Chapter 47: I need you

7.2K 206 4
                                    

MYLES' POV:

        Sandali lang ang byahe at nakabalik na ako sa hotel. Susunduin ako ni Jim at babalik kami ng Maynila ngayon ding gabi.
       Hindi ko na sinabi kay Cj na problema ang tawag na 'yon. Nagdesisyon akong magtiwala ngayon kay CJ, alang-ala sa pagmamahlan namin.

      Tumawag si Jim upang ipaalam na sinugod sa ospital ang lolo at kailangan kaming makabalik asap. Good thing, kinabukasan ay nadischarge naman agad siya.

......

                  December 1, 2014. 

        Unang araw ng Disyembre. Wala kang maririnig kundi pamaskong kanta saang sulok ng mundo. Ang atmosphere na parang ang saya-saya! Pero bakit ako ganito? I missed CJ sooo much.
        Mag-iisang buwan ng hindi kami nagkakausap ni CJ. Nakikita ko ang post niya sa FB, kasama ang mga estudyante niya sa pre-school. Kung siya hindi nagtetext at pm man lang, alam kong may dahilan siya. Kumakanlong pa rin ako sa pangakong babalikan niya ako.
       Sa panig ko ay hindi pa rin maalis-alis sa isip ko ang gustong mangyari ng lolo. Kahapon habang nasa terrace kami, matapos siyang painumin ng gamot ay kinausap niya ako.

      "Hija, matanda na ako at may sakit, pagbigayan mo na ang kahilingan kong mag-kaapo."
      "Lo...nagpapa second opinion na po sina Jim at Kat, posible pa ring magka-anak sila, huwag ho muna sa akin."
      "But I want to see my little Eliseo JR."
      "Parang sigurado kayong lalaki anak ko ah."
      "Pagbigyan mo na ko, sumama ka sa akin ngayong gabi at ipapakilala ko sa 'yo ang inaanak ng kumpare ko. Promise, kung hindi mo siya magustuhan ay titigil na ako."
       "Lo, alam niyo naman na nagka-balikan kami ni CJ hindi ba? Siya ang gusto ko lo, siya ang mahal ko, please naman."
       "Just this night hija, just this once, please."

       Na'ng gabi ngang 'yun ay nagpunta kami ni Lolo at ni Jim sa isang party sa may Bel-Air, sa kumpare raw niya. Nakilala ko si Bob, piloto at thirty one years old.
       "Ikaw ba Bob, at thirty-one, alam mo ang gusto mo?" Tanong ko.
       "Oo, magkaanak, magkapamilya. Dahil para saan ba ang lahat ng pinag-iipunan mo kundi sa pamilya hindi ba?"
      "So bakit staying single?"
      "Ikaw Myles, bakit single ka pa rin?"
      "Haha! I am technically single, but my heart is taken, ika nga."
      "Are you in favor of this set-up? I mean this match making."
      "Mabait ka Bob, unang tingin ko palang sa 'yo ay magaan na ag loob ko sa 'yo. Hindi sa gano'n Bob, p-pero, I do love someone. M-may girlfriend ako at alam ng lolo 'yun."
       "Spill it out Myles.."
       "Gusto niyang...magkaanak ako, pero hindi ko maatim na...alam mo na, may mahal akong iba. Hindi ko kayang sumiping sa isang taong wala akong nararamdaman."
      "I can be a friend, don't worry, trsut me."

       Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pumasok kami sa kuwarto niya. Oh My! Lalaking-lalaki ang theme ng silid niya, Black and white. Simple pero elegante.
       "B-bakit dito mo ko sa kuwarto mo pa ako dinala?"
       "I have something to tell you, maybe we can sort things out."

       Masinsinan kaming nag-usap ni Bob at napagdesisyunan naming maging magkaibigan muna sa harap ng aming mga grand-paryentes.

///////

     Breaktime sa opisina nang dumating si Jim. Umupo sa harap ko at tinapik tapik ang mesa ko.
       "So..Bob? Who is he?"
       "Magkaibigan kami, huwag kang makialam."
       "Alam ba ni Cj ang relasyon niyo ni Bob?"
       "Stop it Jim! Walang kami!"
       "Kayo ni CJ  pa rin? Paano na ba kayo?"

        Mula ng nagjhiwalay kami ni Cj isang buwan na ang nakalipas ay never ng inungkat ni Jim ang about sa amin. Hinayaan na niya ako. Sa isang banda, oo nga no, isang buwan na pala. Heto pa rin  akong naghihintay.
       "Pag-usapan na lang natin ang kasal mo, ano nga ba ako ro'n? Dakilang guest?"
       "Oo, at hinayaan ko na kasi si Kat ang umayos ng lahat. Ikaw naman ang may gusto na walang gawing partisipasyon sa kasal namin. Alam ko ring marami kang intindihin."
       "Kailan nga 'yon?"
       "Sa December 22. Birthdy kasi ng Daddy nya 'yun, maka daddy si Kat eh."
       "Okay, sa 23 naman dating ni Mama."
       "I guess December would be so merrier for all of us.."
       "Kayo lang! Jim, hindi pa kami nag-uusap ni CJ mula nung isang buwan sa Cebu. And there's Lolo na pilit akong pinag-aasawa."
       "Tsaka na natin pag-usapan ang lolo. May pakay nga ako sa 'yo ngayon."
       "Ano?"
       "Kat's bestfriend Sabrina is planning to throw a shower party. Please help her organize. And also, hindi pumayag si Kat na wala ka sa program ng kasal namin. Kahit sa reception na lang, isang intermission."
      "Okay okay sige, huwag mo ng problemahin 'yung mga  'yon, ako na ang bahala. Magrelax ka na lang."

Minsan Kitang Inibig (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon