Block 24

3.9K 154 3
                                    

Pinublish ko 'to pagkatapos kong mag-type so walang proofread huhu pagpasensyahan nyo na lang if may typos! 


※※※※※※※※※



[CIARA]



"Ciara, are you sure nothing's wrong? Ilang araw ka nang parang wala sa sarili." 


Natauhan ako at tumingin kay dad na nag-aalalang nakatingin sa akin. Ngumiti ako at umiling. 


"Okay lang ako, Dad. Medyo pagod lang kakagawa ng homework." pagsisinungaling ko at pinilit kainin ang aking breakfast kahit wala akong gana.

Dalawang araw na matapos kong kausapin si Jung Seob at sa totoo lang, iniisip ko na ang susunod kong gagawin. 


"Is this about that boy?" 


Napatigil ako, "...what boy?" 


"Jung Seob's son." 


Nabitawan ko ang kutsara na hawak ko. Shit. Paano niya kilala si B-bomb? Galit ba siya? 


"D-dad.. I swear hindi ko alam na tat-"


"Ciara, stop. It's okay." hinawakan niya ang aking kamay at seryosong tiningnan ako sa mga mata, "Hindi niya kasalanan na naging anak siya ni Jung Seob. At sigurado din akong hindi siya katulad ng tatay niya." 


Hindi ako nakasagot. Sa totoo lang, napatawad ko na naman si B-bomb eh. Yun nga lang, nandun pa din yung sakit na pinagkatiwalaan ko siya tungkol sa dinanas namin dahil sa tatay niya pero wala man lang siyang sinabi sa akin.


"Paano mo nalaman?"


"Noong sinundo ka niya dito. Parang pamilyar yung mukha niya at noong sinabi mo sa akin ang pangalan niya, doon ko naalala ang pangalan ng anak ni Jung Seob. Madalas silang pumupunta sa atin dati."


Oo nga, naikwento sa akin ni Jung Seob. Nakaramdam na naman ako ng guilt kasi tinatago ko pa din kay dad na nakipagkita ako kay Jung Seob. Nang hindi na ako nakasagot, pinisil niya ang aking kamay kaya naman napatingin ulit ako sa kanya.


"Do you like him?" 


Umiwas ako ng tingin at dahan-dahang tumango.


"Then listen to him. Don't give up on him yet."






Long break ko na ulit at namalayan ko na lang na naglalakad  ako sa field ng school. Sumandal ako sa isang puno at umupo sa damuhan, at agad akong nakaramdam ng nostalgia. 


Ito yung eksaktong lugar ng unang pag-uusap namin ni B-bomb - yung nalaglag pa siya mula sa katapat na puno.


I looked at the sky and took a deep breath. 


Welcome to the BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon