Babaeng Mental-3: Kanlungan ng isang Anghel

7.4K 347 50
                                    

Copyright © ajeomma
All Rights Reserved



Babaeng Mental-3: Kanlungan ng isang Anghel




Ang bunso ng mga Caballero, patuloy lang sa paglalakad. Hindi nakakaramdam ng ginaw. Hindi nakakaramdam ng pananakit ng mga binti at paa. Animo nasaid ang luha at wala ng maitulo pa.



Sari-sari ang laman ng isipan at isa na ang kagustuhang makalayo at makatakas. Hindi siya dapat makita ng mga monsters na pumatay sa mga magulang, sa kuya at ate niya. Gaya ng mga movies na napapanood nila, lalayo muna siya para magpalakas. Sa malayung-malayo siya pupunta.



Gaya ng mga bida sa mga palabas, babalik siya para hanapin ang mga monsters kapag kaya na niya. Papatayin niya ang mga iyon paglaki niya.



Gaya ng mga bidang inaapi ng mga kontrabida, ng mga good guys na pinahihirapan ng mga bad guys. Magsasanay siya upang magiging malakas.



Siya ang bida sa kasaysayan ng kanyang buhay.



Gaya ng mga napanood niyang anime.



Gaya ng mga compact disc na pinanonood ng kuya niya, ng mga books na binabasa ng ate niya.



Magiging super hero siya, ipagtatanggol niya ang mga naaapi, ang mga weak.



Magkakaroon siya ng super power, lalabanan niya ang masasama.



Naramdaman na niya ang lamig, basang-basa na ang damit niya at short. Hindi siya dapat magkasakit, hindi siya dapat mamatay.



Luminga siya sa paligid. Napangiti siya nang makakita ng mapagtataguan.



Doon madalas magtago ang mga bidang may dugo sa katawan, ang hinahabol ng mga goons o ng mga bad men in uniform.



Hindi siya makikita ng mga may gustong manakit sa kanya kapag sumakay siya doon.



Tama! Doon siya magtatago.



Muli siyang tumingin sa paligid, madilim.


Babaeng MentalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon