HPD 32.2

221K 3.3K 94
                                    

[ 32 ] Part 2

Paul's POV

"Paul, sino bang kakausapin natin dito sa bahay mo?"

But I preferred not to answer her question. I remained silent. Dali-dali ko siyang dinala sa loob ng bahay pagkapark sa loob ni Mang Kaloy ng sasakyan.

"Sherlyn! Mabuti naman at nakita kita uli ngayon." Masayang bati ni Manang Pilar.

Masaya rin naman siyang niyakap ni Sherlyn.

"Manang, sa may pool area lang muna po kami ni Sherlyn. May hinihintay din po kami."

Tumango si Manang.

"Oh sige. Maghahanda na muna ako ng meryenda niyo."



Sherlyn's POV

Kanina ko pa siya sinusubukang tanungin pero wala naman siyang sinasagot ni isa. Kinakabahan na ako at hindi na talaga ako mapakali. May alam na ba si Paul?

Ramdam niya yata ang pagiging uncomfortable ko kaya hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon. Tumingin ako sa kanya at tipid na ngiti lang ang binigay niya sa akin.

"Sino ba talagang hinihintay natin?"

"You'll see."

Napahinga na lang ako nang malalim.

Ilang sandali lang din at nakarinig kami ng sasakyan mula sa labas.

"Yo! Paul, nandito na kami."

Boses iyon ni Kael. Kami? Sino pa ang kasama niya?

Halos manghina ako nang makita ko ang taong nakasunod sa kanya.

Si Mr. Valencia...




Kael's POV

Busy ako sa pagdidiskarte nang biglang tumawag si Paul.

"Yow! Zup?"

[I'll give you an address. Puntahan mo at sunduin mo siya. Hihintayin ko kayo sa bahay.]

"Who?"

[Ngayon na.]

"Pffft. What a name!"

Tingnan mo 'to. Ako pa ang binabaan. Baka sabihin niyo slowpoke ako. Naintindihan ko. Sadyang ang layo kasi ng sagot niya sa tanong ko. 

Mga ilang segundo lang din at nareceive ko na ang address na tinext niya. Sus! Galing magtiming talaga nito. Eh malapit lang ako sa hotel na ito.

Pinuntahan ko agad ang hotel na sinasabi ni Paul.

Nagulat ako ng si Tito Anton ang nagbukas sa akin ng pinto.

"Oh Kael, ikaw pala. Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Hi, Tito. Pinapasundo po kayo sa akin ni Paul. Hihintayin niya raw po tayo sa bahay niya ngayon."

Bahagya pang pumikit si Tito na parang naghahanap pa ng buwelo.

What's happening?

"O sige, hijo. Sandali lang."

Mga ilang minuto lang ay narating na namin agad ang bahay ni Paul. Si Manang Pilar ang nagbukas sa amin ng pinto.

"Nasa pool area sila." Nakangiting sabi ni Manang Pilar.

Tumango kami ni Tito Anton. Agad naman namin silang nakita ni Sherlyn na nakaupo roon.

"Yo! Paul, nandito na kami."

Sabay silang tumingin sa amin.

Nagtaka ako dahil gulat na gulat ang mukha ni Sherlyn nang makita si Tito. Sobrang seryoso naman ni Paul.

"Ninong, we need to talk."

Iyon lang ang sinabi ni Paul at tumango naman agad si Tito. May iba talaga eh. Mukhang seryosohan ito.

"Gusto naming maintindihan lahat, Ninong. Lalo na ang totoong kwento sa picture na 'to."

May inabot na picture si Paul kay Tito. Iyon ang picture nila ni Shana. Nabigla naman si Tito nang makita iyon pero bigla lang din siyang ngumiti.

"Sabi ni Alex naitapon na niya ito..."

Gulat ang rumehistro sa parehong mukha nina Paul at Sherlyn.

"Ninong, ano'ng kinalaman ni Daddy dito?"

Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanilang tatlo. Nag-aabang kung sino ang susunod na magsasalita. Baka naman mayroong may gustong magkwento sa akin ng nangyayari? Baka lang naman.

"Mabuti siguro kung sa loob muna ako. Iwan ko muna kayo." Paalam ko sa kanila.

"You can stay, Kael." Nagulat ako sa biglang sagot ni Paul. Tumango rin si Sherlyn kaya nanatili ako.

Sabagay, chismis din ito. Haha.

Okay, fine. Kinakalma ko lang din sarili ko. Ramdam ko ang taas ng tensyon sa tatlong taong kasama ko rito ngayon eh.

"Sige. Baka pwedeng maupo muna tayo para medyo bumaba rin ang tensyon dito." Suggestion ko lang naman. Ayos lang din kung ayaw nila.

Pero good thing, umupo nga rin silang tatlo. Katabi ko si Tito Anton habang nasa harapan naman namin ang dalawa.

Ilang sandaling katahimikan. Nakakabingi.

Mayamaya, natuon ang atensyon namin kay Sherlyn na hinahalungkat ang bag niya. May kinuha siyang maliliit na envelope at inabot niya kay Tito.

Tiningnan ko rin ang sender mula sa pagkakahawak ni Tito sa mga letters. Galing kay Sheila Arpiza at nakaaddress para kay Tito. Napatingin ako kay Sherlyn. Bakit maraming letters ang Mama niya para kay Tito?

"P-Palagi ko pong dala ang mga iyan. Baka sakaling magkalakas ako ng loob para ipakita sa inyo. Nakita ko po iyang nakatago sa mga gamit ni Mama pagkatapos po ng libing niya." Paliwanag ni Sherlyn.

Napatingin ako ulit kay Tito na nakatingin pa rin sa mga hawak niya. May mga namumuong luha sa mga mata niya.

"Binasa ko po ang mga laman niyan at diyan ko nalamang hindi totoong patay na ang Papa ko. Mga sulat po iyan na hindi niya naibigay.  Gusto ko lang po malaman, Mr. Valencia, kung para sa inyo po ba talaga ang mga sulat na iyan ni Mama?"

There's a moment of silence again.





"Oo anak, para sa akin nga ang mga ito."





Halos lumuwa ang mata ko sa pagkagulat sa sinabi ni Tito.

Kasabay nito ang tuluyang pag-iyak ni Sherlyn.



--------------------



GOOD NEWS: Konting push na lang po, ending na ng story :')))))

His Personal DriverWhere stories live. Discover now