Chapter 17 - Questions

19 0 0
                                    

Death's POV

"Death!! Dalhan mo ko ng pasalubong ah!!" sabi sakin ni Eliza habang inaayos ni Shan ang buhok ko. Andito kami sa kwarto ko. Nakasuot na ako ng pink na bistida, magrurubber shoes sana ako para kung sakali gagahasain ako ng "boyfriend" ko madali ako makakatakbo kaso pinasuot ako nina Eliza ng heals. Three inches T_______T

"Hindi pa nga ako nakakaalis pagkain na agad ang nasa utak mo??" sabi ko kay Eliza.

"Bakit kapag pasalubong, pagkain agad?? *pout*" sagot ni Eliza.

"Ikaw pa eh wala ka nang ibang ginawa kundi lumapang -_______-" sabi ko naman. Patay gutom kaya si Eliza, hindi na ako magtataka kung tingin din niya kay Ian pagkain.

"Sobra ka *pout*" tampuhing bata si Eliza -______-

"Hahahaha joke lang oi, syempre dadalhan kita ng pasalubong!" sagot ko.

"Talaga??! *O*" biglang kumislap ang mga mata ni Eliza sa sobrang tuwa.

"Oo naman. Ipapablot ko ung mga tira tira namin ni Hell"

"WAAAAAAAAAHHH T_____T bad ka Death! Hindi naman ako aso eh!"

"Hahaha edi magdate na lang din kau ni Ian!"

"Ayoko! >//////////////<" namumulang sabi ni Eliza. Huh? Himala yata at tinanggihan niya si Ian.

"Hoy, himala naman at humindi ka kay Ian??!" tanong ko.

"Ah, eh kasiii-- baka maturn off siya sa katakawan ko" sabi niya.

"Pfft.. Hahahaha ano ka ba? Sanay na yun makakita ng patay gutom!"

"Bad ka talaga Death!!"

Laughtrip talaga asarin si Eliza. Nawawala kaba ko sa date namin ni Hell dahil sa kanya. Hahahaha nakakatawa kasi siya. Natapos na rin si Shan mag-ayos ng buhok ko, french braid ang ginawa niya. Teka parang tahimik itong babae na ito?

"Hoy Shan bakit ang tahimik mo yata?" tanong ko.

"Ah? Hehehe wala wala medyo nahihilo lang ako ngaun" sagot niya.

"Meron ka ba?" tanong ko. Baka meron lang siyang dalaw kaya tahimik.

"Wala pa naman, baka gutom lang ako. Okay lang ako ^_____^"

Pinabayaan ko na lang siya. Baka gutom nga, aga ko kasi sila pinapunta dito eh baka hindi pa sila nag-aalmusal.

Maya maya may kumatok na sa pintuan. Si mama, nasa baba na daw si Hell kasama sina Ian at Justine. Bakit kasama pa yung dalawa?? Bodyguard? Hmm si Ian baka alam niya na andito si Eliza kaya sumama kay Hell, eh si Justine?

*dug dug dug dug

Shems bumibilis tibok ng puso ko. Ano ba to? Hindi wag Death, may boyfriend ka na, kalimutan mo na si Justine.

Bumaba na kaming tatlo, pagkarating namin sa salas, andun silang tatlo nakaupo sa sofa at nanunuod ng TV.

"Oh Hell andito na si Death." sabi ni Mama, tumingin sakin si Hell. Medyo natulala siya, nagandahan yata sakin ang gago hahaha. Pati sina Ian at Justine nakatingin samin habang bumababa kami ng hagdanan.

"Tagal mong mag-ayos, wala namang nagbago =_______=" pambungad sakin ni Hell pagpunta ko sa tapat niya. Psh, akala ko pa naman nagandahan na sakin ang mokong.

"Eh ikaw? Walang nagbago, unggoy ka pa rin =________=" sagot ko. Bwisit ka, nag heels ako para sau, itusok ko na lang kaya ito sa ulo mo?!

"Anong sabi mo ha??!" sagot ni Hell.

"Malaki na ba tutuli mo sa tenga at hindi mo narinig?!" sagot ko. Ang sweet namin ng boyfriend ko, sobra.

"Oopps! Tama na yan, awat na. Magddate kau hindi magpapatayan ^_____^" kalmadong sabi ni Justine. Gwapo niya talaga :(

What The Hell StoryWo Geschichten leben. Entdecke jetzt