~twenty-first

1.5K 13 5
                                    

A/N: Three exams to go, matatapos din ang hell weekS..:))) Leave some comments please. Kinikilig ako e. (sorry naman, mababaw si author e). Malapit na ang sembreak! Yaaaaay! *m*

Denver’s POV

“Leshe kang Pikachu ka. Eto ang date sa’yo? Ang tumambay sa library?!” Nakangiti syang pumasok sa loob ng public library habang ako naiwang nakatayo dun sa labas habang tinititigan yung entrance nung building.

Maaga syang dumating sa bahay kanina. Kakatapos ko lang kumain ng breakfast nung bigla syang nagdoorbell. Ipinagpaalam nya ‘ko kay papa na magdedate daw kami. Aba, syempre tuwa to the max si papa. Ako naman, gulat na gulat pero medyo kinikilig din syempre. Bihira lang may nagaaya ng date sa’kin, kadalasan kasi, sapilitan.

Pumasok na lang din ako at sumunod sakanya. Grabe. Spell katahimikan. Shemay. Ang tahimik dito masyado! Mamamatay dito ang mga kauri ko.

“Hoy!” Pabulong kong sigaw. Eh? Labo, basta. Parang boses hangin na lang yung ginagamit ko. “Nakakarindi yung silence dito!”

“…” Tumingin lang sya sa’kin at tinaasan ako ng kilay. Lumapit kami sa isang table then ipinatong nya dun yung bag nya. Sasabayan ko na sana sya sa pagupo kaso dumeretso sya sa may mga bookshelves.

“Seryoso ka ba? Magbabasa ka talaga? Kala ko ba date ‘to?” Patuloy lang ako sa pangungulit ko sakanya at iniipit ko na lang talaga yung boses ko para di ako makagawa ng ingay.

Humarap sya sa’kin with matching serious face. “Ang date na ‘to, parang tayo… joke time lang.”

Napangiti ako ng pilit sa kanya. Ewan. Parang na-ouch ako sa sinabi nya. Parang may kumirot somewhere inside me, weird. Tumalikod agad ako para di nya mahalata incase na traydurin ako ng mga mata ko.

“Joke time lang.”

Pumunta ‘ko sa kabilang side nung parehong bookshelf na tinitingnan nya.

Sana pala hindi nya na lang ako isinama dito.

Parang gusto kong magtampo dahil sa sinabi nya, BUT… he has a point. Hay nako, Denver! Endure! 100 days lang yan, pareho kayong makikinabang.

Tumingin na lang din ako ng mga libro. Science, medical, biology. Takte naman. Nakakasakit ‘to ng brain cells ah! Sumilip ako dun sa maliit na space sa pagitan nung mga libro. Nakita ko si Pikachu. Bwiset. Bakit minsan mabait sya sa’kin, pero minsan hindi naman? Bipolar ba sya? Abnormal? Baliw?

Naglakad sya para maghanap pa ng mga libro. Ako naman, sumunod lang. Sinisilip ko lang sya mula sa kabilang side ng bookshelf na ‘yun. Sinusundan ko ang bawat hakbang nya.

Kita ko kung pano mabilis na binabrowse ng mga mata nya yung mga page ng bawat librong binubuklat nya. Kukuha ng libro. Browse. Sara. Hakbang. Paulit-ulit lang. Nakakat*nga sya titigan at ako naman ‘tong t*nga na titig ng titig sakanya.

Napansin ko yung dark circles sa ilalim ng mga mata nya. Hindi naman gaanong halata unless titigan mo talaga. I therefore conclude na maganda ang kutis nya. Ang perfect nya pa rin kasi tingnan kahit mukha syang puyat. Hah. Natawa naman ako sa naisip ko. Ay nako. >////<

Narating nya yung dulo ng shelf kaya naman nagpakita agad ako. Saktong magkaharap kami at wala na yung shelf at mga libro sa pagitan namin. Halatang nagulat sya dahil napaatras sya ng hakbang.

“Ba’t ka nandyan?!”

“OA ka talaga no?” sarcastic kong sabi.

“Tsss. You scared the hell out of me. Bakit ka kasi nakangiti ng ganyan?”

Making Him Fall for MEWhere stories live. Discover now