~fortieth

1.1K 8 1
                                    

Alyssa’s POV

     Dali-dali akong lumabas ng kwarto habang dala yung pinapakuha ni Daddy na papers. Napadaan ako dun sa tapat ng kwarto ko at napansin kong medyo nakabukas yung pinto dun pero pinabayaan ko na lang. Bumaba agad ako ng hagdan at humarap kina Daddy.

     “Eto na po!” Medyo kinakabahan pa ‘ko nung tumingin sila sa’kin. Nagulat ako nung nakita ko si Tita Miles, bunsong kapatid nila Daddy, na nasa may dining area at parang may tinitingnan. Ngayon lang ulit sya dumalaw dito at na-amaze ako kasi parang wala man lang pinagbago sa itsura nya. Ang bata nya pa rin tingnan.

     “Ha? You’re there? Kala ko may nakita ko kanina dito. I thought wala sila Manang?” sabi ni Tita Miles. Tumingin sakanya sila Daddy at ako naman ay lalong kinabahan. Baka nakita nya si Denver? Shems. Nagtaka naman ako nung napansin ko yung pamumutla ng mukha ni tita Miles. “May ghost ba dito?”

     “Nako! Wag nyo po pansinin ‘yun tita.” Nilapitan ko sya at hinigit pabalik ng sala. “Sabi nila ‘pag pinapansin ang multo, lalong nagpaparamdam.”

     “Wag mo ngang takutin ang tita mo. Kapag ‘yan nahimatay dito, magaalaga ka pa,” sita ni Daddy sa’kin. Nag-make face na lang ako nung hindi sya nakatingin. Naglakad na sya papuntang pinto a tlumingon ulit sa’kin. “Alis na kami. Alyssa, be good.” Ngumiti lang ako nang pagkalapad-lapad nung bigla kong naalala na naman yung mga nagtago ‘kong bisita. Hindi ako guilty, hindi ako guilty. Konsensya, layuan mo ‘ko. Shupi ka muna.

     “Bye, baby.” Pinisil ni Mommy yung pisngi ko at lumabas na sila.

     “Ingat po.” Hinatid ko sila Daddy hanggang sa gate. Pumasok na ulit ako ng bahay at inuulit-ulit ko sa sarili ko na wala naman akong ginagawang masama. Hindi ko kelangang ma-guilty. Hahaha.

     “Dear, let’s go movie marathon?” Inabutan ko si Tita Miles na nagsesetup ng laptop nya dun sa sala at naglalabas ng maraming DVDs.

     “Po? Uhh…” Nagisip ako ng pwedeng palusot. “Maaga pa po klase ko bukas and may quiz kami. Magaaral pa po ako.”

     “Aral aral. Nakakasira ng buhay ‘yan. Haha! Fine, do what you want. Wait, may food ka ba dyan?” tanong nya. Tumingin naman ako sa dining table namin dahil ineexpect kong nandun lang yung niluto kong Pork Tonkatsu kaso nagulat ako nung wala nakapatong dun. Eh? Sino kayang nagtago? Kahit pa isipin kong apat yung boys, parang mas gusto ko pa rin isiping mas mukhang pagkain si Denver sa kanila kaya most likely, sya yung tumangay nung ulam.

     Binigyan ko na lang si tita ng crackers tapos umakyat na ‘ko papuntang kwarto. Habang nasa hagdan, nag-compose ako ng message sa phone ko.

     Guys! Nasa sala tita ko. Bantay daw sya tonight. Sorry! Kung gusto nyo nang umuwi, wag kayong magpahuli ha. Bawi na lang ako next time. Sorry.

     Sinend ko ‘yun sa kanilang lahat at dumeretso na ‘ko sa kwarto. Binuksan ko yung ilaw sa kwarto at dederetso na sana ‘ko ng kama kaso bigla kong narinig na sumarang mag-isa yung pinto. Napalingon ako dahil natakot ako na baka may multo nga pero instead, ang nakita ko ay si Jun na nakangisi habang nakasandal dun sa pinto.

     “Ba’t ka nandito?” Kinokontrol ko yung boses ko at iniiwasang mapasigaw or else aakyatin ako dito ni tita. Natawa lang si Jun. Bigla syang naglakad palapit sa’kin at hinigit ako pahiga ng kama. Bumagsak kami sa kama ko, bale ang pwesto namin ay ako nakahiga habang sya ay nakadapa sa tabi ko at nakapatong yung braso nya sa may tiyan ko.

     “Ang lambot ng kama mo,” comment nya habang nakapikit. Wah? Wag nya sabihing inaantok na sya?

     “Ano ba? Nareceive mo ba GM ko? Pwede na kayong umuwi. Kung inaantok ka na, ‘wag dito. Go ka na sa bahay nyo.” Aalisin ko sana yung braso nya kaso mula sa simpleng pagkakapatong lang ay naging isa ‘tong mahigpit na yakap. Lalo pa tuloy kaming nagkadikit kaya nilingon ko sya. Sakto naman na nakadilat na pala sya at ang lagkit talaga ng tingin nya sa’kin. Namula naman ako kaya napatingin ako sa kisame.

Making Him Fall for MEWhere stories live. Discover now