Chapter 23 (10-05-15)

5K 245 40
                                    

"I do father."

Nakangiting sagot ni Ayumi sa pari. Ito ang matagal na niyang pinapangarap. Ito ang matagal na niyang gustong matupad. Ang maikasal sa lalaking noon paman ay minamahal na niya. Ang maikasal sa akin.

Dalawang linggo na ang nakakaraan mula nang makita ako sa simbahan ni Silk na walang malay. Akala ko yun na ang katapusan ko. Akala ko matatapos na ang paghihirap ko but sad to say ang laki nga yata nang kasalanan ko sa Diyos dahil binuhay pa niya ako. Dahil pinapahirapan pa niya ako.

Isang linggo akong nasa hospital. Nalaman na rin ni mama, nila Tito Clerk at Tita Maggie na may malubha akong sakit sa puso. Hindi na rin ako nagtetext o tumatawag kay Zaid. Alam ko sobrang nag aalala na yun sa 'kin. Alam ko sobrang namimiss na niya ako at alam ko nababaliw na yun kakaisip sa akin. Pero ano ba ang dapat kong gawin? Ayaw ko nang madagdagan pa ang paghihirap ko. Okay lang sana kung ako lang ang mahihirapan pero sa pagkakataong ito, ngayong alam ko na na talagang magkapatid kami, mahihirapan at masasaktan pa rin si Zaid oras na malaman nito na magkapatid kami at ayaw kong makita ang paghihirap at ang sakit na yun sa mga mata nito.

Sinabi ko na rin kina Tito at Tita na hindi muna sabihin kay Zaid na magkapatid kami at 'wag din nilang banggitin na may sakit ako. Nung una nagtaka si Tito Clerk, excited siyang ipaalam kay Zaid ang tungkol sa akin. Ang tungkol sa pagiging magkapatid namin. Dahil hanggang ngayon wala siyang alam sa relasyon namin ni Zaid. Mabuti na lang napakiusapan ko pa rin siya na hindi pa ito ang tamang panahon na ipaalam kay Zaid ang totoo kung pagkatao. I try to tell myself that I'm happy who I am now, but I hate almost everything about myself when I think about it.

Hindi ko pa rin kayang tanggapin na magkapatid kami ni Zaid. Hindi pa rin kaya ng puso ko na tanggapin ang masakit na katotohanang 'yun.

"I do father."

Sagot ko sabay ngiti sa babaeng nasa harapan ko. Bakas sa mga mata nito ang saya. Kahit namumutla at payat at halatang-halata na sa katawan niya ang sobrang hina ay hindi pa rin nawawala ang gandang tinataglay nito.

Nakangiti ito habang may luhang pumatak sa pisngi nito. Alam ko ito lang ang tanging magagawa ko para sa kanya. Ang mapasaya siya sa mga huling sandali ng buhay niya. At bago ako mawala sa mundong 'to masaya na rin ako na napasaya ko ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako.

Konti lang ang mga dumalo sa kasal namin pero bakas sa mukha nila ang saya. Lalo na sa mga mukha ng aming pamilya.

Kung alam lang nila na sa likod nang nakangiti naming labi ni Ayumi nakatago ang sobrang hirap at sakit na aming nararamdaman. Ang dami naming pangarap. Ang dami naming gustong gawin. Pero magagawa pa ba namin yun? Atleast si Ayumi natupad na niya ang matagal na niyang pinangarap. Ang makasal sa akin. Masaya ako dahil natupad yun pero hindi ko maitatanggi ang sobrang paghihirap nang kalooban ko dahil alam kong nagtaksil ako kay Zaid. Nagtaksil ako sa asawa ko. Sa asawa ko na hindi ko na pweding mahalin dahil kapatid ko na ngayon.

Magkahawak kamay kami ni Ayumi na lumabas sa simbahan. Pero hindi ko inaasahan ang taong nakatayo sa harapan ko. Ang lalaking nagpapatibok ng puso ko. Ang lalaking mahal ko, mahal na mahal. Ang lalaking mahal na mahal ako. Ang lalaking pinakasalan ko. Ang Asawa ko—ang kapatid ko.

Naramdaman ko ang pagbitaw ng kamay ni Ayumi sa akin. Tumingin ako sa kanya. Hahawakan ko sana ulit yun kaso umiling siya. Nabasa ko sa mga mata niya ang pag uunawa. Ang awa at ang sakit.

Tumingin ako kay Zaid. Pakiramdam ko huminto ang mundo sa pag ikot. Pakiramdam ko kami lang dalawa ang naroon ng mga oras na yun. Gusto kong tumakbo palapit sa kanya. Hagkan at paliguan siya ng mga halik ko.

Nakita ko sa kanyang mga mata ang sakit na nararamdaman niya. Ang mga titig nito na nagtatanong at naguguluhan.

Lord! Masaya ka na ba? Sobrang sakit na oh! Unti-unti mo na akong pinapatay sa sakit!

Our Complicated Love Story (BoyxBoy) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon