Block 9

20.6K 766 138
                                    

※※※※※※※※※


[CIARA]


Mmmmmm. Ibinaling ko sa isang side ang ulo ko at pinilit ang sarili kong bumalik sa pagtulog.

Agh! Bakit ang sakit ng batok ko?


Hinigpitan ko pa ang yakap ko sa unan ko na matigas at.. teka, wait. Matigas?


Kumunot ang noo ko pero nanatili pa rin akong nakapikit. Pinakiramdaman ko ang paligid..


Tahimik.. at, teka, nakaupo ako? Narinig ko ang pagbuntong-hininga ng unan ko. Humihinga ang unan ko?


It took me a moment to realize kung nasaan ako ngayon. Fck!!!


Instant na iminulat ko ang mga mata ko at kinalas agad ang pagkakayakap ko. Shet. Shet. Nakatulog ako? Na yakap-yakap si Zico?! KILL ME NOW.


"Ahh.." isang awkward cough, "Nandito na pala tayo." sabi niya na hindi lumilingon sa akin. Pansin ko rin na medyo napa-straight masyado ang pag-upo niya.


Kanina pa ba kaming nandito? Hinintay pa kaya niya akong magising? Pano kung di na ko nagising?

TANGA TANGA MO, CIARA.


Umalis na ako sa motor ni Zico at agad na tumalikod sa kanya. Wala na akong mukhang maihaharap!


"Uhhh.. thank you." agad na akong naglakad papunta sa bahay nang bigla niya akong tawagin.


"Ciara!"


Hindi ako lumingon. Wala na nga sabi akong mukhang maihaharap.


"CIARA!" muli niyang tawag pero this time, 2x louder. Lumingon na ako sa kanya na nakakunot ang noo at napansin ko naman na mukhang relaxed na siya.


"Goodnight." he flashed me his sideway-boyish-grin and he left off.


Umiling-iling na ako at pumasok sa loob ng bahay. Mukhang tulog na si dad kaya dumiretso na ako sa kwarto ko at nag-ayos na para matulog.


Pero sa di malamang dahilan, hinawi ko ang kurtina ng bintana ko at tiningnan ang kabilang block.


Napadako ang pansin ko sa pader. Biglang may sumulpot na dalawang kamay.

Sunod na sumulpot ang ulo ni.. B-bomb?.. na mukhang may plano pang lumiban dito sa block namin.


Hindi pa nakaka-akyat ang buong katawan niya nang bigla siyang napatingala at napatingin sa kwarto ko.


Nanlaki ng .02 second ang mga mata niya at parang nakita kong bumuka ang bibig niya ng "Sh¡t."


Hindi ako sigurado dahil iisang lamp post lang ang nakalagay sa may gilid ng pader pero parang nakita kong namula ang tenga niya at hindi na niya tinuloy ang pag-akyat niya at tumakbo na diretso sa bahay siguro nila.

Welcome to the BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon