Chapter 31 (11-11-15)

5.6K 241 50
                                    

"Dito ka lang ha? Babalik agad ako.'Wag kang mawawala sa akin ha?"

"Mahal na mahal na mahal kita Rhett, babe, mahal na mahal na mahal kita asawa ko."

"Mahal na mahal din kita Zaid, mahal na mahal kita bana ko."

"Hah!"

Napabalikwas ako ng bangon.

"Okay ka lang ba, hon?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Angela.

Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Oo naman. Napanaginipan ko lang yun ulit." Nakangiti ng sagot ko.

Hindi na bago sa amin ni Angela ang magising ako sa kalagitnaan ng gabi dahil lang sa isang panaginip. Paulit- ulit ko na lang napapanaginipan ang isang lalaki. Isang lalaking nakangiti sa akin na may pagmamahal sa kanyang mga mata. Ang isang lalaking mahal na mahal ko raw. Pakiramdam ko lahat ng nangyari sa panaginip ko ay parang nangyari na rin sa akin.

Nagigising akong si Angela ang nasa tabi ko pero nakakatulog ako na ang laman ng isip ko ay yung lalaking nasa panaginip ko.

Ito ba ang epekto ng pagka-coma ko? Mula ng magising ako, parang may hinahanap ako na hindi ko alam kung ano. Parang may gusto akong makita na hindi ko alam kung sino. Parang may kulang sa akin.

Nagising ako na isang babaeng nurse ang nasa tabi. Bakas sa mukha nito ang saya nang makitang iminumulat ko ang aking mga mata.

Si Angela ang nag-alaga sa akin ng halos limang buwan. Si Angela ang nasa tabi ko.

Nagpatuloy ang buhay ko sa states na si Angela ang dahilan.

Si Angela ang babaeng mahal na mahal ko.

*****

"Mahal kita Rhett Abraham. Mahal kita mula palang sa una nating pagkikita. Mula nung natamaan kita ng bola sa mukha habang naglalaro kami ng soccer."

Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko ang isang lalaki na nakatayo sa harap ng lalaking nagsasalita.

Napatawa ito nang mahina. Tawa na nagpabilis nang kabog ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko.

Gusto ko siyang lapitan.

Gusto ko siyang kausapin.

Gusto ko siyang yakapin.

Sigurado ako na siya ang lalaki sa 'king panaginip.

"Mahal kita mula pa noon hanggang ngayon. Mahal kita kaya may mga bagay akong nagawa na alam kong hindi mo nagustuhan. Sorry kung nagawa ko 'yun. Alam mo kung gaano kita kamahal di ba? At lahat gagawin ko para sa 'yo."

Familiar din sa akin ang isang lalaki.

"Hindi ko alam kung anong tamang salita o sweet na salita ang gagamitin ko. Lahat na siguro nasabi na ng iba. Gusto ko maging unique. Gusto ko yung mga salitang bibitiwan ko, ako lang ang nakapagsabi at sa 'yo ko lang nasabi..

'I Love You' is not enough to describe my feelings for you. Mahal kita Rhetta ko, mahal na mahal at hindi ko alam kung paano ipapaliwanag. Pero kaya kong patunayan, ipakita at iparamdam sa 'yo ang pagmamahal ko. Sana bigyan mo ako ng pagkakataon na matawag kitang akin. Matawag kitang boyfriend at maipagmalaki bilang boyfriend ko."

Bakit ganito? Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Galit ako! Nasasaktan ako!!

"Ang sweet nila, hon."

Napatingin ako kay Angela na nasa tabi ko na. Inakbayan ko siya.

"Ang sweet niya hon. Sana sagutin na siya. Kung ako yung ginawan nang ganyan hindi ako magdadalawang isip na sagutin siya."

Our Complicated Love Story (BoyxBoy) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon