Chapter VIII: Tempest

5.7K 216 8
                                    

Ibinaba sila sa mismong harapan ng may sampung talampakan na gate. Sa itaas ng gate ay may arkong gawa sa metal na may

                  University of Elemental Mages

Nang makababa sa Landaire ay saka lang napansin ni Tempest na may dalawang lalaking nakasuot na itim na roba ang naghihintay sa kanila. "I'm Professor Ares Izaak. And behind me is Professor Wolfram Zarfati." Nilingon nito ang kasama. Bahagyang itinaas ni Professor Zarfati ang kamay bilang pagbati. Di kagaya ni Professor Izaak nakangiti ito. Kanya-kanyang bati naman ang ilang mga kasama ni Tempest dito.

"Please rise your right hand when your name is called."patuloy pa rin ni Professor Izaak na walang kangitngiti. "Ivo Flyingleaf!." Nagtaas ng kamay ang batang lalaki na na nakagray na roba. Sobrang tangkad nito halos kasing tangkad na ito ng Professor gayong halatang bata pa ito. "Camri Lu!" nagtaas ng kamay ang batang lalaking sunog ang kulay ng balat. "Delyla Forrest!" kagaya ni Tempest nakasuot ang batang babae ng deep blue na roba ibig sabihin ay isa itong water mage na kagaya niya. Kulot ang buhok na tinalian ng ribbon. "Dreanen Arkwright!" napatitig si Tempest sa batang lalaking nakasuot ng gray na roba. Mahaba ang buhok nito na tinalian ng goma. At kung hindi lang halata sa pananamit nito ay aakalain ni Tempest na babae ito sa amo ng mukha. Nang mag-angat ito ng ulo ay nagtama ang paningin nila ni Tempest. Biglang kumabog ang dibdib ni Tempest at mabilis na nagiwas ng tingin. "Vanity Dustbringer!"

"It's me! Hi Professor!" malanding bati ng batang tagapagtanggol ni Tempest kanina. Hindi ito sinagot ng professor na nagpatuloy pa rin sa pagtatawag ng pangalan. Ngunit hindi naman iyon alintana ng batang chubby. "Koriene Seaver!" sabay ang kamay at ang kilay ng batang mataray kanina sa pagtaas. May pahabol pa ito na ismid kay Vanity na ginantihan naman ng irap ng isa. "Tempest Strongbow!" Nagulat pa si Tempest ng marinig ang pangalan. Napansin ni Tempest na biglang pagbaling ng mukha ni Professor Zarfati na para bang hinahanap ang batang magtataas ng kamay. Itinaas ni Tempest ang kamay. Dahil na kay Professor Zarfati pa rin ang nakatingin si Tempest kaya ng makita ang nakataas niyang kamay ay nagtama ang paningin nila, bahagya nitong  tinanguan si Tempest at patuloy na nagmasid sa palid.

"Everyone! Welcome to University of Elemental Mages. Now everyone line up!!!" Agad na tumalima ang pitong batang naroroon. "Now I want each of you to approach the Sphinx." Lahat sila ay napalingon sa tinutukoy ni Professor Izaak. Noon lang napansin ni Tempest na mayroong kasing laki ng tao na gintong rebulto ng isang Sphinx sa bawat gilid ng gate. "Bow, and put your left hand inside her mouth. First one in line now to the right side! Second in line to the left side." hiyaw na utos ni Professor Izaak. Ang batang si Camri Lu ang nasa unahan sa pila, dahan-dahan iyon lumapit sa rebulto ng Sphinx na nakaupo. Gaya ng inutos ng ni Professor Izaak ipinasok nito ang kaliwang kamay sa bunganga ng Sphinx. Ganun din ang ginawa ng batang si Ivo na siyang nasa kabila naman. Lahat ng mga batang naroroon ay sabay na napaiktad ng halos magkasabay na humiyaw sina Campri at Ivo. Sabay hila sa kamay. Kitang kita ng mga bata ang nangyari sa kamay nina Ivo at Camri. Sa likod ng palad ay mayroong itim na marka doon.

"Next!" napaiktad si Tempest dahil siya na ang nasa unahan ng pila, kaya kailangan na niyang lumapit. Nang makalapit sa rebulto ng Sphinx agad na ipinasok ni Tempest ang kamay sa bunganga at napaiktad ng maramdaman ang napakainit na bagay na lumapat sa likod ng kanyang mga palad. Napapikit si Tempest sa sakit na nararamdaman. Nang maramdaman ang pag-alis ng kung anong mainit na bagay na nakalapat sa kamay ay agad na hinugot ni Tempest ang kamay at agad na tiningnan. May maitim na marka iyon. Isang pentagram na kagaya sa nakikita niya sa sahig ng Selection Temple na kanilang inuupuan during sa Selection day. Ang kaibahan lang ay may pangalawang outer circle ang marka sa kanyang kamay at nakasulat doon ang pangalan ng university. Sumunod ang iba pang mga batang naroroon at ng matapos muling nagsasalita si Professor Izaak.

Elemental Mage Book 2 (Tempest)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon