Kabanata 1

43 4 13
                                    

Kabanata 1: Generation of Fire

Selina Foxx

"GOT to go!" Hinalikan ko si manang sa pisngi tsaka daling umakyat ng hagdan at tinahak ang lugar papuntang garahe. "Ingat, Sel iha!" Narinig ko pang bilin nito.

Hay naku si manang talaga! Bine-baby pa ako, eh 17 na nga ako! Pinuntahan ko agad si Skye at hinawakan, "Hi baby! Nakakamiss ka talaga!" Pinindot ko na ang button sa car keys at kusang umakyat ng mabilis ang pintuan para sa driver's seat.

Pagkapasok ko ay kusa nang nagsara ang light blue kong kotse at ini-start na ang engine. Bigla namang umangat ang kotse ko at siya ring nadetect ng pintuan ng garahe namin ang energy power na galing kay Skye.

Nang tuluyan nang bumukas ang pintuan ay saka ko minaneho ang kotse para makapunta sa panibagong event laban sa isang kilalang gang—ang Black Phoenix. Gang na kung makipaglaban ng patayan ay saksakan ng daya at napakagamahan sa pera at kapangyarihan!

Pero siyempre, papatalo ba kami? Kailangan nang matapos ang mga nung mga 'yun at kami ang gagawa nun—ang Generation of Fire.

Unti-unting bumaba si Skye sa lupa ng makarating ako sa event kung saan ang dalawang grupo ang maglalaban. Pumasok na ako sa loob ng malaking gusali at saka ginala ng isang beses ang mga mata sa paligid.

Black and Red na may kaunting Gold ang tema ng event. Parang hindi kami maglalaban laban sa gitna ng lugar na iyon. Sa pinakagitna ay makakakita ang isang napakalaking field na kulay brown at puro lupa kung saan ang dalawang grupo ay maglalaban laban na tinatawag na, Battle Arena.

Ang Tomoyama Coliseum ay pag aari ng mga Tomoyama na ipinagawa pa ni Akihiro Tomoyama noong 3477. Si Aina Tomoyama—kamyembro at kaibigan ko ang bunso at nag-iisang apo na babae nito.

Hinanap ko sa paligid ang tatlo pero mga malalaki at kilalang mga tao lang ang puros nakikita ko. Hinawakan ko ang suot kong itim na hikaw atsaka nagsalita, "Where on hell are you guys?" Medyo umingay naman ito ng kaunti, "Just got landed, sis." Narinig kong sagot ni Aina. Tss, galing nanaman 'to sa Mars, panigurado.

"Ground 2, here with the weapons, Na." Sagot naman ni Fierre mula sa kabilang linya, nagpunta na ako sa elevator pababa papunta sa Ground 2. "Monique?" Tawag ko kay Monique dahil siya nalang ang hindi pa sumasagot.

"Oo na, nasa labas na ng Coli," Sagot naman nito sa kabila, "Kay, sis, punta ka ng Ground 2. Hey Fierre, ang layo mo naman sa elevator!" narinig ko lang ang pag-tss ni Fierre sa akin. Hay, suwail talaga to!

Binitawan ko na ang paghawak ko sa hikaw ko at tsaka nagtungo na kay Fierre, "What the fvcking hell taking you so fvcking long?" Parang walang pake na sabi ni Fierre sakin, pero mura na ng mura.

Pumitik ako sa harapan niya at, "Duh, 10:00 PM call off. 9:45 palang," napatingin naman ako sa mga weapons na nasa tabi niyang bag at napataas ng isang kilay, "New weapons? What the hell? Kayang kaya na natin yun, Fierre." Asahan niyo nang tarayan lang ang aabutin namin kapag kaming dalawa ang pinagsama ni Fierre, ha.

"You're full of sh1t, Selina. It's required." Sinamaan ko naman siya ng tingin, "What's with the cuss?" Inirapan niya naman ako tsaka nagsalita, "That Adamson wants me dead."

Natahimik naman ako sa sinabi niya, Axel Adamson, really? "Many goons want you dead." Napatingin naman ako sa nagsalita, nandito na pala siya, "Shut up, Monique. Not. Helping," Galit na galit talaga yang si Fierre sa lalaking yun, Axel is well, my cousin.

"I thought he likes you, though." Sabi ni Aina tsaka natawa. Natawa rin ako dun, unang kita naman kasi noon ni Axel sakanya ay hinalikan na niya agad ito sa mga kamay. Ang problema'y sadyang playboy lang talaga ang pinsan kong yun. "Bakit?"

3500: The New EvolutionWhere stories live. Discover now