Chapter 1

17 1 2
                                    

"Leya! Leya! Leya!" tiling sigaw ni Prima, ung best friend kong crush ng bayan.
Oo, literal na crush ng bayan. Dito kasi sa probinsya namin, bilang lang sa daliri ung mga magaganda. At malas ko, hindi ako kasama sa bilang. Maganda si Prima, o Imang kung tawagin ko, pero gusto niya Pri daw ang nickname niya para cool. Anak ni Mayor si Prima, ako naman, anak ng kasambahy nila. Sabay kaming lumaki kaya naging mag best friend kami kahit sobrang laki ng pagkakaiba namin sa itsura, sa ugali, lalo na estado sa buhay. Maputi, matangos ang ilong, singkit ang mga mata at asset talaga niya ung napakahabang buhok niya. Sabi niya, galawin na lahat sa kanya wag lang un buhok. Hahaha. Ewan ko ba dun, pero sobra talaga siya magalaga sa buhok niya. Ako naman, morena, bilugan ung mata at ung buhok ko, may sariling buhay ata.

"Oh Imang, ang aga-aga nagsusumigaw ka diyan!"

"It's Pri, okay? Anyways, dumating kanina sa office ni Dad ung mga tauhan ng palasyo, and guess what? Next month na ung birthday ni Prince Travis ko!" excited na kwento ni Prima.

"Eh ano naman sa'kin? Invited ba ako?" ismid na sagot ko.

"Ano ka ba Leya, 18 years old na siya next month, it means...."

"Ikakasal na kami!" sabay naming sigaw. Nagkatinginan kami sabay irap at tawanan.

Tradisyon sa bansa namin na kapag ang anak ng hari at reyna ay tumuntong sa edad na 18, pwede na ito maghanap ng makakapareha sa buhay, at ayun din ang magiging crown princess ng bansa.

Bata palang kami ni Prima, naglalaro na kami ng kunwari-kunwariang prinsesa. Kunwari siya ung prinsesa, magsusuot siya ng magandang gown niya. Pangarap namin na sana balang araw, isa sa amin un maging prinsesa. Siya, dahil matagal na niyang crush si Prince Travis. Gusto niya ung mala fairy tale na love story. Ako, Hindi ako naniniwala sa fairy tale. Lalo na sa happily ever after. Gusto ko lang maging prinsesa para maihon sa hirap ung pamilya ko.

Wanted: Perfect PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon