Prologue

530 22 0
                                    

"Eduardo, pakinggan mo naman ako! Wala kaming relasyon ng kapatid mo. Kaibigan ko siya kaya pumayag akong sumama sa kanya dahil sabi niya na may problema siya sa mama mo, sa sarili niya at pati sayo. Sumama ako dahil kaibigan ko siya na kapatid mo. Hindi ko inaasahang hahalikan niya ako. Agad ko din siyang nilayo.. Maniwala ka sakin!" Nagmamakaawa kong pakiusap kay Eduardo habang hinahabol ko siya pababa sa parking area ng Buena Mines Corporation na kanilang kumpanya.

"Amor please. I don't want to hear more lies from you. I had enough lies sayo pa mismo nanggagaling.. Tama na to!" Parang tinutusok ng napaka-laking karayom ang puso ko hindi ko malaman kung bakit naging ganito na lamang ang nangyari sa relasyon namin. Namumuong luha ang nakikita ko sa gilid ng mga mata ni Eduardo. Mahal na mahal ko si Eduardo. Wala akong ginagawang masama. Ang nais ko lang naman ay pakinggan niya tong eksplanasyon ko.

"Parang awa mo na Eduardo, alam mong hindi ko magagawa yung mga paratang mo sakin. Mahal na mahal kita! Nangako ako sa'yo na ikaw lang ang iibigin ko hanggang sa kaya ko pang mabuhay. Ikaw lang ang lalaking mahal ko at mamahalin ko. Kahit magkaharap-harap pa tayo nila Diego patutunayan ko sa'yo na wala akong ginagawang masama parang awa mo na Eduardo..." Kahit mag-mukha pa akong tanga sa mga nakakakita sakin ay wala na akong pakielam.

"Lasing ka. Kayong dalawa ni Diego ang magkasama. Sabi mo kaibigan mo siya. O kaya nga may nangyari sa inyo! May relasyon kayo! Sinong gusto mong paniwalaan ko? Ikaw? You want me to trust you kaysa sa kapatid ko na kasa-kasama ko sa buong buhay ko? At ikaw... Amor.. Sandaling panahon lang tayo nagkasama. Kaya please. Stop this!! Ayoko na sayo!!! What do you want?? Is it the money? Kaya pati kapatid ko nilalandi mo?" Okay sobra na to. Isang malakas na sampal ang binitawan ko kay Eduardo. Kung gaano kasakit ang sampal na iyon ay hindi ko na alam. Okay lang sana kung wala siyang tiwala sakin maiintindihan ko pero kung paratangan niya ako ng hindi ko naman intensyon una palang lalo na kapag tungkol sa pera ay hinding hindi na ako magpapatalo. Hindi ko na kinakaya ang nararamdaman ko.. Halong sakit, galit, lungkot at sakit ng palad sa pagkasampal ko sa lalaking hinusgahan ang buong pagkatao ko... Kung sino pa ang nasa huling listahan ko ng mga taong huhusga sa akin. Ay siyang una nito. Sobrang sakit. Siya naman ay dali daling sumakay sa kanyang sasakyan at mabilisang pinaandar ito. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong pakiramdam. Ngayon lang ako nasaktan ng sobra. Sa lalaking mahal na mahal ko pa..

Inamorata (The Woman I love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon