CHAPTER 27

20.5K 535 28
                                    

Nicole's POV

"Anong ginagawa mo dito sa labas? Andito ka lang pala. Akala ko umalis kana."

Napalingon ako sa babaeng nagsalita. Sino pa ba? Eh di si Kate malamang.

Nakaupo ako ngayon sa isang malaking bato at pinapanuod ang pag alon ng dagat at ang pinapakinggan ang katahimikan na ang tanging maririnig mo lang ay ang paghampas ng tubig sa bato.

Naupo sya sa tabi ko.

"Ang ganda dito." Sabi ko sa kanya.

"Syempre naman. Haha. Pag aari ko kaya ito." Sabi nya na natawa pa. Napatingin ako sa kanya at saka ngumiti. Tapos biglang napatingin sya sa malayo at naging seryoso ang mukha nya. "Well! Thank God na nagustuhan mo sa lugar na ito. Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung saang lugar kita dadalhin para lang makita kitang masaya."

Makita nyang masaya? Pero bakit?

"Bakit gusto mo akong makitang masaya?" Seryosong tanong ko sa kanya.

Napatingin sya sakin at saka nagsabing "Pambawi sa mga pambubully ko sayo. Hahahaha." At saka sya tawa ng tawa. "You must see your face kung gaano ka weird tingnan ang mukha mo kapag sobrang seryoso mo. Hahaha."

-____- Itulak ko kaya ito. Tapos ihulog ko saka ko lunurin -_-.

Pero dahil mabait pa ako. Saka ko sya kinurot sa may tagiliran nya.

"Ouch! Ikaw huh?, Nananantsing ka. Magsabi ka lang sakin. Wala naman tao ngayon oh!" Sabi nya sakin at saka pinataas baba ang dalawang kilay nya na may kapareha pang nakakalokong ngiti.

Hinampas ko sya sa may braso.

"Ouch!" Sabi nya.

Tatayo na ako sana ako para iwan sya nang bigla nyang hinawakan ang kamay ko.

"Don't leave."sabi nya sakin.

Napatingin ako sa kanya. At nakita ko ang mga mata nya na tila nangungusap na wag kong iwanan dito si Kate.

I don't know kung anong force ang nagtulak sakin para maupo ulit sa tabi ni Kate.

Sometimes sa nakikita ko Yung Kate talaga na nakilala ko ang nakikita ko pero kapag nagiging seryoso na sya pakiramdam ko hindi sya yung Kate na nakilala ko.

Napatingin ako kay Kate. Nasa malayo ang tingin nya, sa madilim na part nang dagat.

Kapag sobrang tahimik nya, iisipin mo na marami syang tinatago at marami syang gustong sabihin na hindi nya masabi.

Napatingin sya sakin and smile.

Kapag naman ganitong nakangiti sya, iisipin mo na wala naman syang tinatago na dapat mong ipangamba.

Ngumiti rin ako sa kanya.

Biglang umihip ang hanging at naramdaman ko ang lamig na dala nito.

"Woooh! Lamiiig!", sabi ko at saka ako napahawak sa magkabilang braso ko.

Biglang lumapit sakin si Kate at saka ako niyakap.

Nagulat ako sa ginawa nya at hindi ako makagalaw sa pagkabigla.

"Okay na ba ito?" Tanong nya sakin.

"O-oo" sagot ko sa kanya.

Her hug. It feels so good. I feel safe and warm. Pakiramdam ko walang mangyayaring masama sakin.

"O-okay na ako" sabi ko sa kanya at saka ako bumitaw sa pagkakayakap nya.

Napatingin ako sa kanya at napatingin naman sya sakin.

This Nerdy Girl is Mine (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant