02 - First Date

361 12 0
                                    



1 - 2 - 4 - 4 - 7 Binuksan ni Vince ang lock ng locker niya pagkatapos ng kanilang klase sa P.E. Basketball ang sports nila ngayon. Mayabang yabang pa siyang nagpasaring na marami siyang ma sho-shoot na bola pero kahit na isa ay wala. Kinuyog tuloy siya ng mga pang aasar nila Dante at Mark.

Paghipo pa lamang niya sa hawakan ng locker ay parang may kakaiba na duon. Medyo naka angat ang pintuan niyon. Parang may nagpumilit buksan. Hinila niya ng hilahan niyon at pagsilip niya sa loob ay nakita niya ang isang sulat. Love letter ba iyon? Pero imposibleng bigyan siya ng love letter ng sino man dahil sa ugly face niya. Tinignan niya ang paligid kung merong nakatingin. Maybe isa iyong joke o may nagmamasid sa paligid at bigla na lamang siyang pagtatawanan. Sabagay wala naman sigurong mali kung bigyan siya ng sulat, pero kanino galing yun? Binuksan niya iyon sa tatlong tupi na maaring ibig sabihin ay I Love You at binasa.

Pero hindi paman nagtatagal ang limang segundo ay bigla na lang siyang ginulat ni Dante. "Huli ka!"

"Ay anak ng pitong kabayong pilay!" natawa si Dante sa reaksiyon niya. Para kasi siyang bulateng inasinan. "Bro huwag ka namang manggugulat ng ganun."

"Eh bakit kaba nagulat. Siguro may tinatago ka no, ano yun?"

"Anong tinatago. W-w-wala!" Tinago niya ang naturang sulat sa likuran niya.

Tinignan siya ng masama ni Dante. "Sigurado ka. Eh ano yang tinatago mo sa likod mo."

"Ang alin?" Nagtungo na si Dante sa likuran niya para kunin ang sulat pero buti nalang ay mabilis ang reflexes niya, agad niya iyong nilukot at tinapon sa malayo.

"Oh bakit mo tinapon?"

"Wala lang yun, listahan lang ng utang ko."

"Listahan ng utang..."

"Oo listahan ng utang ko. Wala na namang kwenta yun kasi nabayaran kona eh teka ano bang atin?"

"Si Mark nakita moba?"

"HIndi ko alam, baka nasa Math building parang nakita ko ata kanina."

"Sige salamat. Pero teka Vince."

Tinignan niya ito. "Ano nanaman yun?"

"Sigurado kang wala kang tinatago sakin."

"Alam mo nakakainis kana. Wala nga!" Medyo napalakas na ang boses niya.

"O chilax kalang kalang. Sige aalis nako, kita nalang tayo maya."

"Sige." Hinitay niyang umalis si Dante bago niya inilagay ang basa niyang t-shirt sa loob ng kanyang locker. Pagkatapos ay kumuha naman siya ng inihanda niyang damit sa loob niyon para pamalit. But one thing was stocked on his mind. Ang nakalagay sa sulat. Walang iba kundi ang oras kung saan sila dapat magkikita ni Tommy.



WALA na nga siya sa wisyo sa araw araw pero parang ma naging mas malala pa iyon kaysa sa dati. Paano ba namang minu-minuto niyang iniisip kung susulpot ba siya sa oras na dapat ay tatagpuin niya si Tommy sa may parke. Naguguluhan siya. Para kasing ayaw niya dahil alam niyang kalokohan lamang iyon pero sa kabila ng kanyang isipan ay tila tinutulak siya ng kanyang konsensiya para pumunta.

"Mr. Valdez. Anong sagot sa katanungan ko?" Hinampas ni Ma'am Cruz ng stick na hawak nito ang desk niya. Nagulat tuloy siya.

"Ma'am?"

"Pwede ba class eh palakpakan n'yo siya." Biglang pumalakpak ng malakas ang buong klase. Pati sila Dante at Mark ay akala moy nanalo sa lotto ang energy sa pag palakpak. "Mr. Vince Geronimo Valdez. Kung lilipad lang ang utak mo sa klase ko eh pwede lumabas ka nalang. Ayokong sayangin ang laway ko sa isang estudyanteng katulad mo!"

Young Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon