Chapter 34: Problems

200 6 1
                                    

Reiner's POV

Nagpababa ako sa harap ng village namin at naglakad na lang hanggang sa bahay. Hawak hawak ko ang labi ko habang naglalakad ako, patuloy pa rin kasi ito sa pagdugo.

"Aishhh ..." Ang hapdi. Ano naman kasing kaya ko sa mga dambuhalang lalaking yon?

"Bestfriend!" Bigla akong napatingin sa taas ng marinig ko ang boses niya. Nakita ko siyang kumakaway sa akin na nakangiti.

Isang bahay na lang makakauwi na ko e! Anong sasabihin kong dahilan kapag tinanong niya mga sugat ko???

Isip isip..

"Ahh.. Teff.." Nginitian ko siya pagkatapos. Nakita kong tumakbo siya pabalik ng kwarto niya.

Siguradong bababa yun. Umupo muna ko sa harap ng gate nila at hinintay siya.

Buti na lang talaga at hindi ako nagkablack eye.

Napakamanhid talaga ni Tiffany. Tsk. Kung hindi mo sasabihin sa kanya hindi niya talaga malalaman, di man lang kasi marunong makiramdam yun e. Kaya nga hanggang ngayon wala pa siyang kaalam alam sa mga nangyayari. Dapat ko na bang sabihin sa kanya ang real Cheska na nakilala niya?

Tsk! Maski kasi ako gulat na gulat pa rin sa mga nalaman ko about kay France e. Hindi ko talaga akalaing kaya niyang manampal ng ganun, ng walang dahilan. Kasalanan ko 'to. Aminado naman ako doon. Kung hindi sana ako sa kanya nainlove siguro hanggang ngayon okay pa ang bestfriend ko.

"Ren.." Tumingala ako para makita siya.

Biglang kumunot ang noo niya ng makita ako kaya umupo na rin siya sa tabi ko. Hinawakan niya ang mukha ko at chineck ito.

"Ar--aray.."

"Gosh Reiner.. what happened to you?" Halata sa boses niya ang pag aalala habang sinasabi niya yun.

Anong sasabihin ko ngayon??

"Hmm.. Napagtripan lang kanina sa school?" Pagsisinungaling ko. Hay ang dami ko ng kasinungalingang sinabi sayo.

"Really? Who did that to you?" Nakasimangot niyang tanong. Tiningnan niya rin pati mga galos ko sa braso.

"Ar--aray, aray. Tsk." Ang sakit ng pagkakahawak niya.

"Ehh. Sorry sorry.. Pasok ka muna." Wala na kong nagawa kundi ang sumunod na lang sa kanya.

Nadatnan namin si Carl na nakaupo sa may harap ng door nila Tiffany. May 3 steps stairs kasi sila bago makapasok sa loob at doon siya nakaupo ngayon habang naglalaptop.

"Ang panget niya noh?" Bulong sakin ni Tiffany nung madaanan namin siya.

Ni hindi man lang nga kami pinansin e. Kakaiba rin minsan tong si Carl.

Naging bestfriend ko lang siya nung nakipaglaban kami ng basketball sa Ridge Academy kung saan siya nag aaral. Ewan, nung grade 5 pa yata kami non. And then after non lagi na kaming naglalaro or naglalaban ng dota hanggang ngayon. Player siya ng basketball dati pero mas hilig na niya ang badminton ngayon. Pabago bago isip e.

Papasok na sana kami sa loob kaya lang itong si Tiffany makulit talaga, bumalik siya sa kinauupuan ni Carl at sinilip niya yung laptop nito.

Nakangiti ako habang pinagmamasdan siyang inaasar si Carl. Napansin siya ni Carl kaya agad niyang isinara ang laptop niya at sinamaan ng tingin ang bestfriend ko. Nahanap mo na ang katapat mo Teff.

"Shhh.." Tumalikod siya kay Carl at nagpatuloy na sa pagpasok sa bahay. Iniwan pa ko. Sumunod na rin ako sa kanya at umupo muna sa may sofa.

Dumating siyang may hawak na bowl na may yelo at ice bag. Umupo siya sa tabi ko at humarap sakin. Tinuro niya ng nakanguso yung bowl ng yelo.

Alam na! Kinuha ko yung yelo at inilagay sa loob ng ice bag at dinampi dampi ko yun sa may gilid ng labi ko at sa mga pasa ko. Habang ginagawa ko yun kinakausap niya ko. Ganyan si bestfriend, kung may sugat or tama ka hindi ka niya gagamutin. Dapat ikaw mismo ang gumamot sa sarili mo. Alam ko yun kasi bestfriend ko siya. I know her more than anyone else.

"Now, would you mind telling me if saan mo nakuha yan?" Nakacrossed arm niyang tanong sakin.

"Aray aray.. shhh.. Napagtripan nga lang ako kanina."

"Sure?"

I nodded as an answer. Ang hirap kaya magsalita. Ang sakit ng labi ko kapag binubuka ko yung bibig ko.

Narinig naming bumukas yung pinto kaya naman napatingin kami doon. Si Carl pala.

Dirediretso lang siyang umakyat sa taas at hindi kami pinansin.

"You know nakakainis yang si Sean.. Palibhasa kasi piris siya e." Nakapout niyang sabi.

Natapos ko ng gamutin ang mga sugat ko kaya naman sumandal muna ko sa sofa at tumingin sa ceiling.

"Piris?"

"He looks like a piris.. haha" Alam kong nakangiti siya kahit na hindi ko pa yun nakikita. Nakakatuwa namang isipin na nakakaya na niyang ngumiti ng hindi si Samuel ang dahilan. It's a relief from me, at least hindi na siya masyadong malungkot.

"Sira ka talaga Teff," tumawa ng kaunti.

"Imagine? Yung isang Sean Carl Perez takot sa piris? Haha Ay wait, Perez Piris? Perez Piris?" Tiningnan ko siya habang sinasabi yon. Nakatingin lang siya sa mga daliri niya na para siyang nagbibilang at pagkatapos ay paulit ulit na sinasabi yung Perez Piris. Nakasimangot pa siya nung sinasabi yun.

"Perez Piris? Perez Piris?" Tumingin siya sakin at ngumiti na para bang may bright idea na naisip

"Perez Piris? Magkarhyme yun diba bestfriend?"

"Perez piris, Perez piris.."

Nakarinig kami ng kung anong pagbagsak.

"Ay piris!"

Parehas kaming nagulat sa narinig namin. Nanggaling yung tunog sa may stairs kaya agad kaming napatayo.

"Oh my gawd Sean!" Gulat na sabi ni Tiffany ng makita niya kung ano ang nahulog.

Nahulog yung phone niya at nagkalasog lasog ito. Pero sa tingin ko sinasadya niya yun.

Pinuntahan ko siya at tinapik sa may balikat.. Nakatingin lang samin si Tiffany ngayon.

"Brad anong problema?" Napaclosefist pa siya at alam kong anytime pwede na siyang sumabog. Napatingin siya kay Tiffany pero hindi niya ito pinasin, nakita ko ring unti unti na ring nawawala ang naka close fist niya.

"Sorry, next time ko na lang sasabihin," sabi niya at isa isang pinulot yung nagkalasog lasog na phone.

Tumayo rin siya pagkatapos at lumabas na rin ng bahay. Hindi ko alam kung ano ang problema pero alam kong malaki yun at ayaw niya na merong may makialam sa kanya. Ayaw niya kasi ng may nangingialam ang gusto lang niya is siya ang magresolba ng problema niya at 'yun ang isang ugali niya na ayaw ko.

Bumalik ako kung saan ako nakaupo kanina at agad naman akong pinaulanan ng tanong ni Tiffany..

"Anyare sa kanya?" Nagshrug lang ako ng balikat bilang sagot.

Napatingin na lang siya sa pintuan kung saan lumabas si Carl kanina na para bang curious na curious kung ano ang nangyari.

Kinaway kaway ko ang kamay ko sa kanya para mapansin niyang nandito pa ko.

"Baka matunaw yung pintuan." Hinampas niya ko sa braso pagkatapos kong sabihin yun.

"Aray.."

"Ay ay sorry." tapos ay hinimas himas pa niya yung hinampas niya sakin kanina..

"Teff!" Napatingin kami sa may pintuan at nakita namin siya na parang nagmamadali.
-

Tricia's POV

"Hello Sam?"

(Ate..Si kuya..)

"Wait wait wait.. Are you crying?"
-

TOO LATE (COMPLETED)Where stories live. Discover now