Chapter 20: Answers

651 20 3
                                    

~Terrence's Point of View~

Simula pagkadating ko dito sa mansyon ang bigat ng pakiramdam ko. Siguro heto na yung sintomas nun.

Dapat sana ay hating gabi na ako uuwi ang kaso nagpumilit sila na pauwiin ako dahil sa namumutla daw ako.

Isa pang sintomas yung palagi kong pagduduwal. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa sarili ko, pati sarili ko napapabayaan ko na.

Tapos pagkadating nila Phia dito sa mansyon isa pang nakakasakit na loob na scenario yung nakita ko kasunod nun ang pag aaway namin dun sa may kusina.

Hindi ko namang intensiyong awayin siya at ang sinisisi ko ang sarili ko kung bakit ko siya natulak.

Sumasakit na ang ulo ko sa mga nangyayari sakin, hindi ko alam kung matatapos ba ba 'to.

Matapos nun ay napagdesisyunan ko nalang na umakyat sa kwarto ko at dumiretso sa CR para magbabad. Siguro baka mawala yung nararamdaman ko.

Kaso lalo palang lumala. Minsan nakakagago din dahil sarili kong katawan hindi ko magamot, tinuringan pa naman akong isa sa magagaling na doktor sa pinas.

Wala ako sa sariling uminom ng gamot at agad na humiga sa kama ko. Lalo pa tuloy lumala dahil parang lumilindol ang paningin ko.

"F*ck!" nagtalukbong nalang ako ng unan at sinimulan ko na ding ipikit ang mga mata ko.

Alam ko sa sarili ko na inaapoy na ako ng lagnat kaya ganto nalang ang nararamdaman kong sakit.

Nag presenta akong matulog dahil narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

Naramdaman kong umupo siya sa may dulo ng kama ko at bumuntong hininga.

"Terrence..."

Si Phia.

Itinuloy ko ang plano kong magtulog tulugan. Wala akong balak ipaalam sa kanya na gising ako ngayon kahit kinokonsensya na akong mag sorry sa kanya dahil sa naggawa ko kanina.

"Alam mo, napakasama mo..." base sa kanyang boses ay parang papaiyak na siya.

Teka, umiiyak ba siya?

"Lagi ka nalang ganyan..."

Kasabay nun ang lalong pagsama ng pakiramdam ko. Lintik na! Pati ito nakikisabay pa.

"Hindi mo man lang muna pinakikinggan yung sagot ko, kasi pinangungunahan mo pa ko..." narinig ko siyang suminghot at pinagpatuloy niya ulit ang pagsasalita niya.

"Inaalala ko lang naman yung nararamdaman mo, kasi mahirap sakin yung nakikita kang nahihirapan..."

Wait, what did she say?

"Hindi ko naman gustong makipag sagutan sayo kanina, kaso napuno na ako alam mo yun..."

Nararamdaman ko sa sarili ko na biglang bumilis ang tibok ng puso nun kasabay nun ang malalim na paghinga ko.

Tangna naman!

"Sorry kung may nasabi ako kanina, siguro dahil lang yun sa galit ko, tulog ka naman siguro nuh? May gusto sana akong sabihin..."

Pinipilit kong umakto na parang natutulog kahit na hirap na hirap na akong huminga.

"Ang totoo niyan ay hanggang ngayon---" naputol ang pagsasalita niya dahil hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko.

"P-phia..." kapos kong tawag sa kanya.

Tinanggal ko na ang pagkakatabing ng unan sa ulo ko at hinawakan ang dibdib kong sumasakit na.

"T-terrence? G-gising ka?"di ko siya pinansin at nanlaki naman ang mata niya ng makita ko ang kalagayan ko.

"T-terrence! Anong nangyayari sayo?" taranta niyang sabi at hinawakan niya ang noo ko.

"Sh*t! CHRIS HELP US! SOMEBODY HELP US!" bigla nalang bumukas ang pintuan at iniluwa nun ang mga maids at si Chris.

"IS ANYTHING WRONG MAE?!?" taranta namang sigaw ni Chris.

"CHRIS, HELP ME. NO BUTS. BUHATIN MO SIYA, NOW!" kahit na nanlalabo na ang mata ko ay pinilit ko pa ding pakinggan ang mga nagyayari sa paligid ko.

"KUYA JUN, WHERE'S THE CAR KEYS?" agad namang binigay ni kuya Jun ang susi kay Phia at dumiretso an kami sa sasakyan.

Huwag mong sabihing siya ang magdadrive?

***

~Sophia's Point of View~

Letche plan!

Tarantang taranta na kami dito sa buong mansyon habang tinutulungan nilang alalayan si Terrence na pasan pasan naman sa likod ni Chris.

Matapos kong sumigaw na ibigay sakin yung susi ng kotse ay mabilis kaming bumaba.

Ipinasok nila si Terrence sa may passenger seat at umupo din dun sa likudan si Chris na siya namang nag aalalay dito.

No choice, ako magdadrive.

Hindi sa ayaw kong magdrive pero buhay ni Terrence ang nakasalalay dito. Natatakot ako na baka ako ang maging dahilan para hindi siya umabot sa hospital.

"Mae, i'll drive you can seat here!"

"No, diyan nalang kayo"

No time na tutal ka nian pa nakabukas yung gate ay agad kong pinaharurot.

Oo kaskasera na kung kaskasera kasi naman, nanganganib ngayon ang buhay ni Terrence at ayoko namang biguin sila.

"Dahan dahan" mahinang sabi ni Chris.

Peri di ko siya sinunod at mas lalo ko pang bilisan 'to. Bahala na kung mahuli eh may nanganganib namang buhay ang kasama namin.

Tapos yung mga nasa unahan kong kotse ay inoovertakan ko na. Oo ngayon lang ako sa tanang buhay ko na maging masyadong kaskasera sa daan. Medyo pala.

"Slow down!" rinig kong pag aalala ni Chris. Papaano ako magsslow down kung ganito yung nangyayari.

Agad kaming nakapunta sa may hospital, may nakakita sa amin kaya binuhat na siya at inihiga sa may kama.

"Ma'am, sir hanggang dito nalang po tayo. Kami na po ang bahala sa kanya" sabi nung isang nurse bago siya punasok sa loob na ganun din ang ginawa ng iba.

Nasapo ko nalang ang noo ko at umupo sa may waiting area. Sa sobrang takot ko na baka kung anong mangyari sa kanya ay bumagsak nalang yung luha ko ng di ko namamalayan.

"Hey... It's okay"

Tumabi sakin si Chris at pinakalma ako ng kanyang yakap. Niyakap ko din siya dahil natatakot ako.

"Ssshhh... He will be fine"

Ilang minuto din kaming ganun ang posisyon hanggang sa tumahan na ako. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko pero napapagaan niya ang loob ko.

Habang nakayuko ako ay may nakita akong dalawang pares ng mga paa ng babae dahil nakatakong ito. Inangat ko ang tingin ko sa taong nasa harapan ko.

Si ate Rave lang pala.

"Ate..." mahinang tawag ko sa kanya.

Tumayo ako at hinarap siya. Kita ko sa mata niya ang lungkot na nararamdaman din niya.

"Kailangan mo 'tong malaman..."

Kumunot ang noo ko. Aning kailangan konh malaman?

"W-what do you mean ate?"

"Malalaman mo yan sa may sulat na binigay ko sayo nung nakaraan..."

Ano ba talaga ang nakalagay sa sobre na yun?

***

Chapter 20 End.

A/N: Sa totoo lang guys di pa ako makapili if gagawin kong happy ending or tragic eh. Hmmm... Ano kaya? Kailangan ko ng opinyon niyo eh, just comment down and give me your answer and also a valid reason why gusto mo ito ang dapat na gawin kong ending. Yun lang, ciao~

Together With My Ex Fiancé (Completed) MCSF Book 2 #Wattys2019 Donde viven las historias. Descúbrelo ahora