Liham 4

6.7K 305 69
                                    

My Dearest Serene,

Hindi ko sigurado kung hanggang kailan inabot ang party para kay Rico, pero hapon na noong tuluyan itong natapos at nagsiuwian ang mga bisita nya.

"Rico! Congrats ah, at welcome home pare!"

"Salamat salamat! Salamat sa pagpunta nyo ah. Babay!"

"Yun na ba yung huli?" Tanong ni Shane na nagliligpit na ng pinag-inuman sa mesa. Isinara na rin ni Rico ang pinto mula sa huling bisita na meron kami. "Hoy Nathan, tumulong ka naman!" Sipa ni Shane kay Nathan na kung makahiga ay parang sya ang may-ari nitong bahay.

"Oo na. Ito na na nga eh. Tatayo na."

"Oo! Shane yun na yung huli. Tara't nang makapaglinis na!" Sagot ni Rico sa kanya.

"Tingnan mo Nathan o, ang bait talaga ni Rico. Kaya namiss ka namin Rico eh!" Inakbayan ni Shane si Rico sabay gulo ng buhoy nito.

"Naku sinasabi nyo lang 'yan dahil nalagasan kayo ng cute dito! Teka, sandali, tinirhan nyo ako ng chocolate cake diba? Nasaan na? Gutom na ako!"

"Eh kakakain mo lang kaya."

"Kahit na! Nasa ngala-ngala ko pa lang, wala pa sa tyan ko eh. Kaya kakain pa ako!" Tumakbo sya pabalik sa kusina.

Sa gitna ng tawanan namin ay bigla akong may naalala.

"Si Jace nga pala?" Tanong ko sa kanila.

"Oo nga, nasaan yun?" Simangot ni Rico nang makabalik. Malungkot syang umupo sa may sofa kasama ang isang platito ng chocolate cake na hawak. "Naman o, minsan na nga lang tayo makumpleto hindi pa tayo buo?"

"Hindi. Hindi pa sya umuwi." Marahan akong sinuntok sa braso ni Shane. "Di ba Niel? Umakyat si Jace sa taas paa matulog?"

"Oh!" Sabay pitik ko sa pagkakaalala nito. "Oo pala, teka tawagin ko."

"Pakisabi inuman tayo ah! Mamaya bigla na namang magdisappear tulad nung isang linggo." Pahabol pang bilin sa akin ni Nathan noong nasa hagdan ako.

Kinatok ko ang bawat guest room dahil hindi ako sigurado kung saan sya nagpunta. Tagilid akong napatingin sa huling kwarto, puno ng pagtataka dito dahil hindi ko sya makita.

"Nasaan na 'yon?" Pabalik na ako sa baba para sabihin na umalis na si Jace pero may isang pinto akong nakita na bukas pa ng konti. Marahan ko itong binuksan at sa loob ng kwarto mo Serene, doon ko sya nakita.

"Natawag mo na ba si Jace, Niel? Tara na! Manonood pa raw tayo ng movi--!" Agad kong tinakpan ang bunganga ni Rico sabay hila sa kanya palayo roon sa pinto. Papasok na sana sya tapos ang ingay-ingay pa. Mabuti na lang napigilan ko.

"Aray naman Niel! Bitawan mo nga ako! Ang sakit ah!"

"Sshh! Hinaan mo naman iyang boses mo." Tinanggal ko na ang kamay ko sa labi nya pero hinila ko sya kasama ko pababa.

     "Anong nangyayari?" Takang tanong nina Shane at Nathan sa amin.

     "Tulog si Jace." Sabi ko sa kanila. Agad na napasingap si Rico. May nalalaman pa syang pahawak hawak sa may labi na akala mo kagulat-gulat iyon.

Listen To My LullabyWhere stories live. Discover now