Chapter I : Kasaysayan ng Quoria

9.8K 259 7
                                    

Noong unang panahon may isang malawak at malayong kontinente na tinatawag na Elvedom. Ang mga naninirahan sa kontinente ng Elvedom ay mga Elfo. Matalinghaga at makapangyarihan ang mga elfo. Matatangkad, matutulis ang tainga at nakakasilaw ang kagandahan ng mga ito. Sila ay isa sa mga long-lived races o mga nilalang na mahahaba ang buhay, pero sila ay hindi imortal sila ay tumatanda din pero iyon ay aabutin nang napakahabang panahon. Maaring ikamamatay ang isang elfo kung sila ay malubhang nasugatan, dahil sa katandaan o kung masyadong matagal na inilagi sa mundo at mas nanaisin na bumalik sa kalikasan. Sa pagsapit ng ika-limampung kaarawan sa taon nang mga mortal ay hindi na magbabago ang anyo ng isang Elfo lumipas man ang ilang libong taon.

Ang Elvedom ay nahahati sa dalawa, ang mga puting elfo at itim na elfo. And puting elfo ay naninirahan sa Elveden at ang itim na elfo naman ay naninirahan sa Darkden.

Ang mga puting elfo ay pinamumunuan ni Lady Erythrina Maranwé Narmolanya at ang itim na elfo ay ang kambal nito na si Lady Erynia Maranwé Narmolanya. Parehong maganda at makapangyarihan ang magkakapatid na kambal. Sa loob nang mahabang panahon ay pinamumunuan ng dalawa ang Elvedom ng may dunong at talino, kung saan natutunan nila sa ilang libong taong pamumuhay sa mundo. Namuhay ang mga elfo nang mapayapa at matiwasay kasama ang iba pang mga nilalang na nakatira sa Elvedom at ang mga nilalang na naninirahan sa pinakamalaki at masukal na kagubatang nakapalibot sa Elvedom, ang Lasang.

Lumipas ang ilang daang taon, pero para sa mga maituturing na imortal na mga elfo ay parang isang kisapmata lang. Isang araw natuklasan nang mga elfo na maliban sa kanila ay mayroong ibang naninirahan sa kanilang lupain, sa paanan ng Lasang. Ito ang kauna-unahang mortal na tao na tinatawag na tribung La Fun. Payak ang pamumuhay nang mga taga La Fun at likas na mapagmahal sa kalikasan. Sa katunayan, sinasamba nang mga ito ang kalikasan, araw, buwan, bituin, kalawakan at pati na ang pinakamalaking lawa. Lingid sa kaalaman nang mga tribung La Fun, ang lawa ay isang sagradong lawa ng mga elfo.

Hindi nakaligtas sa kaalaman ni Lady Erythrina ang paninirahan ng tribu,ng La Fun, ngunit, hinayaan na niya ang mga ito na mamuhay sa kanilang lupain dahil naramdaman niya na walang masamang hangarin ang mga ito.

Ang Sphinx ay sinasabing siyang pinakamatalinong nilalang sa Elvedom. Ang mukha nito ay kagaya ng isang tao, katawan ng isang leon at pakpak na kagaya ng isang ibon. Si Lady Kesiya ay isang Sphinx, siya ang namumuno sa Lasang. Ang Lasang ay may ilang libong kilometro ang lawak. Napapalibutan nito ang malawak na Elvedom. Dahil mas malapit ang Lasang sa lugar kung saan naninirahan ang Tribung La Fun, hindi maiwasang magtagpo ang landas ng dalawang lahi. Kaya naman, Si Lady Kesiya ang kauna-unahang nakakaalam na ang mga tao ay matalino, ngunit kulang sa kaalaman. Dahil sa sadyang mabuting kalooban, nagpasya siyang ibahagi ang sariling kaalaman. Tinuruan niya na mamuhay ng maayos ang mga tribung La Fun. Sa kalaunan ay natutunan ding makisalamuha ang elfo at iba pang nilalang na naninirahan sa Lasang at Elveden sa Tribung La Fun.

At dito nagsimula ang lahat.

Ang La Fun, ay naging isang maunlad na lugar, dahil dito mayroong mga dumadayo sa La Fun na galing pa sa ibang panig ng mundo. Dumami ng dumami ang populasyon ng mga mortal na tao. Hanggang sa ng lumaon naitayo ang siyudad ng Quoria na siyang naging sentro ng kalakalan. Hindi pa dito nagtatapos ang lahat, lumaki ng lumaki ang Quoria at nagkaroon pa ito ng mga lugar kagaya ng Brun, Palan, Tuskan at iba pa. Sa kalaunan ay naging isang Imperyo ito. Ang Palan, Brun, Tuskan at La Fun ay ang pinaka maunlad na lugar sa buong Imperyo ng Quoria na pinamumunuan ni Lady Erythrina na siyang naging kauna-unahang Imperatris ng Imperyo. Dahil sa pakikisalamuha ng mga elfo sa tao ay hindi maiwasang mamuo ang magandang relasyon ng dalawang lahi, na hindi tinutulan ng Emperatris. Lumalabas na ang anak ng isang elfo at ng isang tao ay may posibilidad na magtataglay ng kapangyarihan ng elementong kagaya ng isang elfo. Tubig, apoy, hangin at lupa. At ang taong nagtataglay ng kapangyarihan ng elemento ay tinatawag na Mage. At dahil dito naisipan ni Lady Kesiya at ng iba pang mga elfo na magtayo ng isang paaralan para lamang sa mga may kapangyarihan, ang Unibersidad ng mga Elemental Mages upang maturuan ang mga mages kung paano gamitin ang kanilang kapangyarihan.

Elemental Mage Book 2 (Tempest)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon