Remembering The Past

905 24 0
                                    

Andrew's POV.

B-bat h-hindi ko magawang makapagsalita? Dahil ba nasa harap ko na ngayon ang babaeng hinantay ko ng pagkatagal-tagal? Hindi ko na maiwasang ngumiti.. ang saya-saya ko dahil nakita na kita.. Elizabeth.

" Drew.. b-bat andito ka? ". Wala akong narinig.. a-anong sinabi niya? Nakatitig lang kasi ako sa kanya eh.

" Drew? ". Dahan-dahan akong ngumiti. Ang saya-saya ko talaga ngayon.

" Beth.. hindi ko alam kung paano sisimulan pero please.. ang lahat ng sasabihin ko ay totoo ". Napatingin ulit siya sa akin ng diretso.

" A-ano ba ang sasabihin mo? ". Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

" Kilala mo si Elizabeth diba? ". Yung babaeng pinakamamahal ko.

" Ah.. yung babaeng matagal mo nang hinahanap ". Napangiti ulit ako.

" Nakita ko na siya.. ". Biglang ngumiti si Beth.

" T-talaga.. asaan siya gusto ko siyang makilala? ". Hinawakan ko ang dalawang kamay ni Beth.

" Nasa harap ko siya Beth.. ". Dahan-dahan tumingin sa akin si Beth. Agad siyang lumingon sa likod. Hahaha~ Beth.. sabi ko nasa harap ko na siya.

" Huh? W-wala namang tao sa likod ko eh ". Mas lumapit ako kay Beth.

" Wala talaga kasi.. ikaw lang yung nasa harap ko ". Biglang nagtaka si Beth.

" A-ang ibig mong sabihin.. ako at si Elizabeth ay iisa? P-paano nangyari yun? ". Wait ie-explain ko para sayo.

Kinuha ko ang cellphone ko, binuksan ko at pinakita ko kay Beth yung childhood picture ni Elizabeth na nakasave sa cellphone ko.

" Oh.. a-ako yan ah ". Nginitian ko si Beth.

" Y-yan si Elizabeth.. ". Nanlaki yung mga mata ni Beth sa sinabi ko.

Dahan-dahan siyang tumingin sa akin.

" H-hindi ko m-maintindihan Andrew.. ". Hinatak ko si Beth at niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit.

" Lahat lahat ipapaalala ko sayo Beth.. para maalala mo din yung mga pinagsamahan nating dalawa ". Unti-unti akong ngumiti at dahan-dahan din akong niyakap ni Beth.

Ang saya saya ko.. nayakap ko na din ngayon ang babaeng hinantay at hinanap ko ng limang taon. Grabe hindi ko alam kung anong gagawin ko sa sobrang saya! Yayakapin muna kita Beth. Matagal kitang namiss.. basta pangako ko sayo ipapaalala ko sayo lahat lahat.

Masaya akong hinatid si Beth pabalik sa kwarto niya. Pero pagbalik namin doon nanlaki yung mga mata ko nung nakita naming dalawa si Ian. Tahimik lang na nakatayo sa labas ng pintuan ng kwarto ni Beth. Bigla akong hinatak ni Beth. N-nagtatago ba tayo?

" Hindi ako pwedeng makita ni Ian.. ". Hinawakan ko ang kamay niya.

" Edi itatago kita ". Napatingin siya sa akin at nginitian ko lang siya.

Pagkatapos agad kaming tumakbo nang mabilis palabas sa condo. Dali-dali kaming pumasok sa loob ng sasakyan ko. Pagpasok namin doon tumingin sa akin si Beth.

" S-saan tayo pupunta? ". Tumingin ako sa kanya nang nakangiti.

" Sa bahay niyo ". Biglang nagtaka si Beth.

Missing You | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon