Ang Simula

64 4 6
                                    

Ang Simula

Sa paglipas ng panahon, maraming bagay na ang nagbago. Mula sa paggawa ng mga panibagong teknolohiya, hanggang sa pagkakaroon ng mga bagong mundo. Mas gumanda rin ang pamumuhay ng tao at mas naging madali ito para sa lahat.

Ang Pilipinas ay naging isa sa mga pinakamayamang bansa dito sa mundo. Di lang sa mundo pati na rin sa iba pang mga mundo. Oo, sa ngayon ay natirhan na rin sa wakas ng mga tao ang planetang Mars, ang pulang planeta. Bago pa sumapit ang taong 2050, ay nasimulan na ng gobyerno sa ilang mga bansa ang pagpapadala ng mga piling tao upang manirahan doon.

Naging maayos ang pamumuhay ng mga tao doon at nakagawa na rin ng paraan ang mga siyentipiko para magkaroon ng tubig at sapat na oxygen doon na maaring gamitin sa pamumuhay ng mga tao na naroroon. Sa taong 2112, nagkagulo ang mga tao sa planetang Earth dahil sa unti unting pagkaubos ng mga malinis na tubig o tubig-tabang sa mundo.

Sa panahong iyon, mas tumindi pa ang global warming sa mundo dahil sa pagputol ng mga puno dahil sa kakulangan sa kabahayan ng mga tao. Marami-rami na ring bansa sa panahong iyon ang tinatawag nang over-populated dahil sa dami ng naninirahang mga tao nito.

Nang dahil dito ay nagsagawa nanaman ang pamahalaan ng Amerika na magpadala ng mga tao dahil sa pagkakaroon ng magandang resulta sa unang paglapag nito sa Mars. Pinaplano noon ng pamahalaan na mas lalo pang palawakin ang lugar o lupa na ikinakaupahan ng mahigit kumulang isang-daang tao na naroon.

Sa kabuting palad, nagawan ng paraan ng gobyerno ang mga bagay na ito. Ang mga siyentipiko na nagmula pa sa Harvard at Oxford University ay gumawa ng makabagong mga makina kung saan ang tubig-alat ay maari nang gawing tubig-tabang. At gumawa rin ng iba't iba pang mga makinarya na mas magpapalaganap pa ng tubig sa mundo.

Ini-unti unti naman roon sa Mars ang pagpapadala ng mga tao dahil sa takot na ring biglang kabaligtaran ang mangyari sa inaasahan nilang magandang dulot nito. At ganoon nga ang nangyari, nilagyan pa ng mas maraming puno roon sa lugar na puro na lamang mga kulay kayumangging lupa at para na rin magkaroon ng sapat na oxygen doon.

Sa panahong iyon ay umaabot na sa 12 bilyong katao ang naninirahan sa Earth. Pero kung tutuusin, ito ay mas kakaunti sa noon dahil sa paglipat sa bagong mundo ng mga tao-ang Mars. 2125 naman noong inanunsiyo ng pamahalaan ng Amerika at ng British Government ang pagbabalak nito na pagsanib pwersa ng mga siyentipiko nito para sa pagbabalak na pagtayuan ang bagong mundo na sinasabing katulad daw noong Earth.

Bilyun-bilyong light years ang layo nito sa Earth sa kadahilanang mayroong itong sariling bituin, ang araw kung sa atin ay tawagin. Ito ay nadiskubre ng Apollo DLXVII ni Alexander Johns noong 2119 na matatagpuan sa kaliwang bahagi ng Milky Way. Dahil na rin ito sa balita na papaubos na ang tubig-tabang sa mundo at laking ginhawa ng Astronomer na ito nang ito'y kanyang nadiskubre.

Di tulad ng Earth ay isa 'tong bilog na bilog na planeta at mas malaki ng 6 na beses sa Earth. Ito rin ay ang ika-24 na planeta sa solar system na iyon doon. Dahil na rin sa mas mainit nitong araw na mayroong kulay pulang liwanag. Isa ito sa mga malalayong planeta ngunit nakakasiguro ang mga siyentipiko na ito ay habitable.

Maaari pa rawng mabawasan ang dami ng planeta na iyon dahil sa laki ng araw na iyon na maaaring hindi kayanin ang gravity pull ng araw na iyon dahil sa laki nito. Pero hindi na naman daw kayang higupin ng araw na iyon ang Chione, ang bagong tuklas na mundo ng Apollo DLXVII na hinango sa pangalan ng Greek goddess na si Khione dahil sa mayelong lugar na ito.

Mayroon din itong tubig o H2O kung saan nagbibigay ng kulay asul na kulay sa planeta. Ang kinaibahan lang nito ay ang pagkakaroon daw ng malaking porsyento ng yelo nito kaysa sa Earth. Kahit na nasa malayo pa lang ay makikita na ang matingkad na puting kulay ng planetang ito.

Ngunit umabot na nang 2200 ay hindi pa rin natuloy ang paguukupa roon dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nalilibot ng maayos ng mga machines na ipinadala noon para malibot ang lugar. May mga machines o robots kasi na kusang namamatay ang makina lalo na sa mga malalamig na lugar ng planeta.

Dahil doon ay pinag-iisipan na kung mayroon bang mga nilalang o aliens kung tawagin na naninirahan doon. Hindi rin naman ito imposible dahil sa pagkakaroon nito ng sapat na oxygen at iba pang element kung saan ay mabubuhay ang isang tao. Dahil na rin sa bilis at galing ng mga teknolohiya na nagagawa sa panahon na iyon ay mas napapadali ang pagpunta ng mga astronauts sa iba't ibang planeta, mga buwan o kahit na mga asteroids dahil sa bilis ng mga makina ngayon.

Ngunit sa taong 3004 ay naisagawa na ang paglilipat ng mga tao roon dahil dumarami nanaman ang bilang nito sa planetang Earth. Samantalang ang katabing planeta nito, ang Mars, ay halos maukupahan na rin ang buong lugar nito ng mga tao.

Sa panahong iyon ay umabot na sa 5 bilyon ang naninirahan sa lugar na iyon, doon ay mas malaya at mas may pagkakaisa rin dahil nakabuo lamang doon ng mahigit kumulang 50 mga bansa na mas kakaunti kung ikukumpara sa Earth.

Sa Chione naman ay nakabuo ng 20 mga bansa, ngunit hanggang sa ngayon ay may mga lugar pa rin na masyadong malamig na hindi pa napupuntahan ng mga tao. Napupuno ang lugar na iyon ng mga bundok ng yelo na kung saan ay pinaniniwalaang maaaring may mga nilalang na nabubuhay roon.

Kahit na ganoon ay hindi pa rin ito napapatunayan ng mga siyentipiko dahil hindi pa rin kinakaya ng mga makina nila ang lamig nito kahit na nasa ibabang parte pa lamang sila ng bundok. Sa mundong iyon ay sobrang dalas na rin ng snow dahil sa pagiging malamig ng klima rito.

At ngayon ngang 3500, may panibago nanamang pagsubok ang mga tao na nasa Earth, at ito ay ang pagsasabi na magkakaroon raw ng unti-unting pagbabago ng anyo natin-bagong ebolusyon. Mas magiging maputi, mas matangkad, mas malakas, at mas mataas na life span ang mapapasakamay sa isang tao kung siya ay pumasok sa ebolusyong ito. Kabaliktaran sa naiisip na ebolusyon halos 1,500 na taong nakakaraan.

Ngunit ito nga ba'y ebolusyon? Mas mapapabuti ba talaga nito ang buhay ng mga tao? Ang sinasabi ng mga siyentipiko sa pag aaral noong 2010 ay magkakaroon pa ng mahigit kumulang na 10,000 na taon bago mangyari ang ebolusyon ng mga tao kung magkakaroon nga ba. Ilan naman ay nagsasabi noong mga panahon na iyon ay hindi na maari pang mag-evolve ang isang tao sa panibagong form.

Ngunit bakit mas napaaga? Ebolusyon nga ba itong tinatamasa ng mga tao? O bagong bangungot? Nagsimula sa Amerika, sumunod sa Europa at ngayon, unti unti nang pumapasok sa Pilipinas.

Samahan ang grupong Generation of Fire, na tuklasin ang nasa likod ng ebulosyong ito, at kung ano nga ba ang kakayahan ng mga nag-evolve na tao.

Masama ka kaya? Sa year 3500: Ang panibagong ebolusyon?

3500: The New EvolutionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon