XX

154K 2.6K 101
                                    

XX

*HARRA

Maaga akong nagising dahil excited ako. Excited ako ngayong araw na 'to. This is a special day. Nakangiti akong bumaba papuntang kusina. Gusto kong ako ang maghahain ng almusal ngayon. Tapos kapag gising na si Neien ay dadaanan muna namin si Yul. Gusto ko siyang makita ngayon kahit na kakabisita ko lang sa kanya kahapon.Sigurado akong masayang-masaya din siya katulad ko. Pagdating ko sa kusina ay nandun na ang personal chef ni Neien. Nakakahiya, dire-diretso pa naman akong pumasok sa loob.

"Good morning. May ipapaluto ka ba Ms. Harra?" tanong sa 'kin ng personal chef ni Neien.

"U-Uhm.. gusto ko sana magluto pero nagluluto ka na pala. Wag na lang." nahihiya kong tugon sa kanya. Binitiwan naman agad niya yung spatula na hawak niya at lumapit sa 'kin.

"Oh! No. Hindi ako nagluluto. Naglalaro lang ako." Natatawang sagot niya sa 'kin.

"H-ha?" napatanga naman ako sa kanya. Sinong matinong tao ang gigising ng maaga para lang maglaro sa kusina?

"I mean... nage-experiment ako ng bagong recipe. Halika magluto tayo!" masiglang sabi niya at hinila ako palapit sa counter kung saan nakalatag ang mga ingredients.

"H-Hindi ba kita naistorbo?" alanganing tanong ko sa kanya.

"Gumising ka ng maaga at mambubulabog sa kusina tapos magtatanong ka kung nakakaistorbo ka, yung totoo?" masungit na tanong niya kaya napayuko ako.

"CHAROOT! Ganyan yung sasabihin ko sa hampas marmol na papasok sa kusina na napakamahadera. Pero mukhang mabait ka naman kaya pwede kang pumasok dito~ Ohohohohoho~ Sa wakas may kitchen buddy na ko." Sabi niya. Kung kanina tumatawa siya ngayon naman ay nagpupunas ng luha.

"Siguro tinatakot mo kaya walang pumapasok dito." Natatawa kong sabi sa kanya.

"Ang prangka mo naman. Wag ka namang hard~ Anyway I'm Keetzie of this kitchen! You can call me Keet at bespren na tayo! Ohohohohoho~" humahalakhak niyang sabi habang pinipisat ako ng yakap.

"Hindi naman talaga ako magluluto. Pero makikialam na rin ako sa kusina mo." Nginitian ko siya at nanggigil na niyakap niya ko ulit. Hinayaan niya akong magluto. Actually, hindi ko alam yung trip kainin ni Neien kaya gumawa na lang ako ng fried toast is butter melt at nilagyan ng sugar. Nagluto rin ako ng bacon stirred in egg at gumawa ng strawberry shake. Pagkatapos nun nilagay ko na sa lalagyanan at pinatikim kay Keet.

"How do I eat this?" takang tanong niya. Nginitian ko siya at kumuha ng isang slice saka pinatungan ng baconed egg, nilagyan ko rin ng lettuce at saka ni-roll at inabot sa kanya. Gumawa ulit ako ng isa para sa 'kin at sinimulang kainin.

"Masarap di ba?" tanong ko sa kanya. Tumango siya at hindi na ko pinansin dahil nagmamadali siyang kumain. Natatawa ako sa kanya dahil palinga-linga pa siya habang kumakain. Binigyan ko rin ng gawa namin sandwich yung mga kasambahay ni Neien at natutuwa naman ako dahil nagustuhan nila. Inayos ko na ang mesa at sakto namang bumaba si Neien na nakabusangot ang mukha.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Tumango lang siya at naupo.

"HARRA! Pahingi pa ko!" nakasimangot na sigaw ni Keet.

"Keet, what are you doing here?" tanong ni Neien saka napahilot sa sentido niya. Hindi natulog si Neien sa kwarto kaya siguro nasa library office siya naglagi kagabi.

"KUYA! Baka kasi malungkot ka kaya nagpunta ako dito to brighten up your day pero from this day forward... pupunta na ko dito dahil nandito ang bespren ko." Sagot naman ni Keet kaya nagtaka naman ako. Akala ko ba siya yung personal chef ni Neien?

"You little brat. Asan na naman ang chef ko?" tanong ulit ni Neien. Napasimangot naman si Keet.

"I asked him on a date but he refused. I got mad so I made him sleep muna. Hihihi~" kinikilig na sagot niya. Napailing na lang si Neien at nagsimulang kumain.

"Uhm... Umiinom ka ba ng strawberry shake?" nag-aalangang tanong ko.

"I do. Hindi kaya magka-diabetes ako dahil puro matatamis 'tong nandito?" nakasimangot niyang tanong habang kumakain. Napairap na lang ako sa hangin dahil habang nagrereklamo siya ay mukhang sarap na sarap siya. Kumuha ako ng isang slice ng loaf at nilagyan ng baconed egg at lettuce saka inabot sa kanya.

"Nilagyan ko ng lettuce para kahit papano ay may gulay." Sabi ko saka inabot sa kanya.

"Tomatoes?" tanong niya.

"Uhm... hindi ko na nilagyan since hindi ko naman makakain yun." Sagot ko.

"Good." Sabi niya saka kinuha yung pagkain at kumain na.

"That old man hates tomatoes and cucumber, he also hates carrots." Nakangising saad ni Keet at tinignan naman siya ng masama ni Neien.

"Why are you so happy today?" tanong ni Neien. Napayuko ako at mag-isang napangiti.

"B-Birthday ko kasi ngayon." Nakangiti kong sagot. Napatigil naman silang dalawa sa pagkain at napatingin sa 'kin.

"O-Oh! S-so... HAPPY BIRTHDAY BESPREN!" masiglang sabi ni Keet saka dinamba ako ng yakap.

"Thank you." Nakangiting sagot ko sa kanya. Napasulyap ako kay Neien na nagdilim ang mukha at nagtatagis ang mga ngipin.

"Is that why you want to go to mall? You want to celebrate?" batid ko ang sarkasmo sa boses ni Neien kaya kinabahan ako.

"H-Hindi naman." Sagot ko. Ang totoo niyan gusto ko lang sana mamasyal tulad ng ginagawa namin noon ni Yul tuwing kaarawan ko saka tatambay sa sementeryo at bibisitahin si tatay. Matagal ko na rin kasing hindi nabibisita si Tatay. Doon talaga ako madalas na maglagi tuwing birthday ko, sa puntod ni tatay.

"Pero kung may gagawin ka ngayong araw ay ayos lang ako na lang ang mamasyal." Sabi ko pa sa kanya.

"Hindi ka aalis. Wala kang pupuntahan. Dito ka lang." mariing sabi niya saka pakaladkad na inakyat ako sa kwarto. Nang makarating kami sa kwarto ay tinulak niya ko kaya bumagsak ako sa sahig at malakas na sinara ang pinto.

"N-Neien, nakikiusap ako. Pagbigyan mo naman ako kahit ngayon lang." pakiusap ko sa kanya. Hinablot niya ang buhok ko at itinayo saka tinulak ako sa kama.

"You're not going anywhere!" sigaw niya.

"Please! Kahit ngayon lang makinig ka naman sa 'kin! Kahit ngayon lang! Pagbigyan mo naman ako." Muling pakiusap ko sa kanya pero isang malakas na sampal lang ang natanggap ko mula sa kanya. Nabingi ako sa lakas ng sampal niya at umiikot ang paningin ko.

"I'm not gonna allow you to be happy while I'm suffering. Ikaw ang magbabayad sa kasalanan ng walang kwenta mong nobyo." Yun ang huli kong narinig sa kanya bago ako tuluyang mawalan ng malay.

----
NEIEN! ASDFGHJKL!
TT_TT
Enjoy reading and keep voting~

The Betrothed Maiden (THE DEVIL'S BABY MAKER)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora