HPD 4

379K 5.5K 175
                                    

[4]

Paul's POV

"I-park mo na lang diyan." Utos ko sa kanya nang makarating na kami sa harap ng opisina.

"Woaah! Grabe namang taas ng building na ito! Sir, dito kayo nagtratrabaho?" Tanong niya.

Tumango lang ako.

"Riyal gayot si sir..." Narinig kong bulong niya. (A/N: It's a Chavacano expression. Sounds like "amazing" or sa mga K-drama fan diyan, as in "daebak")

"What? What did you say?"

"Sabi ko po, ingat kayo SirNget!" Sabay ngiti niya.

Napailing na lang ako. Matino ba talaga itong babaeng 'to? Bumaba na ako sa kotse pero bago ko isara ang pinto, nagbilin ako.

"Okay. Just wait here... what's your name again?"

"Sherlyn po. Sherlyn Arpiza."

"Okay, Sherlyn. Stay there."

Iniwan ko na siya at pumasok ako sa opisina.



Sherlyn's POV

"Sungit talaga. Kung makasabi rin ng 'You stay there', ano ako? Aso lang?"

Kinakausap ko na naman sarili ko. Tiningnan ko ang orasan sa sasakyan. Grabe 7pm na! Kaya pala kumakalam na tiyan ko. Hindi pa naman ako nag-tanghalian.

Tatlong oras na akong naghihintay. Sana mga alas otso, lumabas na ulit ang masungit na iyon. Nagwawala na bituka ko sa loob ng tiyan ko.



Paul's POV

Shit. Hindi ko inexpect na tatagal ang meeting ng ilang oras. Tumingin ako sa relo ko. Mag-aalas otso na pala.

Narinig ko naman na ang dapat kong marinig.

"All right, I want all of you to send me your reports until the end of this week. I'll review everything and then, let's set another meeting. Let's call it a day."

Umalis na ako sa board room. Paglabas ko ng building, huminto agad ang kotse ko sa harap sakay ang babaeng questionable ang katinuan. But obviously looks harmless.

Pumasok na ako agad sa loob.

"Sorry, we had an emergency meeting. Idiretso mo na lang ito sa bahay."

"O-Okay, sir."

Tumingin siya sa akin at ibinalik niya ulit ang tingin niya sa daan.

"Is there any problem?" I asked.

"Aah wala naman po, sir. Inaalala ko lang po iyong naiwan kong maleta kanina. Iyon na lang po kasi ang natira kong gamit kanina."

"Natira?"

"Opo, sir. Na-snatch po kasi kaninang umaga iyong isang bag ko. Nandoon po ang pera at cellphone ko."

Nanakawan pala siya. Halata naman kasing bago lang sa Manila kaya siguro napagdiskitahan ng mga magnanakaw.

"Pinahatid ko na kanina sa gwardiya ang maleta mo sa bahay."

Halatang nabigla siya at napatingin sa akin.

"Hey, look on the road! Mababangga pa tayo."

"Sorry, sir! Ano po pala ibig ninyong sabihin? Bakit niyo po pinahatid ang maleta ko sa inyo? Okay lang naman po kung na kay Manong gwardiya. Dadaanan ko na lang po pagkahatid ko sa inyo."

"No, you can stay in my house."

"Po?"

"You're hired."

"Sir? Talaga?"

"Ayaw mo?"

"Ay hindi naman po sa ganun, sir. Thank you, sir!"

Nag-salute na naman siya sa akin habang abot-tainga ang ngiti. Umiling na lang ako.

His Personal DriverWhere stories live. Discover now