Noona -30-

3.1K 190 131
                                    

Noona -30

"Eto naman ang practice room namin" sabi sa akin ni JB habang binubuksan yung isang pinto ng kwarto dito sa JYP Ent. Pagkabukas nya ng pinto ay agad na pumasok yung mga kamiyembro nya tapos pinauna nya ako bago sya pumasok. Inilibot ko yung tingin ko at ito yung pinagpapapraktisan nila sa mga Practice video nila ng mga kanta nila. Nung sabihin sa akin na magsisimula na kaming magpractice para sa collaboration namin ay nanood ako ng mga videos nila sa youtube, yung MV nila at mga practice videos nila.

"Noona!" biglang tawag sa akin ni Yugyeom kaya tumingin ako sa kanya. Bigla naman syang ngumiti, yung tipong nawawala na yung mga mata nya tapos nakangiti sya na kita yung mga ngipin nya.

Sinenyasan nya ako na lumapit sa kanya kaya lumapit ako. Umupo silang lahat ng paikot doon sa gitna ng practice room nila kaya umupo din ako sa pagitan ni JB at Mark.

"Noona, pwedeng tabi tayo?" tanong nya. Tumingin ako kay JB at nakita kong masama ang tingin nya kay Yugyeom ngayon.

"Yugyeom-ah" Mark Oppa said in a warning tone. "Baka magalit na naman si leader nyan, sige ka" dagdag nya pa. Tumingin si Yugyeom kay Mark tapos ngumiti ulit sya. Yung pilyong ngiti, yung parang nang-aasar. Itinaas nya yung dalawang kamay nya "Arraseo! Arraseo!" pagsuko nya.

Pagkatapos non ay nagsimula na kaming magbrainstorming para sa magiging collaboration namin. Dapat ang kasama ko ngayon ay ang Miss A sunbaemin kaso may tinatapos pa silang kanya-kanyang individual activities kaya GOT7 muna ang kasama ko. May schedule din sila Unnie ngayon lalo na si Jera Unnie na magdedebut na sa big screen.

"May gusto ka bang kanta namin?" tanong ni Mark Oppa sa akin. Gusto ko yung kanta nilang A. Ang catchy kasi nung beat tapos ang cool pa ng choreography.

"Neh, gusto ko po yung kanta nyong A"sagot ko sa kanya. Isinulat nya iyon sa papel na hawak nya tapos nag-isip ulit.

"Paano kung pagsamahin na lang natin yung kanta nyong Beautiful Dream tsaka yung A?" Suggest ni Youngjae sa amin. Napakunot naman ang noo ko, makaiba ng genre yung kanay naming Beautiful Dram at A kaya baka hindi sya magblend ng maayos.

"Baka, mahirapan kayo kasi malayo yung tunog ng dalawa" sabi ko sa kanya. Tumingin sya sa akin then ibinalik yung tingin sa papel na hawak ni Mark Oppa.

"Kaya yan, ireremix na lang namin ni Jackson Hyung" sabi nya sabay tayo.

"For the mean time, tuturuan ka na lang muna namin ng choreography ng A" sabi ni Jr Oppa. Tumayo kaming lahat na natira tapos inayos nila yung mga gagamitin namin.

***

"Mali Noona yung kanang paa muna bago yung kaliwa" pagtatama sa akin ni Yugyeom. Mahigit dalawang oras na rin nila akong tinuturuan ng cherogeaphy ng A at mga 1/4 na yung nakakabisado ko. Medyo mahirap kasi pabglalaking sayaw sya pero ok lang, challenging at the same time. Sana kayanin din nila yung choreography ng Beautiful Dream, puro giling pa naman yun.

"Neh, neh arraseo" sabi ko then nagsimula ulit kami. Nung matapos namin yung part na yon ay nagpalakpakan sila.

"Hindi ko alam na sobrang dali mong turuan, kami nga nahirapan sa choreography nyan eh" sabi sa akin ni Jr Oppa tapos inabutan naman ako ni JB ng towel.

"Break muna guys!" Sabi ni Jackson Oppa na isa sa nagtuturi sa akin ng sayaw kahit palagi kaming biglang tatawa dahil sa kalokohan nya.

"Samahan mo ko" sabi sa akin ni JB nung magsimula ng maghanao ng kanya-kanyang pwesto yung mga members nya. "Saan naman?"

"Bili tayong inumin" sabi nya kaya tumango ako. Inilapag ko yung towel na ibinigay nya sa bag ko habang nagpaalam naman syang bibili lang kami.

Pagkalabas namin ng practice room nila ay nakasalubong ang Bangtan na may schedule din kasama ang Harmony.

Agad lumapit sa akin si Taehyung tapos inilagay nya yung ulo nya sa balikat ko. "Ang sakit ng ulo ko Yoora" sabi nya sa akin. Kinapa ko yung leeg nya at medyo mainit sya.

"Kaya mo ba?"tanong ko naman tapos tumango sya. Inangat nya yung ulo nya at nagtama yung mga mata namin. Halata nga sa mukha nya hindi maganda yung pakiramdam nya.

"Kidaryo" bumalik ako sa loob ng practice room ng GOT7 at kumuha ng gamot sa bag ko saka ako bumalik at ibinigay iyon sa kanya.

"Wag ka gaanong magpapagod para di na lumala" paalala ko sa kanya tapos sumama na akong bumili ng maiinom kay JB.

"Annyeong Sunbaenim" bati sa amin ni Eun-ah nung makasalubong namin sya, palabas kami ng building samantalang papasok naman sya. Tumango ako sa kanya at pinat naman ni JB yung ulo nya.

"Ang bait ng batang yon" kwento ni JB habang naglalakad kami, tumango at nagpatuloy sa pakikinig sa kanya.

"Palagi nyang inaalala yung pamilya nya lalong-lalo na yung kuya nya, pansin ko close sila ni Jungkook?" Baling nya sa akin.

"Pansin ko nga rin, nakilala ko sya bago sila magdebut at nalaman kong magkababata sila dati ni Jungkook sa Daegu. Siguri yun din ang dahilan kung bakit close sila ngayon" sagot ko sa kanya.

Siguro nga yun lang ang dahilan.

Pagbalik namin sa building ng JYP ay nakita kong kinaka-usap ni Manager Oppa si Jungkook sa labas. Nung mahagip ako ni Oppa ay tinawag nya ako.

"Samahan mo nga ito sa loob Yoora. Ayaw kasing magpaawat eh, sabi ko magpahinga na lang sa dorm nila kaso ayaw nya" utos sa akin ni Manager Oppa. Nagpaalam si JB na mauuna na sya dahil baka nauuhaw na yung mga members nya.

Tinignan ko si Jungkook at namumula sya, kinapa ko yung leeg at noo nya at sobrang init nya. "Noona" sa loob ng ilang linggong lumipas ngayon ko lang ulit narinig na tinawag nya akong Noona. Pakiramdam ko tuloy may kung ano sa dibdib ko.

Inilahad ko yung kamay ko sa harapan nya at niyaya syang pumasok sa loob. Nung una ay nakatingin lang sya pero inilagay nya rin yung kamay nya.

"Ikaw na bahala sa kanya Yoora, inaayos ko pa yung debut sa big screen ni Jera" paalam ni Manager Oppa.

Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng JYP Ent. At hindi nakatakas sa akin ang bilis ng tibok ng puso ko.

------------------------------
At dahil #TEAMBAHAY ako, ayan ang nagagawa ko XXD.

Comments please!! Kailangan ko inspirasyon para makaisip ng susunod na UD.

Sad or Happy Ending ba dapat??

Noona Where stories live. Discover now