Chapter 9: Just The 3 Of Us (Part 3)

1.2K 39 0
                                    

~Sophia's Point of View~

Is that a dream? I don't know...

Para kasing nangyari pero parang hindi...

*Kringgg!* *Kringgg!*

Anak ng chingchangsue! Sarap sarap na ng tulog ko eh. Bagot kong kinapa  sa may side table ko yung alarm clock kaso pagkatingin ko hindi naman pala iyon yung tumutunog.

Kaya napabangon nalang ako habang nakapikit dahil sa ingay ba naman ng phone ko na may tumatawag na hindi ko alam kung sino.

Kinuha ko nalang at pinindot ang answer button ng hindi ko tinitingnan kung sino yung tumawag.

"Hello..." garalgal yung boses ko.

[SOPHIEEEEE!!!] - yung baliw kong kaibigan na walang iba kundi si Chelsea.

"Usong hinaan yung boses nuh?" masungit kong tugon sa kanya.

[Ayyyy!!! Hehehe... Sarey] napairap nalang ako kahit na hindi niya ako nakikita.

"Kailangan mo?" tipid kong sabi.

[Kasi eh... Si bryan, huhuhu! NAGBREAK NA KAMI! AHUHUHU!!] nilayo ko sa tenga ko yung phone ko dahil ba naman sa kaingayan nitong kausap ko.

"Ano? Bakit?" kako.

[Eh kasi, maayos naman kami noon kaso. Kaso nung isang araw inaya ko siyang magdinner kami sa labas. Eh may work pa kasi siyang tinatapos, tapos ayun... Kinulit ko siya ng kinulit kaya nakipag hiwalay siya sakin... Huhuhu!]

Yung kaibigan mong childish makapag react alam niyo yun? Hay nako. Ilang beses na ba nila yang break uo tapos ilang araw din ay magkakabalikan na yang dalawa na yan.

"Ewan ko sayo, ikaw kasi may kasalanan. Nakita mo na kasing may ginagawa yung tao inaabala mo" pagsesermon ko.

Totoo naman, siya ang unang gumagawa ng gulo at siya din ang nakikipag bati. Ayus ba? Ewan ko din sa pinsan ko na yun kung papaano niya natatagalan yung ugaling lukaret nitong si Chelsea.

Mahigit isang oras din kaming nag kuwentuhan about random stuffs. Kinuwento ko din sa kanya yung mga nangyayari dito ngayon.

Nagpaalam na ako sa kanya na bababa na ako at kakain na ng umagahan na isinang ayunan naman niya. Pinatay ko na ang tawag at bumaba na papuntang kusina.

"C'mon Mae, join us" ngiting bungad sa kanya ni Chris pagkapasok na pagkapasok niya sa dining room.

Tahimik lang silang kumakain at nababasag lang katahimikan sa kanila kapag nagtatanong lang si Chris na kung ano ano.

"Meserep ang pegkein na itow" pffft.... Natatawa nalang ako ng palihim habang kumakain.

Tinanong niya kasi kung ano tagalog ng 'this food is delicious' kaso yung accent niya. Hahaha!

Nakita ko din pati si Terrence ay nakikita kong kumukurba ng kaunti ang bibig niya na akala mo'y nagpipigil ng tawa.

"Am i right? Tomo ekow"

Wahahahah! Baka hindi na ako makapag pigil at mabuga ki nalang ito sa mukha ni Terrence ng wala sa oras.

"Shutup Chris" inirapan ko siya at tinaasan ng kilay. Nagporma naman siya na akala mo ay nag zipper ng bibig.

"Copy"

Natapos kaming kumain at napag desisyunan naming lumabas at maglakwatsa as usual.

Namili din kami ng mga souvenir para sa kanila. Siyempre para din sakin bumili din ako kasi hindi ko din alam kung kailan ako makakabalik dito sa mala paraisong lugar na ito. Hayyy...

"Magkano po ito?" sabay turo ko sa isang hair clip. Ang ganda kasi ng design niya. Bagay sakin, hahaha! Charot.

"Sige po libre nalang po para sa inyo" sabay abot sakin ng matandang babae yung tinuro kong hair clip.

"Talaga po? Marami pong salamat" nagpaalam na ako at dumiretso sa kinaroroonan nila Chris na namimili lang kami dito sa may mini market.

"Tara na?" aya ko sa kanila.

Tumango nalang sila at sumunod na sa akin. Nag bike nalang kami pabalik sa resthouse.

***

~Third Person's View~

Bored na bored si Sophia habang palipat lipat niya ang channel ng TV dito sa kanyang kwarto habang siya naman ay nakaupo sa kanyang kama at nakasandal dito.

Nakapangalumbaba pa nga siya habang yakap yakap ang unan niya. Wala kasi siyang mapiling channel na mapapanuod. Wala siyang ni isa ang gusto.

Una, puro tungkol sa history ang nakikita niya. Ikalawa, hindi naman siya bata para manuod ng mga cartoons. At higit sa lahat, ayaw niyang nanunuod ng mga balita.

Puro kadalasan kasi pampa Bad Vibes lang ang makukuha mo diyan.

Ililipat na sana niya yung channel ng mapahinto siya sa nakalap niyang balita.

"Magandang gabi po sa inyo mga kapamilya. Sa ngayon po ay makakaranas tayo ng malalakas na pagbugso ng ulan sa may bahagi ng hilagang Luzon. Ang lahat po ay mag ingat dahil sa lakas ng ulan at hangin na dala nito. Payo ko lang po na huwag ng lumabas ngayong gabi dahil sigurodang sa may bandang batanes po ay tatama ang mata ng bagyo. At sa lahat din po na mga karatig na lugar malapit sa batanes... Blah blah blah"

Pinatay niya na ang TV at sinimulang lumabas ng kwarto niya. Nag dire diretso siya sa sala at nakita niya ang dalawa na tutok at seryosong seryoso sa paglalaro ng chess habang kumakain ng kornik.

"Checkmate" nagkamot ng noo si Chris at pagkatapos naman nun ay nag focus ulit sa paglalaro.

"Sali ako" napatingin sila Chris sa kanya at umupo ito sa harapan nilang sofa. Bale, patriangle sila. Ganun.

"If you want to eat, meron na dun" biglang sabi ni Terrence na ikinatango nalang ni Sophia.

"Chris..." niyugyog niya sa balikat si Chris pero tinaasan lang siya nito ng kilay habang naka pokus ang tingin nito sa pag chechess.

"What?"

"Buy me an Ice Cream please..." tiningnan lang siya nito at nag pokus ulit sa chess board.

"Later, we'll just finish this first"

nagsalubong na ang kilay ni Sophia tiningnan ng nakakatakot si Chris. Habang ang isa naman diyan ay palihim lang silang tinitingnan.

"Okay, okay" nagtaas pa ng dalawang kamay si Chris sa harapan niya at nagsasabing sumusuko na siya kaya napa ngisi nalang siya.

"Oreo ha!" sigaw pa niya dito habang papalabas ito na ikinatango lang nito bilang sagot.

Magsasaya na sana siya kaso nakita naman niya si Terrence na nakatingin sa kanya. Problema nito?

"H-huwag ka ngang tumingin sakin!" tinakpan niya ang mukha niya na ikinangisi nito at nag crossed arms.

Ughhh!!! Pinagsisihan ko ng nagpaiwan pa ako dito. Kasama lang ang loko loko kong PINSAN.

***

Chapter 9 End.

A/N: Buang na buang na ako dahil di ko alam uunahin kung ano gagawin ko. Eto pa, sumabay pa sa problema ko. Hindi ito nasave at 16 worda nalang ang natira kanina. Kinarera ko lang ito for my readers. Kaway kaway kayo diyan! Nakow magrereview na ako for long quizzes... Holahola~

Together With My Ex Fiancé (Completed) MCSF Book 2 #Wattys2019 Where stories live. Discover now