MGFF1D : 47

743 20 0
                                    

@The Wedding & The Birthday

Ngayong araw na ang 2nd Wedding nila Insan at ang double celebration ng 20th Birthday namin ni  Brylle at eto pa ang masaklap nasa Barko na kami ! !!! huhu ;'((

" Insan ok kalang ba ??" hinagod ni Insan ang Ligod ko , ang ganda ganda niya !! sana balang araw maikasal din ako gaya ng kaniya ;'))

" O-ok lang ako ano kaba dapat nga ikaw ang tanungin ko nyan ehh " Andito kasi kami ngayon sa isa sa mga kwarto ng Deck .. syempre dapat nakatago ang Bride .. hmm mamaya din ata ang labas ng mga birthday celebrant !! hahaha

* TOK TOK , 

naputol ang pag uusap namin ni  Insan ng may Kumatok sa pinto namin ,

" bukas yan " sabi ni Insan at pumasok si Bea na may dalang cellphone sa kanya !!

" Jax may tawag ka ohh .. at Shan tara na sa reception start na tayo within 20 minutes , sunod ka nalang Jax " sabi niya , nag nod nalang ako at inabot na ang cellphone niya !! baka isa sa mga babati ..

" Hello ??" sabi ko ,

" Jax " uyy si Kuya Jaydee pala ^^ bakit naman siya tumawag eh ininvite ko naman siya !!

" Oh kuya bakit kapa tumawag pwede mo naman ako antayin nalang sa baba mama-"

" Jax hindi ako makaka attend , may gusto lang akong sabihin sayo " sa tono ng boses ni Kuya parang nasasaktan siya na hindi ko mlaman malungkot yung boses niya !!

" may problema ba kuya ?" tanong ko !! narinig ko ang pagbuga ng hangin ni kuya sa kabilang linya !!

" Jax , bukas sa Hambridge Church may sasabihin ako , at ngayon palang humihingi na ako ng tawad "

" Kuya ano bang pinag sasa-" hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil binaba na niya ang linya !! may sasabihin lang naman siya pero humihingi siya ng tawad ?? pakiramdam ko hindi maganda ang sasabihin ni  Kuya ... bakit ba ganito nararamdaman ko !!

Humarap na ako sa salamin at tinignan ang muka ko , maayos naman na pilit ko nalang inaalis sa isip ko ang mga sinabi ni Kuya !! nahagip ng mata ko ang pulang papel na nasa bag ko .. teka eto yung sulat ni Tyler , hindi ko pa to nabubuksan simula nung naibigay saakin ito ni Danica .. tsaka hindi rin natuloy yung pag uusap namin ni Tyler noong sinabi niya saaking may alam siya .. hindi parin kami nagkikita simula noong umalis siya !! hayyy .. tapos eto pa dumagdag pa sa curiousity ko si Kuya Jaydee !! -_-

Kinuha ko ang papel na nasa bag ko at binuksan iyon ...

----

#The Wedding ..

" You may now kiss the bride " narinig ko ang malakas na palakpakan ng mga tao sa paligid .. tapos na pala ang ceremony pero parang tulala parin ako sa mga nangyayari ... wala lutang ang isip ko ..

"  Jax " tumingin ako sa kaliwa ko andun si Brylle at nakangiti saakin .. paano koba sisimulan to , hindi ko pa dapat sabihin sa kanya , kelangan kopang makausap si Kuya Jaydee .. 

baka ito ang ibig sabihin ni Kuya kaya gusto niya ako makausap !!

" Brylle ,, nasaan si Tyler ??" agad na tanong ko , nawala ang mga ngiti niya ng banggitin ko ang pangalan ni Tyler ..

" bakit si Tyler agad ang iniisip mo ?? hindi ba pwedeng mag saya muna tayo kasi birthday natin ??" reklamo niya !!

" Brylle may importante lang akong kelangan malaman kay Tyler ---"

" Jax please wag mo muna isipin si Tyler ," at umalis na siya sa harapan ko .. ano bang problema ng mokong nayun !! hindi niya ba alam para din sa kanya , saamin ang dahilan kung bakit ko gustong makausap si Tyler ..

" Insan " tumingin ako sa likod ko ng makita ko si Insan , nag woworried ang muka niya !! lumapit siya saakin at yumakap !!

" Insan , may nalaman ako ---" hindi kona natuloy ang sasabihin ko ng magsalita siya !!

" Insan , kahit anong mangayare , mahal na mahal kita , Pinsan kita ..." sabi ni Shan ~!anong sinasabi niya hindi ko siya maintindihan !! pero atlis na mag isip ng kung ano ... yumakap nalang din ako sa kanya !!

" Mahal na mahal din kita Insan " sabi ko .. bigla nalang tumulo ang luha ko !! may kung ano sa dibdib ko ang masakit at kirot na nararamdaman sa kung anong mangyayari ngayon !!

" Uyy Guys drama tara na sayaw tayo " pagputol ni Bea moment namin ni Insan !! ngumiti nalang kami at nagsayaw ,, pero hindi rin nagtagal kinuha na ni Nathan si Bea -_- at ganun din si Insan !! sige lang ipagdamot nila saakin ang mga bff's ko !!! 

Teka !!! si Brylle nga pala nasaan kaya yun ?? naglakad lakad ako para hanapin ang mokong nayun !! pero habang nag lalakad ako napadpad lang ako sa pinaka unahan ng Barko ,, ang lakas ng hangin na tumatama sa muka ko ganun din ang pag bangga ng barko sa dagat !!! naalala ko nanaman ang mga sinabi ni Tyler sa sulat ..

Dear Jax ..

   Sa oras na mabasa mo to , sigurado ako hindi na to maalis sa isip mo ganun kita kakilala .. kapag curious ka sa isang bagay hindi ka titigil hanggat hindi mo nalalaman ang totoo .. Jax patawarin mo sana ako kung hindi ko agad sinabi to sayo , wala din ako sa posisyon para pangunahan ang kuya mo .. pero sana maging maayos din ang lahat .. Jax Si Jax Alvarez , ex girlfriend ko siya noong 10 years old palang ako , ang bata ko pa oo pero mahal na mahal ko siya .. pero hindi rin nagtagal yun .. nawala siya .. nawala siya kasi tanga ako .. alam kong may gumugulo na sa isip mo .. pero sana bumalik na ang ala ala mo ... hindi sapat ang dahilan na ayos naman na kayo ni Brylle pero gusto ko ring malaman mo na ang totoo mong pagkatao .... 

Tyler ..

Yan .. yan lang ang sabi niya !! pero ayon sa mga sinabi niya hindi niya daw dapat pangunahan si Kuya !! ibig sabihin , konektado ang sasabihin ni Kuya bukas sa mga sinasabi ni Tyler ... nakakainis ang gulo gulo nila .. ano ba talaga !!! may kinalaman ba to sa amnesia ko at anong sinasabi ni  Tyler na ex niya ako ?? 10 years old siya ?? 10 years na rin ang nakalipas simula ng nagka amnesia ako !!!

" Jax " bumalik sa sa realidad ang utak ko ng narinig ko ang boses ng lalaking kanina kopa hinahanap ...

" Brylle " pagka banggit ko ng pangalan niya tumakbo agad ako sa kanya at yinakap siya !!

" anong problema ??" tanong niya !!

" wala .. wala .. Nga pala kanina pa kita hinahanap ah ?? saan kaba nag susuot ??" tanong ko at kumalas na sa pagkakayakap sa kanya !!

" Tsss akala ko naman kasi susundan moko nong nag walk out ako , eh nakipag sayawan kapa sa mga best pwend mo " tss ang arte naman neto !!! pero ang cute kasi namumula siya !!

" i love you " tsss nakakainis official na nga kami pero naiilang parin ako !!

" Jax , may sasabihin ako .." tumingin ako sa mata niya !! seryoso ang mga mata niya at ang tono niya !! 

" ano yun ??"

" will you ---"

" Jusko sana ayos lang siya "

" naku bigla nalang daw natumba "

" paano yan malayo tayo sa hospital andito pa naman tayo sa barko ..."

" sino ang doctor ?? lumapit daw agad doon "

Bigla nalang may nasi tatakbuhan mga tao ang dumaan banda saamin at ayon sa pagkakarinig ko ng mga sinasabi nila may hindi magandang nangyare !! nakita ko si Bea na umiiyak !!

" BEA " sigaw ko agad naman kaming lumapit ni Brylle sa kanya .. at yumakap siya sakin !!

" J-J-Jax s-si S-S-Shanice ,... natumba kanina noong nag sasayaw sila ni Shaun ,, t-tapos h-hindi na m-ma hanap sa m-monitor ang h-heart beat niya .. j-jax w-wala na s-siya Shanice .. huhuhuhu "

O_O

------

NOTE : Last 3 chapters to go .....

My Girlfriend For 100 Days : Their StoryWhere stories live. Discover now