Chapter 30

350 11 8
                                    

Kath's POV

It's been 3 days na since lumabas yung viral audio scandal ni DJ. Laman yun ng kahit anong talkshow sa tv, sa lahat ng dyaryo na nababasa ko, at pati na rin sa twitter. Hindi naman mapagkakailang boses nga nya yun, alam ko dahil lubos ko syang mahal. Pero alam kong may maganda syang reason kung pangit ganun ang pinagsasabi nya sa Audio Scandal na yun.

3 days na din na hindi ko sya macontact, kahit sa twitter, IG pati ang kanyang phone ay hindi ko macontact. Pilit din hinihingi ng The Buzz ang kanyang panig, panig ng kanyang pamilya at ng manager nya pero hanggang ngayon tahimik pa din ang kampo nila.

Gusto ko man tawagan or contackin ang kanyang mga kabanda or si tita vii eh natatakot at nahihiya naman ako. Alam ko naman ang limitations ko bilang isang fan. Ang tanging maitutulong ko lang kay DJ ay ang supportahan at paniwalaan sya.

Nakakalungkot man, pero marami syang mga fan na umayaw na sa kanya. Well, ang sakin lang naman ay hindi sila TUNAY NA FAN. Kung sa pagibig ay puppy love lang sila. Hindi naman sila kawalan, hindi kailangan ni DJ ng mga fan na makikitid ang utak at mabilis na bumitaw.

"Bessy, kamusta na? Wala pa din bang balita? Jusko tatlong araw na oh. Tapos na lang ang exam tapos tahimik pa din sya."

"Bessy, siguro nagiisip isip pa din sya ngayon hayaan na muna natin okay? Basta alam kong may maganda syang rason para dun."

"Sa bagay. Mabait naman kasi talaga si DJ. Hayyy, kaimbyerna lang kasi talaga yung ibang mga kunwaring faney na hindi makamove on. Sarap sakalin eh." Sabi ni bessy sakin.

Miski si julia ay naiirita na, sa loob kasi ng tatlong araw. Tatlong araw na din nababash si DJ. May isang artikulo pa ngang lumabas na "Daniel Padilla, hindi magandang huwaraan para sa kabataan". Hindi ko lang din maintindihan na ang isang Daniel Padilla ay isa ding teenager, isang normal na tao sa kabila ng pagiging abnormal ng kanyang trabaho. Isang tao na nagkakamali. Isang pagkakamali ay kung ano ano na ang sinasabi nya kay DJ. Nakakainis!!!

"Oh ikaw bestie? Kamusta ka naman? Daig mo pa yung girlfriend kung makapaginangot ka dyan eh." Natatawang sabi sakin ni Julia.

"Eh kasi naman bestie, 3 days na oh. Wala namang mapapala kung mananahimik lang sya di ba?"

"Bestie. Intindiin mo na lang kasi. Malay mo gusto nyang magself reflect. Di naman kasi natin alam ang totoong nangyari di ba?"

Hanggang sa hapagkainan ay naiisip ko ung sinabi ni julia, tama nga naman sya. Sino ba naman kame para husgahan sya agad.

"Anak palabas naman ng mga basura sa labas oh." sinabi sakin ni mama pagkatapos naming maghapunan.

"Osge po ma."

May isang bahay pa ang layo ng tapunan ng basura dito sa lugar namin, pabalik na ko ng biglang may isang lalaking naka-hoodie na hinigit ako at tinakpan yung bibig ko nung sisigaw na ko.

"Kuya, maawa ka po sakin. Wala po akong pera. Di kame mayaman. Tapos kung rerapein nyo ko, di kayo masasatisfy kasi payat lang ako tapos flat chested pa. Tsaka po nirereserba ko po ang first kiss ko para kay Daniel Padilla. Kuya, parang awa nyo na po sa iba na lang po." Daliang sabi ko habang nakapikit.

Narinig ko namang bahagyang tumawa yung lalaki. Na parang pinipigilan pa.

Dahan dahan ko pang minulat ang mata ko, pero di ko pa nga nakamumukhaan yung lalaki sa sarap ko ng biglang may malakas na tumawa sa likod ng lalaki.

Paglingon ko nandun si Seth, Kats, Lester at JC. Na halos mamatay na sa kakatawa. Anong problema nila? Pagkaharap ko kay kuya, ay isang pamilya na mukha ang nakita ko.

"DJ?!?"

---

Please bear with me as I update my story. Sometimes kasi ayaw ko na syang ituloy. 😔😔

👍🏻 VOTE
👍🏻 COMMENT

Continue voting for KathNiel at pushawards.com
#PushAwardsKathNiels.

- somuchlove 💋💋

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 11, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fan Girl [KathNiel Fan Fiction]Where stories live. Discover now