Rule #3 Worst Choice I

65.7K 2.2K 385
                                    

Katatapos lang po ng Finals namin kaya sobrang natagalan pasensya na :).

LIBRA's POV

"Hindi ka pa ba pupunta sa dining hall? Kakain na." Sabi ko kay Jana. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana at nakayakap sa sarili.

"Wala akong gana." She said.

Natigilan ako sa sinabi niya. Si Jana na inlove sa pagkain, walang gana? Magugunaw na ba ang Underworld?!

"Jana, ngayon na magsisimula ang physical combat training natin." I said. Saglit siyang tumingin sakin at pansin ko ang pangingintab ng pulang mga mata niya.

"I know." Tipid ulit na sagot niya. Ilang araw na siyang ganito. Tahimik at palaging malayo ang iniisip.

"Jana, ano bang nangyayari sayo?"

"Mas mabuti ng wag mong alamin. Wala ka rin namang maitutulong." She said. Natigilan ako sa tinuran niya.

Kailan pa siya naging ganyan kalamig? Inaamin ko medyo nasaktan ako sa sinabi niya, napayuko ako at tumingin sa ibang direksyon.

"Aalis na ko." I said before leaving her.

JANA's POV

"Why can't you understand my point?!" I exclaimed. Yan ang napapala nila sa kakaaral. Nabobobo na sila.

"Jana hindi ka namin maintindihan, why now?" Rose asked.

"Nakita niyo kung ganu kapowerful si Hades, hindi pa sila handa and I can't watch them risk their lives hangga't hindi pa tayo sure na kaya natin si Hades!"

"Your point is pauwiin na tin sila sa Human World?" Lhorraine asked. Tumango ako.

"Delikado yun Jana, not now hindi pa stable ang Underworld." She added. Marahas akong napabuntong hininga.

"Then kailangan nilang mailabas yung elemental weapons sa lalong madaling panahon."

"You can't force that on them. They will pull them out on the Unleashing Time." Daemon said.

"Kailangang mapaaga ang unleashing time."

"So, anong plano mo Jana?" Kristine asked.

Matagal ko itong pinag-isipan pero alam kong ito lang ang natatanging paraan para maisakatuparan nila ng buo ang misyon nila. They need to get rid of distractions.

"We're breaking up with them."

Nagulat sila sa una pero kalauna'y naintindihan din nila ang point ko.

"Nabaliktad na ang sitwasyon natin, we're gonna hurt them to protect them." Malungkot na saad ni Rose.

"Kung kailangan nating magpakamasama para lang ituon nila ang lahat ng oras nila sa pagsasanay gagawin natin. We brought them here, let us face the consequences."

"I-I think I'll be back to Water Kingdom, hindi ko kakayaning makita siya, bibigay lang ako." Kristine sobbed.

"M-me, too. I'm sorry Jana." Rose said. Bakas na bakas ang lungkot sa boses niya.

"I know, ganun ka rin Lhorraine diba? I am with Daemon at kakayanin namin ito." I said. Daemon looked at me and sighed.

Ngumiti siya ng tipid pero may pait. "Nagmature ka na Jana."

"Baliw! Anong tingin mo sakin? Immature?!"

"Gusto mo sagutin ko yan?" He mocked.

"Sasabihan ba natin sina Throne?" Lhorraine asked.

MNMCR 2: DEMONIC RULETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon