Rule #36 Human World 2

40.8K 1.5K 84
                                    

(A/N: Mga anak I need your comments T_T)


"Kami na bahala kay Baby Breeze." Jane took baby Breeze dahil hindi pa kaya ni Bea ang mag-alaga. Nagpapagaling pa siya sa tahi niya. Sina Junea at Briggs naman ang umaasikaso kay Baby Zabrine. 


"Aigoo... Ang ganda-ganda naman ng baby, manang-mana kay Tita." Junea grinned as she caressed the baby's face. 


"Naku wag ka nga! Magmumukha siyang monster kapag sayo nagmana!" Briggs spat. 


"Kung wala lang akong kargang baby kanina pa kita binugbog Briggs." Junea rolled her eyes at him. 


"Ng halik?" Briggs winked. 


"Please lang Briggs! Lumayo-layo ka!!" Junea shouted at him. 


"Ako na lang diyan sa baby..." Jheraine took baby Zabrine dahil umiiyak na ito sa kaingayan ni Junea at Briggs na ngayo'y nagwrewrestling na. 


"Anong oras daw makakarating si Rion?" Jane asked Jheraine. 


"H-Hindi ko alam eh, hindi siya umuwi kagabi." Jheraine bit her lower lip and sighed. 


"Baka sobrang busy lang siya, wag kang mag-alala." Vixen smiled at Jheraine. And Jheraine smiled back. 


"Kumain muna kayo, nakapagluto na ko. Ako na bahala sa kambal." Zee said as he removed his apron. 


"Okay lang Zee, andami mo ng ginagawa. You clean, you cook.. Magpahinga ka na lang." Briggs tapped Zee's shoulder. 


"Thanks bro, dalhan ko na lang ng pagkain si Bea, kumain na rin kayo." He sighed. Zee looks very stress out and tired pero bakas pa rin ang tuwa sa mga mata niya. He's just 18, nangangapa pa sila but still they are happy. 


"Ilagay muna natin sila sa stroller." Jheraine suggested. They gave feeding bottles to the babies habang kumakain sila at nagkwekwentuhan. 


"Magpractice ka na Jhe, ikaw na susunod." Junea teased Jheraine, who immediately rolled her eyes at her. 


"Baka nga mauna pa tayo." Briggs told Junea na agad namang nakatanggap ng malalakas na hampas mula kay Junea. 


"Hahaha tumigil ka nga! Kumakain ako baliw!" Briggs laughed wholeheartedly. 


"Ang weird mo kasing mag-isip!" Junea spat. Her cheeks are burning red at feeling niya pulang-pula na siya ngayon. 


"Wag kayong mag-away sa harap ng pagkain at mga bata." Saway ni Jane sa kanila. Napanguso na lang si Junea habang ngingiti-ngiti sa gilid si Briggs. 


"Kumain ka rin ng marami, konti na lang naman kinakain mo." Puna ni Vixen kay Jane.


"Tataba na ko niyan, you kept on feeding me." Jane said. 

MNMCR 2: DEMONIC RULETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon