CHAPTER 22 Part 1

18.6K 443 91
                                    

Nicole's POV

I'm on my way papunta sa apartment ni Cheska. Yeah! Nakapunta na ako dun before at alam ko na ang papunta.

Kinakabahan ako.

Mag isa lang kasing nakatira doon si Cheska.

After 1234years... Nakarating na din ako sa apartment nya.

Huminga ako ng malalim at bago dumiretso sa pinto. Kumatok muna ako ng tatlong beses pero walang nagbubukas nun.

Kumatok ulit ako.

Tok tok tok

"Cheska? Cheska?" Tawag ko sa kanya pero wala pa ring sumasagot.

Napagdesisyunan kong e try buksan ang pinto. And so lucky or unlucky? Bakit nakabukas at hindi naka lock ang pintuan ni Cheska? Medyo naka awang ng konti yung pintuan nya e.

Binuksan ko ang pinto at dahan dahan akong pumasok sa loob.

Ang dilim at nakapatay ang mga ilaw.

"C-cheska?" Pagtawag ko.

Jusko Lord! Natatakot nako dito. Tinalo ko pa pumasok sa haunted house Neto.

Hinanap ko ang switch ng ilaw at saka ito binuksan. At ngayon ay kumalat na ang liwanag sa sala.

May nakita akong dalawang kwarto.

Pumunta ako sa kwarto na mas malapit sakin.

"C-cheska?" Tawag ko.

Nakapatay din ang ilaw sa loob ng kwarto. Dahil malapit sa pinto ang switch ng ilaw ay nabuksan ko ito.

Kumalat na ang liwanag sa buong kwarto at para akong nanigas sa nakita ko.

Si Cheska...

Balot na balot sya ng kumot at nanginginig pa.

"C-cheska" yun nalang ang nasambit ko.

Nung bumalik na ako sa katinuan ay napatakbo ako palapit Kay cheska at saka ko dinama ang noo nya.

Shocks! Ang init nya. Ang taas ng lagnat nya. Saan ba sya nag gala? Kaya pala hindi sya pumasok kanina kasi nilalagnat sya hindi naman sya nagsabi dapat naagapan agad.

Agad akong pumunta sa may kusina nya at naghanap ng gamot. May mga medicine kit naman pala sya.

Kumuha ako ng maliit na planggana at saka bimpo at maligamgam na Tubig.

Bumalik ako sa kwarto nya. Shocks! Pawis na pawis sya. Kailangan nya nang mapalitan agad. Teka? Mapalitan?, panu?

Naghanap ako ng damit na masusuot nya sa may closet nya.

Napamulat sya ng mata.

"Ni-nicole?" Sabi nya.

"A-ako nga to. Don't worry aalagaan kita" sabi ko sa kanya.

Pumikit ulit sya. Pinunasan ko ang katawan nya at saka ko hinubad ang damit nya para mapunasan ko ng maayos ang katawan.

Pinalitan ko sya ng damit dahil basang basa na ang damit nya ng pawis. Pagkatapos ay pinainom ko na din sya ng gamot.

Pagkatapos nun ay niligpit ko na ang mga gamit na nagamit ko sa pag aalaga sa kanya.

Naupo ako sa tabi nya.

Waaa! Gandang Babae nya talaga. Kaya siguro LabLab ko to. Bukod sa mabait sya sakin pinapakita nya na pa ang pag aalaga sakin from the very start. Haaayst! Kahit sa ganito lang makabawi ako sayo cheska. Kahit sa ganito lang.

Bigla akong napatigil sa pag mumuni muni ko nang bigla akong hilahin at saka niyakap ni Cheska.

Bigla akong naschock at para akong na stroke at Hindi makagalaw.

"Stay with me!" Sabi Ni Cheska.

Hindi ako kumibo.

"Tell me that your not going to leave me." Sabi nya pa.

Hindi pa rin ako kumibo.

"Please tell me you love me." Sabi nya.

O____O

"I-i Love you" sabi ko.

Binitawan nya ako sa pagkakayakap at saka nya hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

Our eyes meet!

Magkalapit na magkalapit na ang mukha naming dalawa.

At doon ko lang na realize na

Amoy alak pala sya.

Shocks! Nakainom pala ang babaeng to. Tsssk! Nilalagnat na nakuha pang uminom. Papatayin nya ba sarili nya? Ano kayang problema nya?

"I LOVE You danica" sabi nya.

What? Ano Daw sabi nya ?

Ang narinig ko lang ay I love you but hindi clear sa pandinig ko yung kasunod na sinabi nya. Pabulong na kasi yung panghuli nyang sinabi.

Nahiga ako sa tabi nya at ngayon ay magkatapat na ang mukha namin.

Ipinikit ko na ang mata. I'm tried! Yeah! Tried .

At dahan dahan ng dumilim ang paningin ko.

Authors note:
Thank you guys sa mga sumagot sa tanong ko sa Bonus chapter . haha. XD Ngayon ko lang nalaman na may mga naghihintay pa pala ng update ko kahit medyo boring na ang story. haha. Thank you po. Kayo talaga ang dahilan. Hehe. MwuuuaLabs you guys. Hehe

This Nerdy Girl is Mine (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ