Chapter 24: TAMILA

6.5K 186 9
                                    

TAMMY'S POV:    

        NAG-ALALA ako ng labis para kay Myles. Kaya nakiusap akong dagli na makapunta ng Maynila. Nangako ako sa bisor na uuwi ako agad makumpirma ko lang ang kalagayan niya.Hindi na nagreply si Czarisse sa text ko kagabi kaya mas nag-alala ako. Hindi biro ang atakihin ng asthma si Myles, kumplikado.

        Alas-siete ng umaga na'y alam kong tulog pa si Myles. Pagdaan ko ng silid niya ay di ko maiwasang silipin muna siya.   Namula ako sa biglang pag-akyat ng dugo ko sa mukha. Nakita kong nakatambad ang dibdib ni CJ at Myles, hubad sa pang itaas na nakayakap si Myles sa beywang niya. Nabagsak ko ang maleta sa sahig at inulit ko ang tanong sa mas mataas na tono."Ano'ng ibig sabihin nito?!"   

        Napabalikwas si Myles sabay takip ng kumot sa bandang dibdib niya. Nagising na rin si Cj. Nakita ko kung paano sila mawalan ng dugo sa mukha.   
        "A-ate?Aaa...m-magpapaliwanag ako," nauutal na sabi ni Cj.
        Nakita kong nagsalubong ang kilay ni Myles. Mabilis silang nakapag-bihis. Hindi ako kumalma, nananatiling nanginginig ako hanggang maupo silang dalawa sa kama. Ako naman ay naupo sa silya ng side table ni Myles katapat nila.   

        "Ano? Wala bang magsasalita sa inyong dalawa? Ha?!"    
        "Ano pa bang gusto mong malaman? Nakita mo na nga di ba?" pangatwiran ni Myles.   
       "Halos magmadali ako makauwi lang para sa 'yo, ito madadatnan ko, ha? Myrna Elisze?"     
       "You can do whatever you want eversince Tammy, hindi ko sinabing umuwi ka."
        Nakita kong hinawakan ni Cj ang kamay ni Myles at sinaway, "Ssshhhh....'wag ka ng sumagot please."

       Bumaling ako kay Cj. "At ikaw naman? Ano'ng naisip mo ha? Tinulungan kita, kinupkop kita?! Ito ang igaganti mo? Niyo? Sakit ah!"
Pareho silang nakayuko. "Kailan pa 'to? Kailan pa 'yang kalokohan na 'yan ha?"
        CJ deeply sighed. "Ate....sorry," aniya. "H-hindi ko sinasadya. "Nagdikit ang mga kilay ni Myles sa inis. Tumayo siya. 
        "Puwede ba Cj! Nasasaktan na ako sa mga sinasabi mo! Bakit ka nagsosorry?!"     
        "Mimay, please sit down, gumalang ka kay Ate Tam.."  
        "Galang? Eh parang krimen ang ginawa natin ha?! Ano? Siya lang ang may karapatan? Gano'n?!"    
        "Mimay please!"  
        "Mabuti pa Czarisse, umuwi ka na. Hindi pa ako handang harapin ka, huwag ka munang magpakita dito, dahil masakit ang pagtraydor mo sa 'kin. Pinagkatiwalaan  kita, nagtiwala ako sa 'yo pero ano? Ibang pag-aalaga ang ginawa mo? Ni hindi ko naisip ni minsan....na magagawa mo ito."      
        "Ate.....ate sorry, I didn't mean...."     
        "Puwede ba CJ" buwelta ni Myles. "Tigilan mo na kakasorry mo, ano? Bakit? Hindi mo mean ang ano? Ang lahat?! Ganon ba 'yon?"     
        "Mimay...hindi mo naiintindihan," sabi ni Cj na humawak sa braso ni Myles.  
        "Oo! Oo! Wala na akong naiintindihan! Ako na! Ako na lang lagi!! Mabuti pa, tigilan na ninyo akong dalawa! Mag-sama kayo!"     
         "Ate Tam, pasensiya na, patawad, magpapaliwanag ako," sabi ni CJ at lumapit sa 'kin. Winasiwas ko ang kamay ko na nagsasabingumalis na siya. Lumabas si CJ. Aktong hahabol si Myles
         "CJ! CJ! Bumalik ka rito!"     

        Myles is in the height of her emotions. Aktong susundan niya si CJ nang mahablot ko ang braso niya. "Huwag mo siyang susundan Myrna! Sumunod ka sa 'kin, sinasabi ko sa 'yo!"   
        "Mahal ko siya Tamila! Mahal ko siya! Dati pa, alam kong alam mo 'yon!"
       "Mahal mo lang siya ngayon Myles, akala mo lang mahal mo siya! Umupo ka nga rito!" Mahigpit kong hawak ang bisig niya at pabalagbag siyang naupo sa kama niya.
        "Ano ba'ng nangyayari sa 'yo bata ka? Ano'ng pumasok sa isip mo? Bakit niyo ginawa 'yun?"    
         "Dahil nagmamahalan kami! 'Yun yun!"     
         "Pinag-aral kita at pinakain hindi para lumaking bastos! Rumespeto ka!"
         "Wow! Respeto? You're telling me to stop loving Cj while you....you! You too, eh, engaged rin sa isang babae? Ano? Ikaw lang ang may karapatan sa mundo, ganun? Na ako, hindi puwede? Kami, hindi puwede? Ano? Ipaliwanag mo?!"    
        "Can you hear yourself Myrna? Ikaw na ang nagsabi, oo, lesbiana ako, babae ang gusto ko, pero hindi ibig sabihin ay gayahin mo ako. Alam ko ang hirap, ang lahat ng sakit at sakripsiyo para ipaglaban ako, ako bilang tao. Ako bilang tao na dapat ding respetuhin."    
        "Hindi kita ginagaya Tammy in the first place. Kung gusto mong respetuhin ka, nakasalalay sa 'yo yun."   
          "Alam ko ang hirap maging isang lesbiana Myrna, ayokong maranasan mo 'yon, ang mga pasakit at pangungutya at panghuhusga."     
        "Tammy ano ba? May puso rin ako. Hayaan mo akong mag-mahal, hayaan mo akong masaktan, hayaan mong bumagsak ako at matuto. Bakit mo iintindihin ang ibang tao? Sila ba ang nasasaktan? Hawak ba nila ang puso at isip mo? Ha?"    
        "Puwede bang makinig sa ka akin? Sa tingin mo ba mahal ka ni CJ? Ha?"     
       "Oo! Mahal niya ako! Alam ko 'yun at nararamdaman ko 'yun!"     
       "Mahal ba ang ilang taon kayong hindi nagkita, suddenly bumalik siya? Bumalik na may sugatang puso dahil nakabuntis ang nobyo? Isang linggong pag-ibig Myrna? Isang linggo, at may nangyari na sa inyo? Hindi mo naisip na baka ginamit ka lang niya dahil malungkot siya? Na sabik siya sa kalinga? Sa yakap? Sa....sex?!"     
        "Hindi siya gano'n Tammy! Hindi ganu'n yun!" Tumayo siyang muli sa kama at nagtatagis ang panga niya sa galit.     
       "Buksan mo ang mga mata mo Myrna!"     
       "Buksan mo ang puso mo Tamila! Dahil higit kanino, ikaw! Ikaw dapat ang nakakaintindi sa 'kin!"     
        "Manahimik ka na Myrna, huwag mo akong lapastanganin."      
        "Mahal kita Tamila, mahal ko si CJ, sana maunawaan ako."    
          "Bulag ang pag-ibig Myrna, hindi totoo 'yang narararamdaman mo kaya mula ngayon ay patayin mo na 'yang pesteng pag-mamahal na'yan!"
       Tumaas ang boses ni Myrna. "Peste? Peste ba lahat ng naging jowa mo ha? Peste pala eh, eh bakit ikaw ayaw mong tigilan?"  
       "Iba ako, iba ka!"
       "Ows? Eh ano pinagkaiba? Pareho lang tayong may puso, nagmamahal? Dahil matanda ka, bata ako. Ikaw butch, ako hinde?! Gano'n?"    
         "Basta mula ngayon, wala ng CJ! Cut ang allowance mo sa load, may curfew ka na mula ngayon, at sisiguraduhin kong hindi kayo magkikita uli ni Cj!"    
        "Ano ba Tamila?! Ano ba?! Tigilan mo na 'to! Patayin mo na lang ako!" Padabog na tumayo si Myles at lalabas ng silid. Hinatak ko siya sa balikat at hinarap sa kin. 
       "Huwag mo akong tatalikuran, bastos ka!"   
        "Puwede ba, huwag mo na akong pakialaman? Please lang."     
        "May pakialam ako Myrna!"    
        "Wala---kang----paki---alam!" may diin niyang sinasabi bawat salita. "Huwag mo na akong pakialaman!"   
         "Wala kang karapatan ganyanin ako Myrna!"   
        "At bakit wala? Tiyahin lang kita," umiiling iling pa niyang sabi. "Kaya kung ako sa 'yo, bitawan mo na ako at nasasaktan na ako!"     
        "Kung kinakailangang gawin ko ang lahat para tumigil ka sa kahibangan mo, gagawin ko Myles, tandaan mo 'yan."    
       "Wala kang karapatan..."   Ulit niya.
        "Mayro'n....mayro'n dahil sa akin ka nanggaling Myrna Elisze!"

        Natigilan si Myles. "Sabihin mong nagbibiro ka Tamila."    
         Tinitigan ko siya ng deretso sa mata..."Oo Myles, oo. Ako--ako ang iyong ina..At wala ka ng magagawa ro'n."

     Tinabig niya ang kamay ko at maliksing lumabas ng pinto at lumabas. Tatangkain ko pa sana siyang sundan pero hinayaan ko na lang muna.   Ina ako, kahit ano pa ako, ina ako ....at paninindigan ko kung ano ang nararapat.

**************

Shan








Minsan Kitang Inibig (Gxg Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora