Chapter 42

3.1K 57 0
                                    

Ayan.. sorry kung hindi pa ito ang pinakalast chapter.. pero promise... dalawa na lang :D ^^

-------------------

Chapter 42

“ma’am, may delivery po para sa inyo?”

Mula sa pinagkakabusyhan, inangat ni Pia ang ulo nang tawagin sya ni Angelie para sa isang delivery? Delivery nga ba? Bakit bulaklak ang dala ni Angelie?

“Sino nagpadeliver nyan?” kunot-noo nyang tanong dito.

“hindi ko po alam, ayaw din naman pong sabihin nung delivery boy…”

Pumasok na si Angelie at binigay na kay Pia ang mga malalagong pulang rosas. May card na kasama.

When I look into your eyes

It's like watching the night sky

Or a beautiful sunrise

HUH?

“Ma’am, sino po?” untag ni Angelie sa takang-takang si Pia.

“When I look into your eyes….It's like watching the night sky….Or a beautiful sunrise…”

“Wow, ma’am mukang may nanliligaw sa inyo… yieeee…” kilig na kilig naman si Angelie sa narinig mula sa pagkakabasa ni Pia kaso tumigil lang sya nang tingnan sya nito ng masama..

“Ano pa’ng ginagawa mo dito? Magtrabaho ka na…”

“So-sorry po…. Sige po ma’am….” Yuko-yukong paalis si Angelie mula sa opisina ni Pia.

Muling tiningnan ni Pia ang card… sino naman kaya ang magpapadala ng bulaklak sa kanya? inamoy-amoy nya ito. Freshly picked ang mga iyon, parang galing sa bakuran at agad na binigay sa kanya, well, natutuwa syang makatanggap ng bulaklak, pero para saan? Tama kaya ang sabi ni Angelie? O baka naman may gusto lang magcongratulate sa kanya? o di kaya’y isa ito sa mga pakana ni Mr. Aragon? Tulad na lang nang padalhan sya nito ng patay na patay dati? Di kaya may nakakamatay na kemikal ang bulaklak?

Agad nyang nilayo ang bulaklak saka dinial ang numero  ng pinsan nya. isang chemist.

“Oh ano?” tanong ni Pia

“Kass… walang lason o ano pa man ito, wag kang OA ha! Hahahaha and besides, ang sweet ng nagpadala nito…. Tamo oh…. “ sabay pakita ng Card…

“A—ano ba… nabasa ko nay an no…” hinablot ulit ni Pia ang mga bulaklak, free syang amuy-amuyin ito… walang lason..

“Yiee.. sinong nanliligaw sayo Kassandra?” panunukso ng pinsan nya..

Ramdam nya ang init ng pisngi nya, panu nya sasagutin ito?

“hi-hindi ko alam….”

My Beautiful Monster(COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora