Chapter Two

13.5K 291 4
                                    

Chapter 2

MAAGANG pumasok sa university si Eliza. May meeting kasi na gaganapin sa faculty room. Ang pag-uusapan nila ay tungkol sa place na maaaring gawing training ground ng mga sasabak sa internship ng mga BSHRM students. Pagkadating niya sa meeting place ay masaya siyang binati ng mga co-teachers niya pati ng mga head ng bawat department. Lahat sila ay nagpapasalamat sa kanya na hindi naman niya maintindihan kung para saan. Kakadating nga lang niya tapos may nagte-thank you sa kanya as if may ginawa siyang something na nagpaligaya sa mga ito.
"Ms. Rivera!" nakangiting lumapit kay Eliza ang principal ng university nila saka niyakap siya nang mahigpit. "Thank you so much! Lahat ng blessing na dumarating sa school natin ay dahil sa 'yo!"
"Ha?" napatanga na lang si Eliza, ano'ng ibig sabihin ng principal? Wala talaga siyang maintindihan sa mga nagaganap ngayon. "Teka lang, ano po ba ang ibig niyong sabihin? We supposed to have meeting today about the internship ng mga BSHRM students' ng university."
"Exactly my point!" napalakpak pa ang principal saka nagniningning pa ang mga matang tumitig sa kanya. "Solve na ang problema natin dahil ang General Manager ng La Beau Hotel and Resort ay dumating dito at nag-suggest na doon na lang mag-internship ang mga student ng school. And another good news! Walang babayarang fee ang mga OJT's sa hotel, lahat ay libre. Amazing, right? Hindi na rin mahihirapan ang mga bata na maghanap ng kompanya na tatanggap sa kanila dahil naka-serve na ang lahat ng iyon sa kanilang harapan."
Biglang napanganga si Eliza pagkarinig ng pangalan ng hotel and resort at ang general manager daw? Oh, god! Ngayon pa lang ay may pumipitik ng pangalan sa kanyang utak kung sino ang dumayo dito.
"Ikaw naman, Ms. Rivera, hindi mo man lang sinasabi sa amin na kaibigan mo pala ang anak ng may-ari ng hotel na iyon."
"T-teka lang po, Ma'am-"
"Good morning!"
Mabilis na napalingon si Eliza sa may-ari ng buo at baritonong boses na iyon. Pagkakita pa lang sa lalaking ngayon ay nakatayo sa may pinto ay mariin na lang siyang napapikit, hindi nga siya nagkamali ng hinala. Mabilis na nakaramdam ng pagkainis si Eliza kay Stanly dahil pakiramdam niya ay ginagamit ng binata ang problema ng university nila para mas mapalapit sa kanya. Hindi siya assuming, sadyang totoo ang naiisip niya. Napailing na lang siya. Talagang magaling maglaro ang lalaking ito.
"Hi, Eliza..." bati ni Stanly sa kanya.
Hinamig muna ni Eliza ang sarili bago muling magsalita. "Hello..." sagot niya sa binata saka kiming ngumiti. Kahit paano ay kailangan niyang magpakita ng galang sa lalaking nasa harapan dahil nagmistula itong 'sponsor' ng university nila saka kaharap din nila ang principal baka mapagalitan siya nito kapag nagpakita ng katarayan kay Stanly.
"Para sa 'yo pala," lumapit sa kanya si Stanly at binigyan siya ng isang tangkay ng rosas. Wala namang nagawa si Eliza kundi ang tanggapin iyon. Narinig niyang impit na tumili ang ilan sa mga co-teacher niya, parang kinikilig. "Sana ay magustuhan mo."
"Salamat," nginitian na lang niya ito saka lumabas na ng faculty room. Ano pa ba ang gagawin niya sa loob? Eh, tapos na ang 'meeting' kuno nila. Sina Stanly at ang principal na lang ang mag-uusap para sa ibang detalye ng internship.
Napailing na lang siya at ilang sandali pa ay naglakad na siya sa hallway papunta sa isang klase niya na nasa dulong bahagi ng pasilyo. Wala pa siyang mga estudyanteng nakikita dahil mag-a-alas siete pa lang ng umaga at mamayang alas otso pa ang kanyang klase. Napabuntong-hininga na lang siya, siguradong siya lang mag-isa ngayon sa loob ng classroom. Ano pa ba ang magagawa niya kundi ang maghintay sa mga ito.
Mayamaya lang ay nakarating na siya sa classroom. She was about to open the door nang biglang may tumawag sa kanyang pangalan. Nang lingunin niya iyon ay nakita niya si Stanly na kumakaripas ng takbo papunta sa kanya. Nanlalaki ang mga matang binuksan niya agad ang pinto at mabilis na pumasok sa loob saka ni-lock iyon agad.
"Eliza! Open the door, please!" sabi ni Stanly nang makahabol saka buong lakas na kumatok na halos ay mag-echo na sa buong paligid. "Gusto lang kitang kausapin."
"Leave me alone, Stanly! Ano ka ba? Huwag kang manggulo dito." Pakiusap ni Eliza. "Sinabi ko na sa 'yo. I don't like you!"
"Eliza naman! Hindi naman ako nanggugulo. Gusto kitang kausapin nang maayos pero ikaw ang lumalayo sa akin. Ano'ng gusto mo? Ang hindi kita habulin? Eh, mahal nga kita."
Napatirik ng mga mata si Eliza.
"Kung hindi mo ako pagbubuksan sa loob ng limang segundo ay mapipilitan akong tawagan ang principal ng university." Pagbabanta ni Stanly.
"Sige, subukan mo! Irereklamo naman kita ng harassment! Alam mo bang bawal itong ginagawa mo? Pinipilit mo akong kausapin ka, eh, ayaw ko nga sa 'yo!"
"What the-" narinig niya na muntik mapamura si Stanly dahil sa sinabi niya. Hindi makapaniwala na irereklamo niya ito ng harassment. "Okay, ganito na lang, Eliza. Kung hindi mo ito bubuksan para harapin ako ay mapipilitan talaga akong bawiin ang proposal na ini-suggest ko sa principal. At alam mo ba ang mangyayari pagkatapos? Siguradong magagalit sila sa 'yo at baka nga patalsikin ka pa sa trabaho mo. Remember this, Eliza. They all know that I am your persistent suitor kaya kapag sinabi ko na ikaw ang dahilan ng-"
"So, what do you want?" malamig ang boses na tanong ni Eliza nang buksan na sa wakas ang pinto, wala man lang siyang kangiti-ngiti sa mga labi.
"Ikaw. Alam mo namang ikaw lang ang gusto ko."
"Puwede bang sabihin mo na lang agad ang gusto mo? I don't have time to play with you, okay?"
Napabuntong-hininga si Stanly. "Okay. Gusto kong malaman kung bakit mo ako nilalayuan ng ganito. Kung bakit mo ako binabasted. May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan? Sabihin mo lang sa 'kin at kung meron man ay sorry, hindi ko na uulitin iyon."
"Wala kang ginawang masama, Stanly. Sadyang ayoko lang talaga sa 'yo. Ano ba ang mahirap intindihin doon?"
"Iyon lang ang dahilan mo? Ayaw mo lang sa 'kin? Paano ko iintindihin iyon? Ang hirap, Eliza. Bakit ba kasi? Ano ba talaga ang dahilan?" sabi ni Stanly habang titig na titig sa kanyang mga mata. "Nararamdaman ko na nahuhulog na ang loob mo sa akin pero simula nang malaman mong mayaman pala ako ay doon ka naging aloof sa akin, bigla mo na lang ako inayawan. Bakit Eliza?"
"Ayaw ko lang masaktan."
"Hindi naman kita sasaktan."
"Darating ang araw na sasaktan mo rin ako at iyon ang paniwala ko. Wala ka nang magagawa doon. Ayaw kong mapalapit sa mga mayayamang tulad mo. Sana maintindihan mo iyon."
_____
HALOS ay magkabuhol-buhol ang kilay ni Stanly dahil sa sinabing dahilan ni Eliza. Hindi niya talaga makuha ang logic sa dahilan nito. Por que mayaman lang siya ay may kakayahan na siyang manakit? What the hell? Eliza must be over reacting. Sa tingin niya ay nasobrahan ang dalaga sa kakabasa ng mga romance novel at kakanood ng mga teleserye na may temang inaapi ng mga mayayamang lalaki ang pobreng babae.
"Eliza..."
"Kung isa ka talagang tunay na lalaki, Stanly, gagalangin mo ang desisyon ko. Ayaw ko sa iyo, layuan mo na ako, please." Puno ng pagsamo na sabi ni Eliza. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang takot na hindi niya alam kung bakit nito kailangan maramdaman iyon.
At hindi niya kayang makita ang takot n amga mata nito. Kaya napatango na lang si Stanly saka laglag ang balikat na umalis sa harapan ng dalaga. Pero umalis man siya ngayon ay hindi ibig sabihin niyon ay sumusuko na siya. Hindi sa ganitong paraan lang siya bibitiw, masyadong mababaw ito.
Damn it, Eliza! 'Yon lang ang dahilan mo kaya mo ako nilalayuan? Dahil lang sa mayaman ako? That was unacceptable! Hindi ako papayag! Magiging akin ka, Eliza. Kahit anong mangyari, makukuha kita dahil ikaw na ang babaeng gusto ko na makasama habang buhay.

My Amnesia Wife (Approved under PHR)Where stories live. Discover now