Being Close To Each Other

2.6K 52 3
                                    

Andrew's POV.

First time kong makakilala ng isang babaeng binu-bully. Napakatahimik niya pero gagawin ko ang lahat para ilabas ang iba niya pang ugali. Siguro makulit siya kagaya ko, pero baka maharot. Pwede ring nagkukunwari siyang mabait? Gusto ko na talagang malaman!

Bumagsak ako sa kama ko at nakatingin lang sa kisame ng kwarto ko.

" Elizabeth.. Marco.. ". I want to know you more. Baka mabaliw ako kakaisip kung ikaw ba talaga ang nakita ko at nakausap ko kanina. I want to know who you really are.

Kinabukasan.

Ang sarap-sarap pa ng tulog ko nang biglang pumasok sa loob ng kwarto ko ang Papa kong si Alejandro Walls para lang gisingin ako, my goodness.

" Son! Get up now baka malate ka sa school mo. Bilis tumayo ka na jan sabay na lang tayo! ". Napadilat ako sa lakas ng boses ng Papa ko.

Dahan-dahan akong bumangon at parang wala pa akong gana. Pero biglang binato ng Papa ko ang uniform ko sa mukha ko. Dad talaga! Natawa pa ang Papa ko dahil sa ginawa niya.

" Maligo ka na jan baka hinahantay ka na ng mga kaklase mo doon ". Biglang naganahan ako sa sinabi ng Papa ko. Naalala ko si Elizabeth, kailangan ko pala siyang makilala nang lubusan.

Nagulat ang Papa ko nung bigla akong tumayo at tumakbo papasok sa cr sa loob ng kwarto ko. Pagkatapos kong maligo, nagbihis na akong ng uniform ko at lumabas na sa kwarto ko. Bumaba na ako para kumain na nang almusal kasabay ang Papa ko.

" Mukhang naganahan ka bigla ah, bakit son? ". Napatingin ako kay Papa.

" Wala Dad may naalala lang akong isang kaibigan ". Nakangiting tumingin ulit sa akin si Papa.

" Babae ba yan o Lalaki? ". Hala si Papa talaga! Sikret muna! Sasabihin ko na lang sa inyo sa tamang.. panahon.

" Secret, hindi niyo na kailangan pang malaman Dad alam kung lolokuhin niyo lang ako ". Natawa si Papa sa sinabi ko.

" Bilis na sabihin mo na sa akin ". Nangungulit talaga oh.

" Alis na po ako ". Tumayo na ako at nagmamadaling lumabas nang bigla akong tawagin ni Papa.

" Hoy. Sabay na lang tayo ". Wag na Dad..

" Kaya ko na po ang sarili ko Dad! Take care sa trabaho! ". Dali-dali na akong lumabas sa bahay namin at tumakbo nang mabilis palayo sa bahay. Baka kasi sundan pa ako ni Papa.

Pagpasok ko sa school, dumiretso agad ako sa classroom namin. Pagdating ko wala pa si Elizabeth. Dahan-dahan kong nilapag ang bag ko sa sahig at umupo sa upuan ko nang nakatingin sa upuan ni Elizabeth.

Bat wala pa siya? Maaga naman siya kahapon ah.. bat ngayon parang mala-late pa siya. Umiwas na ako nang tingin sa upuan niya. Pero napatingin ulit nang biglang lumapit doon ang tatlong lalaki na nangbu-bully din kay Elizabeth.

Teka anong gagawin nila sa upuan ni Elizabeth?! Nakita ko na nilagyan ng glue ng isang lalaki ang upuan ni Elizabeth. Mukhang mali na tong ginagawa nila ah! Kailangan ko nang gumawa nang aksyon!

Nabigla ang tatlong lalaki nung bigla kong sinipa ang isa nilang kasama. Napatingin sa amin ang lahat nang mga kaklase namin at bigla silang natahimik dahil sa ginawa ko.

" Ano ba ang trip niyo ha?! Pwede ba tigil-tigilan niyo siya! Wala naman siyang ginagawang masama sa inyo ah! ". Tae galit na galit ako.

Missing You | LizQuenWhere stories live. Discover now