[6] - Di Nga? Seryoso?

3.2K 82 7
                                    

Chapter Six

Di nga? Seryoso?

                 “Cookies!” *___*

            =___=”

            Mukha yatang lumalala ang sayad nitong si Mr. Cain. Kung alam lang niya kung anong klaseng halimaw ‘yang inilalapit niya sa akin. Tsk tsk. Kung pwede ko nga lang bang isuplong sa mga pulis, eh. Kaso ano namang magagawa ng mga pulis? Isa pa as long as wala siyang sinasaktan, I do think it’s safe.

                 “Althea. Nasa’n ang kwintas mo?”

            Di ba talaga niya ako titigilan sa kwintas na ‘yan? -____-

                 “Tinangay ng holdaper kagabi.” =____=

                 “Ang galing mong mag-imbento ng storya. Saan mo inilagay?”

                 “Ang kulit ng angkan mo. Hinoldap nga sabi, eh.”

                 “Ano bang kwintas ‘yon? Bakit n’yo ba pinag-aawayan?” puzzled na sabad ni Mr. Cain.

            Pareho kaming nag-iwas ng tingin ni Zero na may halong irap. Tumawa na lang bigla si Mr. Cain na hindi ko malaman kung bakit. Tumayo si Zero at lumabas. Tumingin ako kay Sir. Inginuso niya ang pintuan kaya tumayo na rin ako at sinundan ang halimaw.

                 “Zero! Hoy!”

            Buzz. Buzz. Buzz. Bakit ba kapag nakikita nila ako ngayon laging nagbubulungan? Hindi naman ganyan dati, ah. -____-++

                 “H’wag ka ngang maingay. Wala tayo sa palengke.”

                 “Haha. Funny.” -___-

                 “Problema mo?”

            Sinasabayan ko na siya sa paglalakad. Alam ko kung bakit hindi siya pwedeng umastang halimaw sa harapan ng maraming tao. Sinabi sa akin ni Raikki.

**Flashback**

                 “They’ve been living for so long…”

            Napatingin ako kay Cheen. Inaantok na ako pero hindi ko magawang tulugan sila dahil baka makagawa ng paraan sina Zero at bigla kaming atakihin dito sa bahay.

                 “What?”

                 “Sabi ni Raikki. Matagal na silang nabubuhay. Hindi niya alam kung anong klaseng nilalang si Zero dahil marami siyang skills sa na kapareho ng iba’t-ibang talents like were-beasts and antropomorphs pero sigurado siyang century na ang itinagal ng buhay ni Zero.”

                 “Really? Paano niya nalaman?”

                 “Sa mga mata, Kamahalan.” Biglang enter ni Raikki na lumilipad. He landed on the table. “Nakita ko sa kanyang mga mata. Nabuhay na siya ng matagal sa mundo at alam na niya ang lahat ng kailangan niyang malaman. Pero sa pagkakataong ito lamang nagising ang guardian na akala nilang sa kanila ngunit sa’yo naman. Kaya’t iyon ang habol nila.”

                  “Sa madaling salita, Thea, ikaw ang habol nila.”

            Alam ko na ‘yon eh. -___-

The CyatheaWhere stories live. Discover now