CHAPTER 2

1.4M 33.1K 7.6K
                                    

CHAPTER 2

MASAKIT ANG ULO ni Lash dahil sa hangover. Hindi alam ng lahat ng nasa mansiyon na nang sumapit ang hatinggabi, lumabas siya sa kanyang kuwarto at nagtungo sa bar na nasa second floor ng bahay. And there, he had drunkhimself until he passed out.

Two hours before sunrise, Lash woke up and dragged himself to his room.

And now, at exactly— tumingin siya sa orasan na nasa bedside table niya— eleven o'clock in the morning, he was awake and could feel the grumpiness radiating around his body.

Sana lang ay walang kumausap sa kanya ngayon. Dahil siguradong masisigawan niya kung sino man iyon.

Lash lazily dragged himself to the kitchen. Nang makapasok siya roon, agad niyang nakita si Nay Helen, ang mayordoma ng mansiyon. At the age of sixty-seven, malakas pa rin ito.

"Sir Lash." Nginitian siya ng mayordoma at agad na naglapag ng isang basong tubig at Advil sa mesa. "Kumain na ang daddy at si Tita Elspeth n'yo. Si Sir Lath naman ay hindi pa po nagigising dahil sa kalasingan."

He nodded silently and sat on the empty chair, facing the table. Kinuha niya ang isang basong tubig at Advil, saka ininom iyon.

His head throbbed. "Fuck!" Sinapo niya ang ulo na sobrang sakit.

Fuck! Please, Advil, work your magic, Lash pleaded in silence. Bakit naman kasi napagdesisyunan niyang laklakin lahat ng alak sa bar kagabi?

Bullshit.

Tatayo sana siya para magtungo sa kuwarto niya nang manuot sa ilong niya ang pamilya na pabango ni Nez. He would never forget that smell.

Such a FlirtA Victoria's Secret Perfume.

Pasimple siyang bumaling sa pinanggagalingan ng amoy. Two meters away from him stood Nez. Yakap nito ang sarili habang nag-aalalang nakatingin sa kanya. No, hindi ito nag-aalala, may pangamba sa mga mata nito.

Nangangamba itong baka sigawan niya o awayin katulad ng dati.

Sinipa ni Lash ang paa ng silya na nasa kanan niya. Gumawa iyon ng masakit sa taingang ingay. "Upo ka."

Walang imik na umupo naman si Nez. "Good morning po, Nay Helen," magiliw na bati nito sa mayordoma. "Kumusta po ang tulog n'yo?"

Ako, hindi mo kukumustahin? Gustong kutusan ni Lash ang sarili. Yeah, right. As if Nez would care what happened as he dozed off like a drunkard.

"Mahimbing akong nakatulog kagabi, Ma'am Nez," tugon ni Nay Helen. "Ihahanda ko na ba ang agahan n'yo?"

Nakita ni Lash mula sa gilid ng mga mata niya na tumango si Nez. Siya naman ay nakatitig lang sa baso na may lamang kalahating tubig. He looked at the glass like it had the answer to every problem he got.

Bigla siyang nag-angat ng tingin nang may inilapag na pinggan na puno ng pagkain si Nay Helen sa harap niya.

"Ano'ng gagawin ko riyan?" tanong niya sa mayordoma habang magkasubong ang mga kilay.

Tinaasan siya ng kilay si Nay Helen. "Kumain ka na. Alam kong hindi ka kakain mamaya kasabay ang daddy mo. Hindi na ako magtaka kung bigla ka na lang mawala, at sa susunod na linggo ka na naman magpakita."

Bumuntong-hininga si Lash, saka nagsimulang kainin ang agahan na inilapag ni Nay Helen sa harap niya. From the corner of his eyes, he could see Nez silently eating her food.

Lash rolled his tongue over his dry lips. "Nez."

Agad itong nag-angat ng tingin at nagtama ang mga mata nila. His breathing was caught on his throat. Damn. Her coffee-colored eyes... they had never stopped stealing his breath away.

POSSESSIVE 9: Lash ColemanWhere stories live. Discover now