S q u a r e F o r t y - F o u r ( S H E )

952 25 18
                                    

S q u a r e  F o r t y - F o u r  ( S H E )

"Saglit lang. 'Wag kang aalis," sabi ni Cash habang pinaparada ang kotse niya sa pinaka-malapit na Mercury Drugstore.

TAE. MABUTI NA LANG TALAGA. Mabuti na lang at nagsumbong si Jace kay Cash no'ng sinabi kong may balak pa ata 'yung kapatid nilang impakto na kidnapin ako. At mabuti na lang din, naisip agad ni Cash na sa condo niya ako dadalhin kaya nag-abang na siya agad do'n. Kaya naman no'ng magte-text pa lang dapat ako kanina, nabasa ko na agad 'yung text ni Cash na nakikita na raw niya 'yung kotse ni impakto na paparating at bumaba daw agad ako sa oras na i-unlock niya. At ganoon na nga ang ginawa ko. MABUTI NA LANG TALAGA.

"Battery empty na ako, Buko," sabi ni Cash nang ibaba ko ang bintana. Nakalabas na kasi siya at kumatok sa side ko. "Pahiram muna ng phone mo, tatawagan ko lang si Jace. Nagtatanong kasi kung magkasama tayo," sabi niya habang inaabot 'yung phone niya sa'kin.

"4-3-2-1 ang password," sabi ko naman nang iabot ang phone ko.

Mga thirty minutes siguro bago nakabalik si Cash. May dala na siyang isang malaking brown paperbag.

"Inumin mo 'to pagkatapos kumain mamaya," sabi niya sabay abot ng gamot. "Pero kainin mo muna 'to para makainom ka na ng gamot ngayon tapos akin na 'yang right hand mo para malinisan natin 'yung sugat." Inabot naman niyang sunod 'yung isang balot ng Lemon Square Cheesecake at bote ng Vitamilk Double Choco.

"Paano ko iinumin 'to? May tansan pa," pagtataka ko naman.

"Ipukpok mo sa ulo mo para matauhan ka naman," tumatawang sabi ni Cash habang may kinakapa sa bulsa.

Ngumuso lang ako kaya lalo naman siyang natawa. Uulitin ko lang, MABUTI NA LANG TALAGA AT SI CASH ANG NAG-SUNDO SA'KIN.

"Akin na nga 'yan," sabi niya sabay agaw no'ng bote. Pagkabukas, inabot niya ulit sa'kin. Hindi ko rin malaman kung paano niya nagawa 'yon gamit 'yung bakal na pabilog sa keychain niya. Napaka-resourceful.

"Parang ang tagal mo," sabi ko habang kumakain. Maya't-maya din ang inom ko no'ng chocolate, paano, kahit napakasarap ng cheesecake, nakakatuyot naman ng lalamunan.

"Nakikita mo ba 'to? Ang dami ko kayang binili. Lagay mo 'yan dito. Linisin muna natin 'yung sugat mo bago tayo umalis."

"'Di ba pwedeng mamaya na? Kumakain pa ako, e."

"Gusto mo talaga laging pinapatagal 'yung sakit, 'no?" makahulugang tanong ni Cash.

Napailing na lang ako at nilagay sa holder 'yung bote. Medyo humarap ako sa kaniya. Habang hawak 'yung cheesecake sa kaliwa, ginagamot naman ni Cash 'yung kanang kamay ko. Pagkatapos, ang ginamit niyang pambalot, 'yung panyo niyang puti.

"Dadaan tayo sa bahay bago kita ihatid. Naubusan sila ng stock ng gasa, e. 'Yan na lang muna. Malinis naman 'yan. Mahirap na kasi baka ma-infect pa 'yung sugat."

Minsan naiisip ko, ano kaya kung kay Cash ako nagka-gusto? 'Yung struggle ko lang siguro sa kaniya, e, 'yung age difference namin. Bakit kasi kailangang si Eric pa 'yung nandoon no'ng oras na 'yon? Bakit siya pa 'yung tumawid sa riles ng Magsaysay, isang malamig na umaga ng Lunes? Tae. Kung natuloy ako sa Dorja, magdudusa ba ako na kagaya nito ngayon?

"Very good. Pangatlo mo na 'yang cupcake na 'yan. Uminom ka ng tubig tapos gamot," sabi naman ni Cash na pumutol sa pag-iisip ko.

Kagaya nga ng sinabi na ni Cash kanina, dumaan muna kami sa mansyon ng mga Fuentebella para palitan ng gasa 'yung nasa kamay ko. Wala ang buong pamilya niya kaya puro maids lang ang kasama ni Cash.

"Buko, dito ka na kaya kumain? Malapit nang matapos 'yung niluluto nila, e."

Ngumiti naman ako at tumango kay Cash. Naghintay ako sa second living room sa baba habang nagbibihis siya tapos naisip kong tingnan ang phone ko. Wala namang text galing kay Kitkat pero nakita ko sa sent items na may text para kay Jace. Nothing else. Mabuti na lang din at walang missed calls o text ang impaktong 'yon, kundi, bilib na talaga ako sa tigas ng mukha niya. Tae.

Beyond The Square One (BTSO2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now