kanya malamang sa malamang pagagalitan din nya ako.

"Wala eh, kagabi pa badtrip na badtrip yan, ni hindi nga kumain eh" nakaramdam namab ako ng guilt dahil sa sinabi ni Oppa. Hindi kumain kagabi si Jungkook?

"Alam kong ayaw mong sabihin sa akin kasi narealize mong may mali ka din di ba?" tumango-tango ako. Kilala na talaga ako ni Seokjin Oppa.

"Intindihin mo na lang si Jungkook, masyado syang attached sayo kaya ayaw nyang mapahamak ka" tumayo si Seokjn Oppa at iniwan ako na nag-iisip sa may gilid.

"Yoora! Tignan mo ang pogi ko di ba?" bigla na lang sumulpot si Taehyung sa harapan ko at ipinakta yung picture nyang naka-collage.

"Ipopost ko to para makita ng mga ARMY's" sabi nya at kinalikot yung cellphone nya.

"Nga pala Yoora, bat badtrip si Maknae nung umuwi galing sa dorm nyo?" tanong nya ng hindi tumitingin sa akin. Nangongonsensya ba sila? Kung oo pwes nakokonsensya na ako!

Hindi ko sinagot si Taehyung, tumayo ako at dumiretso sa isang malapit na cafe.

Pagbalik ko sa BigHit ay nakita ko syang naka-upong mag-isa sa loob ng practice room nila. Nakayuko sya at hinihingal.

Iniabot ko sa harap nya yung Bubble tea na binili ko na may sticky note na nakadikit.

미아헤 ㅜ-ㅜ

-노나

------------------------------------

Hello!

Noona Where stories live. Discover now