Chapter 20

85.5K 1.3K 57
                                    

Chapter 20

"Sometimes the only way the good Lord can get into some hearts is to break them."

– Fulton Sheen

***

"Patawarin mo sana ako sa nangyari nun, Gremaica. I never thought Keaton would be jealous like that," saad ni Vander sa mababang boses. Ramdam ko ang kanyang concern at pag-aalala sa nangyari nun sa restaurant. He saw how furious Keaton was when he saw us. Pero ngayon, nagdududa ako kung kaya pa bang magselos ni Keaton sa kahit sinong kasama ko. He doesn't even care. He didn't contact me for weeks, and that felt like hell.

"Wala na iyon, Van. It's not your fault," sagot ko saka nilaro ang straw ng aking frappe. Sa isang coffee shop namin napiling mag-usap matapos sunduin ng kanyang daddy si Arriane. Kahit nagdududa ang tingin ni Arriane ay hindi ako nagsalita ng kahit ano. Hinintay ko lamang hanggang sa masundo sya.

"Keaton got mad at you. Hindi ka ba nya sinaktan?"

"Uhm, h-hindi naman. Ayos lang. N-Napag-usapan na namin iyon," pagsisinungaling ko.

"G-Gremaica ..." naramdaman ko ang marahang pagpatong ng palad nya sa aking kamay kaya dahan-dahan ko iyong binawi mula sa mesa.

"No, Vander ..."

"Grem, I just wanted you to know. That I'll always be here, no matter what."

"Syempre, kaibigan k-kita eh," ngiti ko pero umiling lamang sya.

"No, more than just, Grem. You may have not felt this but I love you more than a friend, Gremaica. But seeing you happy with anyone else, I let go of the feeling. And now that ... I can see your relationship's state with Keaton. I just can't stay still and do nothing."

"Please naman, Vander. Don't take advantage of the situation. Hindi porke't tagilid ang relasyon namin ni Keaton ay maaari ka ng umeksena." I regretted my words for a second. Nasaktan ko yata si Vander dahil sa mahina nyang pagtikhim. "I-I'm so-sorry."

"It's okay."

"No, I'm really sorry," tiningala ko sya. "I shouldn't have treated you that way. Nagmamalasakit ka lang naman sa akin, and I'm more than thankful of that. Pero sana, ito na ang huling pagkakataon na magsasama tayo na tayong dalawa lang. Ayokong bigyan pa si Keaton ng rason na mas lalong pagdudahan pa ang pagmamahal ko sa kanya. We're having really big trust issues right now. And I am doing everything to fix us."

"I understand," hinawakan nya ako sa aking kamay. "Pero sana hayaan mo lang ako na mahalin ka at alagaan ka. Nakasanayan ko ng gawin iyon sa iyo kaya sana hindi mo tanggalin sa sistema ko. I truly understand that you can't give me more than just friendship."

May kamay na humaplos sa aking puso. Vander was really good to me ever since. Kaya nga I considered him my guy best friend 'coz no matter what, palagi syang available to save me in any case. In any circumstances, I always have his shoulder to lean on. And I'm very much grateful for that pero iyon lang ang kaya ko ring isukli sa kanya – pagkakaibigan.

"Salamat sa pang-unawa mo, Vander. I really appreciate that," I genuinely smiled at him.

"Can I ju-just hug you for a mo-moment?" nagdadalawang-isip nyang tanong sa akin.

"Napaka-emosyonal mo naman yata," pambawi ko sa atmosphere namin kanina ay tinukso ko sya. "Pero sige na nga. Best friend naman kita!" ani ko sa masayang tono.

Tumayo rin ako at sinalubong ang kanyang nakabukas na mga braso para sa akin.

"Baka kasi mamiss kita," aniya at mas niyakap pa ako ng mahigpit.

Her Unwanted Love (Salvador Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon