The Cyathea

15.1K 196 16
                                    

On the early age, pinaniniwalaang isinumpa ang mga matang asul. Pinandidirihan sila. Pinapatay. Sinasaktan. Ginagawang katatawanan. Noon ‘yon. Noong mga panahong ang nabubuhay pa ay mga weirdong tao na naniniwalang may kanya-kanyang Diyos ang kalikasan. Na may engkanto at kung anu-anong elemento na kumukontrol sa mga bagay na nakikita o hindi nakikita ng hubad na mata.

            Year 2011.

            Wala nang gano’n. Patay na ang sumpa. Patay na ang paniniwalang salot ang mga pinanganak na asul ang mata. Marami na ang may gano’n. Ang iba nga ay bibili pa ng contact lens para lang magkaroon ng kulay ang mga mata nila. They basically know nothing about the curse.

            Pero may ibang pinangingilagan pa rin ang ganitong klaseng mga mata. May ilang naniniwala sa sumpa. May ilan pang natitira na naniniwala na ikapapahamak nila ang makihalu-bilo sa mga isinumpa. Takot sila. Galit. Namumuhi. Nandidiri.

            Pero ano nga ba ang isinumpang mata?

            Ako si Althea Warren. At ito ang kwento ng cyathea.

The CyatheaWhere stories live. Discover now