Chapter 6 - The Hotel Heiress

5.5K 187 44
                                    

Pagkatapos kong ma-late kahapon ay sinabi ko na sa sarili ko na hindi na muna ako iinom, kahit weird at nakaka-stress ang mga pangyayari sa buhay ko nitong mga nakakaraang araw.

Ire-reserve ko na lang sa girl’s night out namin ni Gwen sa Sabado ang pag-inom.
Pagkapasok ko pa lang sa employee's entrance ng Cher Hotel, napansin ko agad ang pagiging abala at tuliro ng mga empleyado. What's all the fuss?

“May VIP daw ngayon, dapat daw magpakitang gilas.” Pagbabalita ni Jean sa iba pa niyang mga kasama  sa Food and Beverage Department.

“Sino raw?” tanong naman sa kanya ni Marilou.

“Bibisita raw sa hotel iyong nag-iisang babaeng anak ni President Pineda,” sagot ni Jean.

“Ang alam ko rin ay mamamalagi na sa Pilipinas ang anak ni President Pineda, nakatapos na kasi ito ng pag-aaral niya sa US. Siya na iyong magiging vice president ng Finance Department ng hotel,” dugtong pa nito.

Kaya pala gustong magpakitang gilas ng lahat, darating pala iyong anak ng may-ari ng hotel. Ang alam ko Cher Louise Pineda ang buong pangalan nito, sa kanya ipinangalan ang hotel. May dalawang anak si President Pineda iyong panganay nitong anak ay si Sir Christopher Pineda-ang Chief Operating Officer ng hotel.

Alas siyente kinse pa lang nang makarating ako sa aking desk. Pagkababa ko ng dala kong shoulder bag ay tumungo muna ako sa opisina nina Millet.

“Friend nabalitaan mo na ba na ngayon daw iyong dating ng anak ni President Pineda rito sa hotel? Tuliro nga ang mga taga F & B kanina roon sa baba.” All ears si Millet habang sinasabi ko iyon sa kanya.

“Narinig ko nga rin, may memo raw ‘yon. Hindi na lang siguro tayo agad na-inform ni Ma'am Geronimo kasi office-base lang naman tayo.”

Napatikhim ako. “Ah gano’n ba? Hindi ba dapat na-inform din tayo agad kasi baka mamaya nakakasabay na pala natin siya sa elevator or something pagkatapos hindi natin siya kilala?”

“Baka magpa-emergency meeting si Ma'am Geronimo mamaya, napi-feel ko 'yon.”

Bandang alas nuwebe ng umaga ay nagpatawag nga ng biglaang meeting si Ma'am Geronimo. Ipinaalam niya sa amin ang tungkol sa office memo ng pagdating ni Cher Pineda sa hotel.
Isang buwan ang itatagal ng kanyang training period dito. Pag-aaralan niya iyong tungkol sa operations and management procedure ng hotel. Pagkatapos ng isang buwan na pamamalagi niya sa hotel ay magpapahinga muna siya ulit ng anim na buwan bago siya ulit magsimula ng pagtatrabaho sa hotel bilang vice president ng Finance Department.

“After ng one month training, magpapahinga pa siya ulit ng six months, hindi niya kaya makalimutan iyong mga mapapag-aralan niya sa training period niya rito sa hotel?” my caustic remark, habang papalabas kami ng conference room.

“Ssh! Bea huwag ka ngang maingay at baka may makarinig sa ‘yo. Unica hija e! Alam mo na baka spoiled,” mariing pagpapaliwanag niya.

Sobrang busy ko ngayong umaga, kailangan ko na kasing maipasa kay Ma'am Geronimo iyong report ko tungkol sa nangyaring meeting namin kasama ang mga taga-Praxis Engineering Firm.

Medyo late na ako nakapag-out para makapag-tanghalian, 12:30 PM na ako nakaalis ng desk ko. Habang papunta ako ng canteen dumaan muna ako kay Jennifer na isa sa mga receptionist ng hotel upang ibigay sa kanya iyong dokumento na ipinapabigay sa kanya ni Ma'am Geronimo kanina.

Pagkabigay ko ng mga files kay Jennifer nagmadali na ako ng lakad papuntang canteen ng hotel. Sa gitna ng aking paglalakad ay nakita ko na pababa ng hagdanan iyong presidente ng Finance Department na si Sir Buenavista, HR Department supervisor na si Ma’am Alejandria at Sir Fernandez-ang General Manager.

Wow, nandito ang lahat halos ng big bosses! Anong mayro’n?

Pagkaraan ay napatingin ako sa gawi ng hotel entrance, may dumating na isang matangkad na babae nasa 5'6” siguro ang height niya, mahaba ang buhok nitong naka mid length curls in medium blonde shade.

Hindi maipagkakailang maganda siya. Singkit ang kanyang mga mata na binagayan ng maputi niyang kutis. Agaw pansin ang tangan niyang Hermes bag. Kitang-kita ang pagka-slim ng katawan niya sa suot niyang mullet skirt na tinernuhan niya ng isang cropped top na halatang parehong designer brands. She accentuated her outfit with Louboutin sandals.

No wonder this girl is rich, filthy rich!

Pansin ko rin na nakasunod sa kanya habang naglalakad ang dalawang lalaki na naka-uniporme ng white polo at black slacks, mukhang mga bodyguards niya ang mga ito. Kasunod naman nila sa kanilang paglalakad ang dalawang bellboy ng hotel na may hila-hilang malalaking luggage bag. Hindi nakaligtas sa paningin ko kung anong brand ng luggage bag na dala nila, it is Louis Vuitton.

Wow, lucky girl!

Agad siyang sinalubong at kinamayan ng mga Cher hotel’s executives pagkapasok niya sa loob.

“Welcome to Cher Hotel Madam Cher Pineda!” sambit  sa kanya ni Ma'am Alejandria.

So she is the hotel heiress...

Got to Get Over YouWhere stories live. Discover now