Bullet Proof Coffee

1.1K 34 1
                                    

Maagang gumising si Rhian

Walang inaksayang panahon

uminom ng bullet proof coffee 

bilang paghahanda.

Isang uri ng kape na malakas ang tama

pero less acid.

Nakipaglaban sa oras para makarating sa destinasyon.

.

Natatarantang nagtungo naman si Cha sa Chinese General Hospital.

Papasok na sya sa ward ni Aling CHoleng

Nakasalubong nya ang isang lalaking naka White Coat

Mahaba ang buhok at nakasalamin

Agad itong nagpakilala

"Doc Tado"   bigkas ng Lalaking naka white coat   "ahmmmm yung Mama mo wag ka mabibigla ahhh....Kasi 3 months na lang sya
stage 4 Cancer sa Ovary.Wala ng pag asa kahit i-chemo"


Nabigla si Cha at tinatanaw si Aling CHoleng na ngumangata pa ng Chicharon ni Mang Juan.

Chill na CHill sa buhay habang naka dekwatro at nanonood ng KrisTv.

Kumaway si Aling Choleng at ngumiti sa Anak.Naluha si Cha

dahil si ALing Choleng na lang ang nagiisa sa buhay nya mukhang mawawala pa.

Mahal ni CHa ang kanyang ina higit pa sa sarili.

Dahan dahan lumapit si Cha hindi alam kung paano pepekein ang ngiti.

"Nak, pasensya kana sa appendicitis ko pero

Nak,sinong kausap mo sa pasilyo?"

napatingin si Cha sa katabing kama ni Aling Choleng

isang lalaking mahaba ang buhok ang Tinakpan na ng kumot ng mga Nars

"sayang 39 pa lang nawala na"

.

'Loko yun ahhh..aalis na lang ng good time pa'

sabay tingin kay Aling Choleng

"tsssssssssssk kakalunok nyo yan ng buto ng lansones eh"

"eh anak alam mo namang wala akong bisyo kung di kumain nun

tsaka ang pait kasi ng buto

mas bitter pa sayo kaya di ko manguya."

"bakit hindi nyo iluwa?"

"iluwa?kagaya ni Rhian? mas gugustuhin ko ng lunukin kahit magkasakit ako

kaysa mapunta sa iba sayang naman anak laman tiyan din yung buto"

"Ma,puro kayo hugot!"

"Ikaw masaydo kang seryoso.

Maedad na ko

Nak, ayokong mawala ng may kasama ka pero hindi naman si Rhian

minsan lang tayo magmamahal

minsan lang mabubuhay

bakit hindi mo pa sundin

kung ano yung laman ng puso mo?

Tandaan mo ang kaligayahan ng tao

nag mumula sa puso

hindi sa isip

'wag ka magisip ng dahilan para di mo magawa

mag isip ka ng paraan para magawa mo.

'Wag mong hayaan na lumipas ang panahon.

Swag and the BeautyOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz