42

5.7K 224 32
                                    

"Ano nga ang nakasulat sa likod? Kung Mr. Ginulayan ka, ano ako?" Nanlaki ang mga mata niya. "Oh My Gee! Mrs. Ginulayan? Mrs. Ginulayan ba?"

Nagpipigil ng ngiti si Celerio. "Gusto mong maging Mrs. Ginulayan? "

"Hindi no. Feelingerrrrooo"

"Okay. Tara na at mainit na mamaya. Dadami na rin ang tao. "

"Ano nga ang nakalagay sa likod. "

"Mamaya mo na tignan sa bahay. " Nagsimula ng tumakbo si Celerio kaya walang nagawa si Thalia kundi tumakbo na rin.

"La-do! Hin-ta-yin mo na-man a-ko! " Hinihingal na sabi ni Thalia.

Ang ending, brisk walking na lang ang ginawa nila. May nakasalubong sila na ilang grupo ng pulis na tumatakbo. Lahat tumitingin kay Thalia.

"Ganda ko talaga. "

"Hindi lang sila sanay na may kasama akong nagjo-jogging."

"Epal. Nagtataka lang talaga sila na may kilala kang maganda, sexy at mabait na katulad ko. "

"Paano naman nila malalaman na mabait ka? " Sakay ni Celerio sa trip niya.

"Simple, alam nilang mababait lang ang kayang tiisin ang pagka suplado mo. "

Sasagot pa sana si Celerio pero may naka salubong silang grupo ng mga kabataang babae.

"Hi, Sir! "

"Hi."

Tumaas ang kilay ni Thalia. Huma-Hi sa girls si Lado? Hindi suplado.

"Mr. Ginulayan? Ang sustansiya naman pala ng surname ni Sir. "

Dinig na dinig niyang sabi ng mga ito. Napangiti si Thalia. Masustansiya naman talaga ang surname ni Lado.

THG? Ay akala ko talaga Mrs. Ginulayan na. Bagay pa naman sila.

"THG? THG ang nakalagay sa likod ng t-shirt ko? "

"Ano ngayon? "

"Bakit THG? "

"Parang gusto mo yata ng Mrs. Ginulayan? Saka na, kapag sinagot na kita, mahal ko. "

"Kupal lord! Bakit nga THG?" Medyo slow na tanong ni Thalia.

"Gusto ko. "

Brisk walking pa rin ang ginagawa nila.

"Oh My Gee! THG stands for Thalia Hermosa - Ginulayan?"

"Says who? "

"Me? "

"Gustung-gusto mo talagang maging misis ko. Hindi pa nga ako nanliligaw, pagiging asawa ko na ang ini-imagine mo. "

"Kapal!"

"Gwapo ako. Bilisan mo at mamamalengke pa tayo, THG."

"THG your face! Kaw 'tong may pakana ng couple shirt na 'to. Bakit tayo mamamalengke?"

Pero hindi siya sinagot ni Celerio. Kaya nagmamadali siyang humabol rito. Hindi tuloy niya nakita ang bato sa daan na siyang ikinadapa niya.

"Aray ko! " lupa ang kinabagsakan niya.

Pero dahil nga ayaw niyang mapahiya, mabilis pa sa kidlat na bumangon siya. Pero mabilis din ang lingon ni Celerio.

"Napano ka? "

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon