FFTG: Chapter 30

123K 1.4K 239
                                    

Dedicated kay daworstnightmare

ComVo? *u*

==============================

-CHAPTER 30-

Katsumi's POV: 

Tuesday 

“Oy singkit, ‘di ba may sasabihin ka dapat saakin no’ng Friday ng gabe? Dali na.” sabe ni Dj.

Napatingin naman sila saakin. Umiling ako.

“Hanggang ngayon alala mo pa? tindi mo ha.”

“Eh ano ba ako? Ulyanin? Bilis na.” pamimilit pa niya.

“Wala nga! Teka nga, may pupuntahan ako.” Paalam ko.

“Ha? Saan? Sama kame!” Sed.

“Di ba sabe ko may pupuntahan ako. Hindi tayo. Wag feeler.” Tapos lalabas na ‘ko ng canteen ng sumigaw si Dj.

Wala pa si Julia at Kath e. Naglinis ng room. Bait no’ng dalawang ’yon talaga.

“Manchi-chicks ka? Sumbong ka namen kay Romindo ‘pre! Sama mo ‘ko ‘di kita isusumbong!” pahabol pa niyang sigaw.

Napa-‘tss’ lang ako habang nangingiti tapos hindi ko na siya pinansin. Si Sofia nga pala ‘di pa namen siya nakikitang pumasok sa mga klase… kasi nasa guidance office siya e.

Tingin tingin ako sa paligid tinignan ko kung sinundan ako no’ng apat… pero wala, pumasok na ‘ko ng clinic.

“Good morning—omg, good morning po Mr. Kabe.” Bati saakin no’ng bagong nurse.

Hehe, may crush saakin. Nginitian ko lang siya as bati tapos shet kinilig. Hahahaha. Dumiretso ako do’n sa doctor talaga dito. Pumasok ako sa room niya dito sa clinic.

“Oh Mr. Kabe? May sakit ka ba? Upo ka.” Sabe niya at umupo nga ako do’n sa harapan niya.

“Wala naman po, may gusto lang po akong itanong.”

“Hm, sige... ano ba iyon?”

Nakamot ko pa yung noo ko. Nagaalangan akong itanong e. Mamaya, magulat ako sa sagot niya. 

“Doc, ano po ba yung tawag sa…” pagaalangan ko.

Falling for the gangster. (KathNiel fanfic)Where stories live. Discover now