Chapter One

23.6K 341 4
                                    

Chapter 1

“KUMUSTA? Sa ayos mong 'yan siguradong nagpunta ka na naman kay Eliza, 'di ba?” Nakangiting tanong ni Leandro sa kapatid na si Stanly nang makalabas na ng kotse.
“Oo, dinalaw ko lang ang future girlfriend ko.” Nakangiting sagot ng binata saka pumasok na sa entrance ng La Beau Hotel and Resort— dito siya nagtatrabaho bilang General manager na pagma-may-ari ng pamilya nila.
“Future girlfriend? Eh, balita ko ay palagi ka raw basted doon sa sa nililigawan mo.” Natatawang sabi ni Leandro saka sumabay na sa kanya maglalakad hanggang sa makapasok na sila sa loob ng elevator.
“Magiging future ko rin si Eliza.” Puno ng kumpiyansang sagot ni Stanly nang magsara na ang pinto ng elevator. Pero mayamaya lang ay bigla siyang napabuntong-hininga. “Alam mo, Kuya, hindi ko alam kung bakit palagi niya akong binabasted. Okay naman kami noong una, masaya pa nga siya habang kasama ko but all of a sudden bigla na lang siyang lumayo, wala man lang dahilan.” Nailing na sabi niya. “Hindi ko alam kung bakit ayaw niya sa 'kin. I mean, I am the perfect man that every woman’s want. Mayaman, gwapo at macho, ano pa ba ang hahanapin niya?”
“Actually, wala na pero alisin mo lang 'yang kayabangan mo, Stan.” Nakangising sabi ni Leandro. “Anyway, bakit hindi mo siya tanungin? I believe she have the reasons. Well, baka naman may nagawa o nakita siyang naka-turn off kaya siya lumalayo ngayon sa 'yo. Alam mo naman ang mga babae, madali silang ma-turn off kapag may hindi nakitang maganda sa atin.”
“None and I am damn sure of that. Simula nang makilala ko siya ay wala na akong ibang nilapitang babae. Lahat ng mga fling ko ay isa-isa ko nang hiniwalayan dahil si Eliza na lang ang gusto ko. Siya na ang babaeng naka-set sa isip ko para pakasalan at gusto ko rin na siya ang maging ina ng mga magiging anak ko. Ngayon pa lang ay nakikita ko na ang magiging hitsura ng mga anak ko sa kanya, siguradong magaganda silang lahat.” Nakangiting sabi ni Stanly habang tila isang teen ager na nagde-day dream. “Pero ayaw niya sa 'kin, nilalayuan niya ako at sa maniwala ka o sa hindi ay nagsimula iyon noong ipinaalam ko na pagma-may-ari ng pamilya natin itong hotel and resort.”
“Baka naman noong ipinaalam mo na mayaman pala tayo ay sobrang yabang ng dating mo? Baka naman ipinagmalaki mo itong katayuan natin?”
Napalabi si Stanly. “Well, oo, parang gano'n nga ang naging dating ko sa kanya. Pero ginawa ko lang naman 'yon dahil gusto kong ma-impress siya sa 'kin, gusto ko na mas lalo niya akong gustuhin pero iyon pa yata ang naging dahilan kaya siya lumalayo sa 'kin.” Nailing na sabi niya. “Kung alam ko lang na lalayuan niya ako dahil doon ay sana hindi ko na lang sinabi sa kanya ang totoong estado ko sa buhay.”
Napayuko na lang si Stanly. Ang alam kasi ni Eliza noon ay isa lang siyang pangkaraniwang tao na nagtatrabaho bilang isang room attendant sa isang hotel. Where in fact ay napasok lang siya sa trabaho na iyon dahil na rin sa parusa ng kanyang ama. Noon kasi ay pasaway si Stanly. Graduate ang binata sa kursong Business Management pero hindi niya ginamit ang kurso niyang iyon dahil matapos ang college ay naging tambay na lang siya at palaging laman ng bar at napapasama pa sa mga illegal car racing. Kaya naman para magtino siya ay pinaputol ng kanyang ama ang lahat ng mga credit cards niya. Kahit ang personal account niya ay nagawa nitong ipa-close. Nang umuwi siya isang araw sa kanilang bahay para humingi ng tawad sa kasalanan niya ay hindi siya pinagbigyan ng ama. Sabi pa nito ay dapat daw niya muna na maranasan ang buhay ng isang simpleng empleyado na minimum lang ang sweldo para maisip niya na hindi dapat sinasayang ang pera.
Sumunod siya at doon na nga ay naging room attendant siya ng housekeeping department ng sariling hotel. Lingid nga lang iyon sa kaalaman ng mga empleyado para na rin hindi mailang ang mga ito sa kanya. Ilang buwan pa ang lumipas ay nagkaroon ng visiting tour ang isang university sa kanilang hotel. Naging demo teacher siya kung saan itinuturo niya ang tamang bedding ng kama. Doon ay nakilala niya si Eliza na isang guro sa university na iyon.
Mula nang makita niya ang dalaga noong araw na iyon ay naligalig na siya. Hindi na siya pinatulog ng maamo nitong mukha dahil palagi ay ito na lang ang laman ng isip niya. Kaya naman ginawa niya ang lahat para malaman ang buong pangalan ni Eliza. He even stalking her sa tuwing lalabas ito ng university after class. Pinagtanong-tanong din niya sa mga estudyante doon kung may FB account ba si Eliza. At nang malaman ay mabilis siyang gumawa ng Facebook account. Doon ay nag-send siya ng friend request at ilang araw lang ay in-accept na siya nito. Hindi makakalimutan ni Stanly iyon dahil para siyang nanalo sa lotto nang araw na iyon. Noon lang niya naramdaman ang kakaibang ligaya na hindi yata mapapalitan ng kahit anong materyal na bagay. It was actually heaven. Oo at OA man pero iyon talaga ang naramdaman niya.
Simula ng araw na iyon ay palagi na niya itong ka-chat. Nagtanong pa nga siya dito noon na 'buti at in-accept siya. Sagot naman nito ay dahil nakilala siya nito sa kanyang profile picture. Naisip tuloy ni Stanly na siguro ay nagmarka ang kanyang gwapong mukha. Nagtagal pa ang kanilang 'friendship' online hanggang sa hiniling na ng binata na magkita sila. Alam ni Stanly na malamang ay hindi ito papayag kung magkikita sila sa isang lugar kaya naman siya ang pumunta sa university.
Magmula ng araw na iyon ay naging magkaibigan na rin sila sa labas ng virtual world. Naging masaya si Stanly sa piling ni Eliza at ito rin ang naging inspirasyon niya para magpursige sa trabaho. Of course! He need to work hard para may pera siya kapag lumalabas silang dalawa. Hindi rin nagtagal ay hindi na lang nakuntento si Stanly bilang isang kaibigan. Nagpaalam siya kung puwede niya itong ligawan. Pumayag naman si Eliza noon. He courted her for almost four months!
Until one day, pinatawag siya ng kanyang ama. Pinatawad na siya nito dahil na rin nakita nito kung paano siya nagsikap sa trabaho. Laking tuwa niya nang araw na iyon at lubos din siyang nagpasalamat sa ama dahil kundi dahil dito ay hindi niya makikilala si Eliza. Ang parusa nito ang naging daan para makita niya ang babaeng nararapat sa kanya. Without his father's punishment, wala sigurong Eliza Rivera na siyang naging inspirasyon niya. Binago ng dalaga na iyon ang buong buhay niya.
Pero parang iyon din yata ang naging katapusan para matapos ang maliligayang sandali ni Stanly. Noon kasing nagpakilala na siya bilang isang anak mayaman sa dalaga ay saka naman ito lumayo sa kanya. Tila ba ay naging ilag ito sa kanya at takot na lumayo. Noong araw na rin 'yon ay sinabihan siya ng dalaga para lumayo na raw at huwag na itong lapitan. Eh, paano niya gagawin iyon kung ito na ang babaeng naka-set sa kanyang utak para maging asawa at ina ng kanyang mga magiging anak?
Napabuntong-hininga na lang si Stanly sa tuwing maaalala ang araw na iyon. Kung alam lang niya talaga na ang pagiging mayaman niya ang magiging ugat para lumayo si Eliza ay sana habang buhay na lang siyang nagpanggap na isang pangkaraniwang room attendant.
“I don't know what to do anymore,” sabi ni Stanly.
“Its okay.” Pagbibigay ng lakas ng loob ni Leandro sa kanya saka siya inakbayan. “Isa lang ang maipapayo ko sa 'yo, Stan. Kausapin mo siya, tanungin mo kung bakit siya lumalayo sa 'yo at kung ano ang dahilan kaya ka niya iniiwasan. At kung ang dahilan niya ay ang kaalamang mayaman ka then give her the assurance na kahit na may kaya tayo ay hindi natin forte ang manlamang sa mga katulad nila, naintindihan mo ako?”
“Yeah, gagawin ko 'yan, Kuya Leandro. Salamat sa payo. The best ka!” nakangiting nakipag-high five siya sa kapatid...
______
“FOR the nth time! Binasted mo na naman si Stanly, ano ka ba naman Eliza? Sayang ang grasya!” sabi ni Norma sa kanya habang pinagmamasdan ang bungkos ng mga bulaklak na nasa basurahan.
“Hindi ko naman kasi gusto si Stanly. Ang kulit-kulit niya! Sobrang nakakainis na talaga ang lalaking iyon,” sabi ni Eliza saka pagod na naupo sa sofa. “Pati ba naman sa school ay pinuntahan pa ako, pati tuloy ang mga co-teacher natin ay tinutukso na rin ako, sumabay pa pati ang mga estudyante ko.”
Napailing na lang si Eliza nang maalala ang tagpong iyon kanina sa university na pinagtatrabahuan niya bilang isang guro. Paano ba naman ay bigla na lang itong sumulpot sa kalagitnaan ng klase niya at may dala pang mga bulaklak. Pinaalis niya ito pero sadyang mapilit ang lalaki at gustong masunod ang gusto. Hindi raw ito aalis hangga't hindi niya kinukuha ang dala nitong mga bulaklak kaya naman walang nagawa si Eliza kundi tanggapin ang mga iyon.
Masugid na manliligaw ni Eliza si Stanly Beau. Nakilala niya ang lalaki noong nagkaroon ng visiting tour ang university nila sa La Beau Hotel and Resort kung saan una niyang nakilala si Stanly bilang room attendant na naging demo teacher sa kanyang mga estudyante. Noong una ay natuwa siya rito. Mabait kasi at magiliw, syempre ay gwapo at malakas ang dating. Gustong-gusto niya ang mga mata nito na kapag tumititig sa kanya ay para bang siya na ang pinakamagandang babae sa buong mundo, gusto rin niya ang mga ngiti nito dahil talaga namang nakakatunaw iyon at nakakapanlambot ng tuhod. Aaminin niyang nagka-crush na siya rito noong una pa lang niyang nakita si Stanly. Kaya nga nang makita niya na may friend request si Stanly sa Facebook ay mabilis niya itong in-accept. Matagal silang naging magkaibigan at nang magpaalam ito sa kanya kung puwede ba raw siyang ligawan ay talagang nagbunyi ang puso niya. Sino ba naman ang hindi?
Pero noong unti-unti na niyang nakikilala ang binata ay dahan-dahan ding naglalaho ang nararamdaman niyang paghanga rito at mabilis na iyong napalitan ng takot sa kanyang puso. Anak mayaman pala si Stanly, ang pamilya ng lalaki ay nagma-may-ari ng isang hotel ang resort dito sa Pilipinas— ang La Beau Hotel and Resort. Hindi nagtagal ay nalaman ni Eliza na nagtrabaho lang pala si Stanly sa sariling hotel ng pamilya bilang isang room attendant dahil sa parusa ng ama nito. Sa nalaman ay biglang naisip ni Eliza na sana ay nakilala na lang niya si Stanly bilang isang mayamang lalaki at hindi bilang isang demo teacher ng major subject niya, 'di sana ay wala siyang problemang ganito.
Sa totoo lang ay humahanga siya kay Stanly dahil mapagkumbaba pala ang binata at iniisip muna ang kalagayan ng ibang tao pero ang isipin na anak mayaman pala ito ay na-turn off talaga siya. Siguro sa iba ay matutuwa dahil nakabingwit siya ng isang matabang isda na mag-aangat sa kanya mula sa kahirapan pero iba si Eliza.
Sa karanasan kasi ng kanyang ina na muling nagmahal matapos ma-biyuda ng isang dekada ay nagkagusto ito sa isang mayamang lalaki pero sa huli ay niloko lang at pinaasa. Nakita niya kung paano umiyak ang kanyang ina, dinamdam kasi nito ang nangyari dahil ang akala ng kanyang ina ay makakaranas na ito ng salitang ‘forever’ pero hindi nangyari iyon at naiwan itong luhaan.
Noong makita niyang umiiyak ang ina ay pinangako niya sa sarili na hindi papares dito. Ayaw rin niyang umiyak kaya ang sabi niya noon ay hahanap siya ng lalaking ka-level lang niya para walang maging problema. Sa paniwala kasi ni Eliza, kapag simpleng buhay lang ang hinangad niya ay mga simpleng problema lang din ang kakaharapin niya. Alam ni Eliza na masyadong mababaw ito pero mas mabuti na ang ganito para sa huli ay hindi siya masaktan. Napabuntong-hininga na lang si Eliza pagkaalala sa kanyang ina. Wala na kasi ito, iniwan na siya. Three years ago noong namatay ito dahil sa heat stroke.
“Pero in all fairness d'yan kay Stanly, ha? Kahit na palaging basted sa 'yo ay hindi marunong sumuko,” sabi ni Norma habang kinukuha sa basurahan ang mga bulaklak na tinapon ni Eliza kanina. “Kung ayaw mo nito, akin na lang, ha? Sayang naman kasi ang mga vase natin dito sa apartment kung hindi gagamitin.”
“Bahala ka.”

My Amnesia Wife (Approved under PHR)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora